Part 2

16 0 0
                                    

Continuation....

Mahirap lang kami, walang sapat na pera mga magulang namin, kaya kami nagtitipid sa lahat ng mga bagay. Malala rin naman yung naging karanasan ng mga magulang namin sa mga magulang nila. Napilit silang magtrabaho sa murang edad upang makatulong sa gastosin sa bahay. Grade 2 lang tinapos ng papa ko, at naka graduate naman si mama ng elementarya. Mahirap ang buhay noon, mas naghirap lang kami ngayon...

"Nak, tignan mo nga yung lagayan ng bigas kung may laman pa" rinig kung utos ni mama kay ate.

Pagkabukas ni ate nun, agad siyang umiling na ang ibig sabihin, matutulog na naman kaming gutom. Agad nahimas ni Nanay ang kanyang sindito dahil sa stress.

"Estelle, puntahan mo nga yung papa mo dun sa tindahan ni Aleng Vicky, tanongin mo kung may pera pa siya para pambili ng bigas" utos ni mama.

Agad akong kinabahan na baka lasing na naman si papa at wala ng pera. Hindi ako sanay na ako yung manghihingi, kadalasan si mama, pero mukhang busy siya at ako ang nautusan. Pagkarating ko sa tindahan, nakita ko agad si papa kasama mga barkada niya. Agad ko siyang kinalabit sa may tagiliran. Tinignan niya ako gamit ang kanyang mga nanlilisik na mga mata.

"P-pa, sabi ni mama baka may pera po kayo pambili ng bigas."  takot ako sa papa ko paglasing kasi, nanakit.

"Wala akong pera, alam naman ng mama mo iyon na wala akong huli sa isdaan!" singhal niya sakin.

"P-po! Pero wala na po tayong makain mamayang haponan"

Mas dumilim ang mukha niya... hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Ikaw na bata ka, pinapahiya mo ko sa mga barkada ko, alam mo ba yun? Kala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo ko maintindihan ka agad? Pumunta ka dun kay Joy, mangutang ka ng isang kilong bigas". utos niya sakin bago ako binitawan.

Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya. Sa tindi ng kaba, sa amoy ng alak galing sa bibig niya, at sa kinahihiya niya ang sitwasyon namin. Habang naglalakad, nagpapractice pa ako kung ano ang sasabihin ko kay ate joy, sobrang nakakahiya na at alam kung madami ma kaming utang sa kanya.

"Tao po, tao po?"  may biglang sumilip sa bintana.

"Oh, Estelle napadito ka. Anong sadya mo?"

"Ate, mangungutang po sana ako ng bigas, kahit isang kilo lang po, wala na po kasi kaming makain sa bahay".

"Nako, hindi na muna ako magpapautang ngayon, wala pa akong kita eh, tsaka ang haba na ng listahan ko ng mga utang niyo. Halos na nga ako yung nagpapakain sa inyo. Kailan niyo ba ako babayaran?"  agad niyang sabi sakin. Napaiwas ako ng tingin kasi hindi ko alam anong isasagot ko.

"Hindi ko po alam ate, wala pa pong kita si papa"

"Ha! Ako ba'y pinagloloko mo ineng? Diba papa mo yung umiinom dun? Baka may pera yun at ng mabayaran niyo na ako. Hindi ba kayo nahihiya? Jusko".

"Galing na po ako kay papa, at *napayuko* wala po siyang pera, kaya po niya ako inutusan na mangutang sa inyo".

"Umalis ka na Ineng, hindi kita papautangin hanggat hindi niyo pa ako nababayaran". Bigla siyang tumalikod sakin

"Pero po ka-"

    *Booooggshh*

Namlumo ako habang nakatingin sa siradong pintuan. Papagalitan na naman ako nito pag-uwi. Pagkarating ko sa bahay, nakita ko si ate na naghuhugas ng pinggan at yung nakakabata ko pang kapatid ay naglalaro.

"Vivien, umuwi ka na sa bahay". Sabi ko sa kanya

"Mamaya na, wala naman akong kalaro sa bahay eh" tinarayan pa ako.

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now