Part 29

5 0 0
                                    

Umiwas ang tingin ni Bryce pagkasabi ko 'non. Namumula pa ang tenga pati ng leeg niya. Huminga muna ako ng malalim bago lumingon sa'kin.

"Then anong sabi ni Bernie?" 

"Hindi daw kuno tayo magtatagal. Akala ko nga hindi na magpaparamdam dahil sa inasta ko nung nagkita kami kaso tumawag nung nag family bonding kami. Gusto ko magbago ng sim kaso sayang naman, hindi na ako matatawagan ni mama." 

"But, why nandito sila?"

"Si ate nag invite. Nandito ka kasi kaya sinubukan niyang papuntahin dito ang jowa niya. Hindi ko alam na need pala ni kuya James ng human chaperone." 

"So kung wala ako, wala din sana ang mga 'yan?" Tumango ako bilang sagot. "I see... let's go tignan natin kung lalapit pa si Bernie sayo." 

Hindi sa kamay ko humawak si Bryce, kundi sa mismong bewang. Mas bumigat ang paghinga ko dahil sa kaba o hindi ko alam paa akong kinakalibutan ng walang dahilan. Paglapit namin, pinakilala ni ate si Bryce kina Kuya James at Bernie. Hindi man lang ngumiti si Bryce sa dalawa. Kahit sa pag upo magkatabi kami ni Bryce. Si ate naman palihim na kinukurot ang tagiliran ko. Tumayo si ate at kinuha ang basket tsaka nagpaalam na lilinisin niya ang nakuha namin para makakain na kami. Tumayo  na rin ako para tumulong. Naiwan ang tatlong hindi nagkikibuan.

"Telle.." 

"Oh?" 

"Ang siga ng dating ni Bernie nung pinakilala ko si Bryce sa kanya." 

"Napansin mo rin pala, akala ko ako lang nakapansin."  

"Oo tapos mga tingin niya sayo ang lagkit. Kung ako ang ginaganon niya, baka nasapak ko na ang pagmumukha 'non." 

"Alam na ni Bryce.." 

"Ang alin?" 

"Na may nangyari sa pagitan namin ni Bernie."  

"Any violent reactions?" 

"Wala naman. Nakinig lang siya eh." 

"Mabuti naman kung ganon lang. Bilisan mo diyan para makakain na tayo." 

Mabilis kong tinapos ang paglilinis at sumama kay ate pabalik. Pagkalapit namin nag-uusap si Bryce at Kuya James habang nakikinig lang si Bernie, dapat lang. Nang napansin kami ay agad tumayo ang dalawa para tumulong. Kinuha ni Bryce ang bag niya sa kabila kaya naiwan kaming apat. 

"Telle.." mahinang tawag ni Bernie sa'kin na ikinigulat ko. 

"Oh?" 

"Sino 'yon? Jowa mo? Englishero ang hayop."

Nainis ako sa pagtawag niya ng hayop kay Bryce.

"Oh bakit? Hindi ka makasabay? Mag-aral ka kasi hindi puro kalandian niyang nasa isip mo." biglang singit ni ate. 

Napansin ko ang pagmumula ng tenga ni Bernie at ang pagbagal ng kanyang hininga. O huwag mong sabihing nagalit siya? Natamaan? 

"Oh galit ka na niyan?" tanong ko

"Minsan walang preno ang bibig ng ate mo. Akala mo naman magand-"

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may malakas na kamay ang humablot sa kanya paitaas. 

"Watch your mouth dude. Hindi ka marunong rumespeto ng babae?" kalmadong sambit ni Bryce.

Medyo nakatingala si Bernie dahil mas matangkad si Bryce kompara sa kanya. 

"Bitawan mo nga ako! Anong problema mo? Kanina ka pa!" sigaw ni Bernie.

Nagpupumiglas siya kaso walang talab kay Bryce na mahigpit na nakahawak sa kanya. 

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now