Part 3

16 1 0
                                    

Hindi madaling makalimot. Araw-araw kong nakikita si mama na umiiyak ng patago. Sobrang sakit sa parte niya na mawalan na naman ng isang anak. Oo, namatayan na kami noon. Sanggol pa at si mama lang ang nandito, wala si papa. Walang tumulong kay mama nung nagkasakit si ate Monica, nagtatae at nagsusuka. Walang naitulong ang mga magulang ni papa sabi sa amin ni mama. Halos hindi siya binibigyan ng atensyon kaya hindi na nakayanan ng sanggol. Isang babaero ang Lolo namin, kaya takot si mama at baka siya ang biktimahin. Hindi ko alam kung nasa dugo na ba nila ang pagka uhaw sa babae, sa alak , at pera. Uhaw na uhaw pero walang mga pangarap. Makakain lang ng tatlong beses sa isang araw, sapat na. Namana yata ni papa ang ugali ni Lolo, kaya kami naghihirap.

Umagang-umaga, sumisigaw na si mama para gisingin kami. Halos naman ganito ang senaryo araw-araw. Babangon, maliligo at kakain.

"Ma, anong ulam?"  tanong ni Vivien.

"Pasensya na mga anak, ito lang pagkain natin ngayon"  agad nawala ang kislap sa mukha ng kapatid ko pagkakita niya sa pagkain sa hapag. Ang kanin ay hinaluan ng pira-pirasong saging para dumami. Napakagat ako sa aking labi dahil sa lungkot. Nagsimula na kaming kumain, ang tahimik. Hindi kumikibo si papa. Lasang hindi ko maintindihan...

"Anak, ito na baon niyo. Limang peso yan, hati² kayo ni Estelle" Sabi ni mama

"Okay po, tara na Estelle!"

Habang naglalakad palabas ng bahay, nakikita pa namin sina Rozel at Romar, ibig sabihin hindi kami malalate ngayon. Mas humirap ang mga lessons ngayong Grade 5 na ako.

"Mar!" Tawag ni ate sa pinsan

"Oh! Bilisan niyo diyan!"

Tumatawa pa kami ni ate habang tumakbo patungo kina Romar. Hindi ako nagkukuya sa kanya kasi hindi naman magkalayo ang agwat ng aming edad. Kaming apat ang  parating magkasama, ako ang mas bata nga lang.

"Telle, may practice ba kayo mamaya?" tanong ni  Rozel

"Mmmm, parang wala yata hindi ko alam eh"  walang sinabi si coach. Kasali kasi kami sa volleyball team ng school. Tuwing lunch time nag papractice kami para sa paparating na district meet.

"Isa!"

"Estelle kunin mo!"

"Mine!"

"Sa likod!"

"Aray ko!"

*Prttttttttt* (tunog ng pito nang referee)

"Leah, ayusin mo nga yang kamay mo. Hindi makukuha ng ka team mo ang bola kapag hindi mo maayos pag set" agad sabi ni coach. Napatingin ako sa captain namin at tumango. District meet na namin ngayon, at kailangan namin manalo para makarating sa provincial meet. Biglang may tumawag sakin sa likod kaya napalingon ako.

"Oh ate, nandito ka?" Wala naman siyang sinabi na pupunta siya.

"Ahh, may pinuntahan lang kami ni  Rozel dun sa may palengke".

"Ganun ba? Kumain ka na?"

"Oo tapos na, tsaka ayusin mo ang postura ng iyong katawan para mas mahabol mo pa ang bola, mahirap maging receiver sa likod" kasali rin si ate sa team kaso may ubo siya kaya hindi na pinasali muna.

"Yeah, yan din sabi ni coach kanina, may tubig ka?" Kanina pa ako uhaw na uhaw, may tubig naman dun sa side namin kaso iisang baso lang ang ginagamit. Malay ko ba kung sino-sino ang uminom.

"Wala, ibibili nalang kita"

"Estelle! Gather up!"

"Yes coach! Coming!"

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now