Hapon na at nandito na naman ako sa bleachers tumatambay. Nakasanayan ko na atang tumambay dito. As usual wala si Alma kasama kasi siya sa classroom cleaners ngayon. Mabigat pa rin ang loob ko sa nangyari. Hindi ko alam kong kakayanin ko bang makita ang pagmumukha nila. Namiss ko tuloy si Kaye. Kamusta na kaya siya ngayon? Hindi kasi ako makaonline dahil wala akong cellphone. Naiiyak ako pag naa-lala yung sinabi kanina ni Jenny. Akalain mo 'yon?
Nag-aalaga pala ako ng ahas ng hindi ko namamalayan. Kinuha ko ang sketchbook at nagsimulang magdrawing. Inaalala ko ang panahong magkasama kaming tatlong namimili ng paninda sa sidewalk nung fiesta dito last year. Ang saya namin dun. Madami kaming napiling paninda pero wala ni isang nabili. Walang pera eh. Unti unti na namang tumulo ang luha ko. Ano ba yan! Kainis. Pinahid ko ito at gumuhit ulit.
"Kainis kang sipon ka," mahinang utal ko sa sarili.
Tulo ng tulo ang luha ko tapos pahid ako ng pahid gamit ang kamay. Wala akong dalang panyo hindi ako na inform eh. Mukha na ni Jenny ang iguguhit ko ng mabali ang dulo ng lapis. Nakaramdam ako ng inis.
"Malas na pagmumukha naiwan ko pa naman ang sharpener ko. Nakakabwesit *singhot* naman. Ano ba yan..." may tumulo na namang luha kaya automatic pahid.
Sana walang nakakita sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko muna binalik ang sketchbook sa bag. Hinintay ko munang gumaan ang pakiramdam ko. Nahihirapan akong huminga. Sa hindi kalayuan napansin ko sila Jenny at Beatrice magkasamang nagtatawanan. Bakit hindi ko ito napansin noon na close sila. Nakilala ko ba talaga ang mga taong naging kaibigan ko? Kilala ko na ba si Kaye? Alma?
"Hey.." biglang may tumabi sa'kin.
Nilingon ko ito at si Bryce pala.
"Hey,"
Hindi ako makatingin sa kanya ng deritso. Nahihiya ako sa pagmumukha ko. Panigurado ang pangit.
"Are you crying?" tanong niya sa'kin.
Magsisinungaling na sana ako ng kusang tumulo ang luha ko. Mabilis ko itong pinahid bago ngumiti sa kanya.
"Napuwing lang hehehe." Kumunot ang noo nito pagkasabi ko 'non.
"You're lying. I can sense it."
May kinuha siya sa bulsa ng jacket at binigay niya sa'kin. Hindi ko na sana tatanggapin ng siya na mismo ang pumunas ng mukha ko. Para akong naestatwa sa ginawa niya.
"Cry, if it makes you feel better and scream if it makes you feel free."
Walang sabi-sabing tumulo ang luha ko. Yumuko ako para hindi makita ng iba ang mukha ko. Hindi ko mapigilang mapahagulhol dahil sa bigat ng dinarama. Naramdaman ko ang yakap niya at ang mahinang tapik sa likod.
"T-they m-made m-"
"Shhhh, don't talk about it for now," hindi niya pa rin ako pinakawalan sa kanyang mga bisig. "You can cry on my shoulder kapag hindi mo na kaya."
Tahimik akong nakasandal sa kanya. Para akong nanghihina na iwan. Siya naman ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Lumipas ang ilang minuto, medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya umayos ako ng upo. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa namumugto kong mata.
"You are precious Maria, always remember that."
Hinawakan niya ang isang kamay ko at mahinang pinisil. Napabuntong hininga ako ng malalim.
"Yeah," mahinang sabi ko sa kanya.
Maya-maya ay kinuha niya ang sketchbook ko at tinignan ang drawing ko kanina.