Part 13

1 0 0
                                    

"Morning ming" sabay ngiti sa kanya

"Morning. Mabuti't hindi ka late." 

"HA HA HA. Muntikan na sana eh." Lunes na lunes malalate ako. Wag naman sana. 

"May ass-" 

"ESTELLE! MINGKAY!" 

Sabay kaming napalingon ni Jenny sa likuran. Nakita namin ang nagmamadaling si Kaye. 

"Ang tinis ng boses. Nakakahiya minsan to si Kaye." reklamo ko

"Hayaan mo na. Hindi ka pa nasanay diyan. Singerist si ate." Sa aming klase. Si Kaye ang pambato namin sa kantahan at maganda pa.

"Oh ba't nakabusangot mga  mukha niyong dalawa?" Tanong ni Kaye nang makalapit. 

"Nagtanong ka pa *sabay irap* Ang ingay mo Kaye." sabi ni Jenny

"Relax ka lang. Kanina ko pa kayo tinatawag hindi niyo naman ako naririnig." maktol niyang sabi sa 'min.

"So kasalanan pa namin Kaye HAHAHA ayos..! Bilisan niyo na!" hinila ko na silang dalawa  dahil mas bumagal kami dahil sa kadaldalan ni Kaye. 

"Dahan dahan naman Estelle! Masakit kamay ko." reklamo ni Kaye sa 'kin. Binitawan ko silang dalawa at naunang pumasok sa classroom. Nasa loob na pala si ma'am.  Tumabi ako agad kay Jaython.

"Morning." 

Gulat siyang napalingon sakin. Bakit ano namang nagawa ko?

"May sakit ka ba?" hinawakan niya ang aking noo. Napaatras ako nang wala sa oras.

"Anong ginagawa mo?" bigla akong kinabahan. Hindi ako komportable pag hinahawakan ako ng ibang tao. 

"Wala lang. Nagulat lang ako na bumati ka. Bago yun." W-what?

Hindi ko siya pinansin. Tahimik lang ako habang nagdidisscuss si ma'am. Wala akong naintindihan sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko alam bakit hindi ako maka concentrate. Kinuha ko nalang ang notebook ko at nagsulat ng kung ano-ano. MAbilis ang oras at tapos na kami sa first subject. Imbes na lumabas para bumili ng snack, tumambay lang ako sa room. Sayang ang pera. Napansin ko rin ang tamlay ni Kaye ngayon. Napagdesisyonan kong lapitan siya. 

"Kaye.." Tumingala ito sa'kin sabay ngiti.

"Telle? Upo ka" Inalok siya sa'kin ang katabi niyang upuan. 

"Okay ka lang?" 

"Oo okay lang." Hindi ako kumbensido. 

"Hindi ka ata nagsnack ngayon? Malipasan ka niyan." Always tong kumakain tuwing snack. Nakapanibago.

"Nagtitipid kasi ako."

"Tinitipid mo pa ang sarili mo? Isang ubo ka na nga eh," Tumawa ito. Ang peke ng tawa niya. "Nandito lang ako okay?" Tumango ito. 

"Estelle may naghahanap sayo sa labas." sabay tapik sa akin ni Marjory. Wala naman akong inaasahan na maghahanap sakin ngayon ah. Wala akong ibang choice kundi lumabas. Nang malapit na ako sa pintuan nakasalubong ko si Eli, bigla akong napabalik ng daan at sa kabilang pintuan lumabas. Ang awkward talaga pag nakikita ko siya. Hindi ko kilala ang mukha ng lalaking naghahanap sa akin.

"Hello po? Hinahanap niyo daw ako?" awkward akong ngumiti sa kanya.

"Hi sayo. Ako pala si Zach. Gusto ko lang ibigay sayo to. Hindi sakin galing yan at napag utusan lang. Sigeh aalis na ako." nawala siya bigla sa harapan ko. Anong trip nun? Hindi man lang ako tinanong kung tatanggapin ko ba. Anong gagawin ko dito sa isang folded na bondpaper? Napagtripan yata ako nun ah. Bumalik ako sa loob at deritsong pumunta sa basurahan. Tinapon ko yung binigay nung lalaki. Hindi ko na binuksan mukhang hindi importante. Pabalik na ko sa upuan nang masagi ng paningin ko si Elijah na masamang nakatingin sa akin. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Anong problema nun? 

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now