*Ting
Napalingon ako sa keypad na cellphone. May nagtext, himala may nag text.
From Monte:
Hi.
Hindi ko 'to marereplyan. Wala akong load. Hindi ko nga afford magic sarap tapos load pa kaya? Baka bukas may pera si papa. Ay baka si ate may load, may jowa to eh.
"Te may load ka? Pa text ako."
"Oo baka mag text si James." Inirapan ko ito.
"Lol, sandali lang to. Huwag kang mag-alala dahil dito lang ako. May kaunting signal naman cellphone mo eh."
Kinuha ko ang isang cellphone at tinype ang number ni Bryce.
To Bryce:
Hello? Naki text lang ako kay ate. Wala akong load.
*ting
From Bryce:
It's okay, how are you?
How are me daw. Hindi ko alam.
To Bryce:
Okay lang, ikaw? Sumusuka ka pa rin?
*ting
From Bryce:
Yeah, sometimes. Like twice a day.
To Bryce:
May sakit ka ba? May masakit ba sa'yo?
*ting
From Bryce:
Mmm, wala naman. Kulang lang yata ako sa tulog.
To Bryce:
Anong oras ka ba natutulog tuwing gabi?
*ting
From Bryce:
Quarter to 10, but okay na ako.
To Bryce:
Ang tagal. Ano bang ginagawa mo?
*ting
From Bryce:
Thingking of you.
Futikkkk.
To Bryce:
Ang harot mo po haha... Paturo naman at ng may mareply ako next time.
*ting
From Bryce:
No need.
To Bryce:
YAH! Ang damot mo ah. Ayaw ko na sayo. Baka marami kang sinabihan niyan kaya ayaw mo kung turuan:(
*ting
From Bryce:
Yeah, madami sila.
Napasimangot naman ako dahil sa reply niya. Edi ikaw na...hindi na muna ako nagreply. Alangan naman itatanong ko pa kung sino. Hindi naman ako jowa.
*ting
From Bryce:
1. Maria
2. Estelle
3. Maria Estelle
4. Ma. Estelle Sanchez
At tuluyan na nga akong hindi nagreply. Binura ko na ang convo namin ni Bryce baka mabasa pa ni ate. Alam niyo naman na medyo may pagka talkative si ate at baka makalat pa niya ng wala sa oras. Binalik ko na sa kanya ang cellphone.