Part 17

0 0 0
                                    

Nagising akong lutang. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Ang laki ng eyebags ko sa mata. Halatang puyat. Wala na si ate sa tabi ko kaya lumabas na ako. Nakita kong tulog pa rin si papa. Inirapan ko siya at nilagpasan. Naabutan ko si ate sa kusina na nagluluto.

"Anong ulam natin ngayon ate?" Napalingon siya sakin at umiling.

"Bakit?"

"Hindi bumili si papa ng ulam kahapon. Hindi ko alam kong may pera pa siya o wala." Natahimik ako at umiwas ng tingin. Sana hindi niya ginastos ang pera kung meron man. Ginising ko na ang mga kapatid ko para makaligo ng maaga. Ayaw pa sanang bumangon ni Chelo nang kinurot ko kaya agad napabangon. Hinanda ko na ang mga damit nila. Ginagawa ko naman to pa minsan-minsan. Sabay na kami kumain. Si Vivien ang naghugas pagkatapos. Ginising ko na si papa para manghingi ng perang pambaon.

"Mmmm." ungol niya.

"Pa baon namin." sabi ko sa kanya. Minulat naman nito ang kanyang mata at bumangon. Kinuha niya ang kanyang lagayan ng pera at tinignan ang laman nito.

"Wala na pala akong pera." Sabi nito sakin.

"Pa naman. Wala ka ba kahit bente?" Umiling lamang ito.

"Nasan ba ang pera mo pa?" tanong ni ate.
Napaisip muna ito bago sumagot.

"Na gastos ko kahapon mga anak." Napatalikod kaagad ako sa kanya. Nakita kong malapit ng umiyak mga kapatid ko kaya nilapitan ko sila at inalo.

"Sshhh huwag kayong iiyak." Pagkasabi ko nun, umiyak ng tuluyan ang dalawa. Kinuha ko ang tira kong pera sa bag at binigay sa dalawa.

"Hati kayong dalawa. Tigil na huwag ng iiyak". Tumalikod na ako at lumabas ng bahay. Hinintay ko nalang si ate sa labas. Maya't maya dumating na ang service namin kaya kailangan na naming umalis. Magkatabi kami ni ate sa loob.

"Te may binigay ba si papa?" Sana.... may amutan kami ngayon para sa group project. Binigay ko kay Liam at Chelo ang pera na dapat sa amutan ngayon.

"Meron. Bente pesos lang ang binigay kasi wala na raw siyang pera." Alam kong galit si ate.

"Te, manghingi ka kaya Kay mama ng pera." Bulong ko sa kanya.

"Wala pa akong load. Try ko mamaya makitext sa classmate ko."

"Sige tapos sabihan mo ako ah pag magpadala siya." Tango lang ang sagot nito sakin.

Pagdating sa school. Nagsibabaan na kami. Nagpaalam ako Kay ate at naunang pumasok sa campus. Dumeretso na ako sa room. Nakasalubong ko sila Elijah at Beatrice. Hindi ko sila tinapunan ng tingin. Matagal na akong moved on. Anong moved on? Hindi ko naman gusto yang si Elijah eh! Pweee!  Pero may galit pa rin ako sa lalaking to. Pagpasok ko sa room nakita ko agad si Camille.

"Morning Camille" bati ko rito.

"Oy morning din sayo Estelle"

"Mmm, pwede 10 muna yung ibibigay ko sayo? Wala pa kasi akong pera." nahihiya Kong sabi.

"Sure, okay lang naman basta buo na bukas. Malapit na ang deadline nito eh kaya kailangan matapos natin bago dumating ang araw na 'yon." mabuti nalang at okay lang pala.

"Salamat nang marami." Nakangiti kong sabi dito.

"Walang anuman, ano ka ba wala iyon" Ngumiti din ito sakin.

Filipino ang unang sub namin sa umaga. Binigyan niya lang kami ng group project na naman. Hindi sa nagrereklamo ako pero nakarami nato eh. Binigyan niya kami ng pangyayari. Isabuhay raw namin at ipasa sa kanya ang script. Mabuti nalang at medyo maayos ang mga naging ka grupo ko.

"Sino leader na tin?" Tanong nang isa sa mga ka grupo ko.

"Si Jimena ang leader." Sabi naman ng isa sa mga ka grupo ko sabay turo sa katabi kong babae.

"Bakit ako? Ayaw ko oi!" agad na tanggi nito. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Si Estelle na lang." Inis akong napatingin kay William. Ka grupo ko pala to?

"Saksakin kaya kita at nang makita mo." Pagbabanta ko sa kanya.

"Ikaw na lang Estelle. Ikaw lang din naman yung medyo matalino satin dito." Pag sang-ayon ni Jimena kay William.

"Pag si Estelle naging Leader natin. Bugbug sarado tayo makikita niyo." Dagdag naman ni William.

"Ang ingay mo. Tumahimik ka nga,.." bumaling ako sa ibang members. "Okay lang sa inyo na ako?..." Nagsitanguan naman ang lahat. "Okay, so ganito ang mangyayari. Ako ang gagawa ng script. Ako na rin ang maging director sa play natin. Sino sa inyo gustong maging bida?..." May nagtaas ng kamay. Okay lang gusto ko to.
"William sayo ko ibibigay ang props. Ikaw na bahala gumawa nun kung okay lang sayo".

"Sure okay lang. Magpapatulong ako kay papa. Ano ba na props?" Binasa ko muna ang senaryo na binigay ni teacher. Nasa hospital pala kami ng mga baliw.

"Dextrose. Yung may stand ha. Hindi ko alam anong tawag, basta yung mataas na part hinahawakan ng pasyente. Hindi ko ma explain. Bigay ko lang sayo skitch ko mamaya..." Bumaling ako kay Jimena. "May tela ba kayo dun sa bahay niyo? Or sino may extra na kurtina sa bahay? Props din natin. Tsaka mag susuot kayo ng white dress or kahit ano basta white para magmukhang nurse." Hindi ko alam basta't na eenjoy ako kapag may play kami.

"Huwag kayong mag ala-ala guys. Si Estelle din gumawa ng play namin last year at maganda ang kinalabasan. Bugbug sarado nga lang." Tumatawa pa ito.

Oo nga ako pala gumawa ng play namin last year. Pinahiram pa nga nung guro namin ang ginawa kong script. Nagustuhan niya ang mga salitang ginamit ko sa script. Nang matapos na kami sa meeting. Bumalik na ako sa upuan at nag-isip ng mga ideya para mas gumanda ang play namin ngayon. Napatigil lang nung mag kumalabit sakin sa likod.

"Bakit?" Tanong ko kay Jaython.

"Masakit tiyan ko Telle." Tumayo ako at inalayan siyang umupo.

"Sandali pupunta muna akong clinic. Diyan ka lang" mabilis akong tumakbo palabas ng room. Tinungo ko ang clinic namin at humingi ng gamot. Muntik na nga ako madulas ng maapakan ko ang putik sa semento. Pagdating ko sa classroom nakita ko siyang nakatalikod sakin.

"Ito inumin mo. May tubig ka naman siguro" sabay lapag ng gamot sa harap niya. Medyo namumutla siya tapos pinapawisan. Ininum niya agad at tumingin sakin.

"Salamat." tapos humiga siya sa mesa.

"Kapag hindi mo na kaya. Puntahan natin ate mo para malaman niya." Tumango lang ito sakin. Hindi na ako umalis sa tabi niya. Wala rin naman akong gagawin. Wala akong cellphone kaya pinagmasdan ko nalang mga classmate ko. Paglipas ng ilang minuto, bumangon ito at mas namumutla siya. Nagpanic ako kaya deritso ko na siyang hinila para puntahan ate niya sa Grade 11.

"Umayos ka Easton. Ano ba kinain mo kanina?"

"Kagabi pa to. Hindi ko lang sinabi kina mama." Inis akong napatingin sa kanya.

"Bubu mo rin. Ano ka metal?" Pagdating namin sa room ng ate niya. Pinatawag niya ito since hindi ko familiar ang mukha ng ate niya. May lumabas na magandang babae. Maputi rin.

"Oh anong nangyari sayo Jay-jay?" Nag ala-lang tanong nito

"Masakit tiyan ko ate. Hindi ko na kaya" medyo naluha pa nga si Jaython.

"Tara iuwi kita. *Tumingin ito sakin* Salamat sa pagtulong dito ha." Nakangiti ito sakin.

"Wala po 'yon ate. Sige po ihatid niyo na po si Jaython". Nagpaalam din si Jaython sakin. Bumalik na ako sa classroom. Bago pa ako makapasok, nakita ko si ate sa likod ng building namin.

"Te!" Tawag ko rito. Medyo nagulat pa ito. "Anong ginagawa mo diyan?"

"May pinapahanap agri teacher namin."

Sabay pakita nang bolate sa bote na hawak niya. Napangiwi ako sa nakita at iniwan siya dun.

Someone's Pov

I liked her.

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now