Part 28

1 0 0
                                    

Kahit anong  pilit namin para makapasok, hindi talaga eh. Malayo ang school at impossibleng may magpapasakay sa'min na hindi bumabayad. Gusto kong pumasok kasi mas malaya ako sa school. Mas malaya kong nagagawa ang mga bagay naikasasaya ko. Heto kami ni ate nakatunganga sa sala. Wala dito sila Vivien nasa school. Lalakarin lang din naman ang school nila. 

"Telle.." 

"Oh?" 

"Anong gagawin na'tin ngayon? Yung maganda ah." umayos pa ito ng upo sa tabi ko.

Ano bang magandang gagawin ngayon?

"Punta tayo ng dagat? Manguha tayo ng mga sea urchins, wala tayong ulam eh. Kanina pa ako gutom."

Wala kaming ulam, at wala si papa dito. Hindi ko alam saan pumunta. 

"Heh, hindi ka nga marunong manguha ng mga tuyom eh. Manahimik ka nga." sabay irap. 

"Yah! Marunong akong kumain. Tara promise tutulungan kita," 

"Talaga?" panigurado niya.

"Oo promise.." tumingin pa ito sa'kin ng ilang segundo bago tumayo at kumuha ng basket.

"Oh ano pang hinihintay mo? Kilos na!" sabay hagis sa'kin ng sumbrero. 

"Relax mahinang kalaban. May sinaing na ba?" tanong ko habang papunta sa kusina.

Tinignan ko ang laman ng kaldero...mabuti at may laman pa. Kumuha ako ng tupperware na pwedeng lagyan ng kanin. 

"Telle!" 

"Ano!" 

Ang ingay ni ate, umagang-umaga kainis. Pumasok siya sa kusina na humahangos. 

"Anyare sayo?" masungit kong tanong. 

"Alam mo na ba?" 

"Ang alin?" 

"Ngayon pala ang alis ni Loren."

Ngayon na? 

"Mabuti kong ganun. Ano bang kinababahala mo diyan?" 

"Telle ibig sabihin nun....magiging punching bag na naman tayo." 

Bigla akong natigilan. Oo nga noh? 

"Edi sulitin na'tin ang natitirang oras na wala pa si papa. Tara na, ready na ang pagkain." 

Ngumiti ito sa'kin. 

"Let's go.." 

Habang nilolock pa ni ate ang pintuan biglang tumunog ang phone nito. May signal diyan sa pinto? Bakit ngayon ko lang nalaman? Hindi ito pinansin ni ate at pinagpatuloy ang ginagawa. 

"Tara.." 

Nagsimula na kaming maglakad. Medyo kalayuan ang baybayin kaya minabuti naming bilisan ang kilos. 

"Ang init naman, anong oras na ba ngayon?" agad na reklamo ko.

"Hindi pa nga tayo nakakalayo, reklamo ka na agad." 

"Totoo n-" hindi ko natapos ang sasabihin kasi biglang tumunog ang phone na naman ni ate at mukhang tawag iyon. 

"Sinong abnormal ang tatawag sa'kin ng ganito ka aga." inis na sambit niya.

KInuha niya ang phone sa loob ng bag at biglang kumunot ang noo ng makita ang screen. 

"Anong problema?" tanong ko

"Walang pangalan..*sabay pakita ng screen* baka teacher to Telle. Gago hindi ko 'to sasagutin." binalik nya agad ang phone sa bag.

"Baka hindi naman. Pag teacher 'yon paniguradong lagot ka. Vice president ka diba?" 

Diamonds in the SkyWhere stories live. Discover now