Matapos ang pangyayari sa bahay ni Jane. Hindi na umaalis ng bahay si ate. Minsan lang pag inuutusan ni papa. Hindi na namin sinabi kay mama ang nangyari. Nasa classroom ako ngayon at naghihintay sa susunod na guro namin. Hindi kami nagpapansinan ni Elijah. Nabalitaan ko lang na sila na ni Beatrice. Perfect combination. Hindi ko alam may parte sa'kin na lapitan niya ako at kausapin pero hindi eh, walang nangyaring ganun. Naiintindihan ko naman at pareho kaming busy. Hindi niya alam na pumunta ako dun sa building. Mabuti na lang at baka ako'y mapahiya lamang.
{Fast Forward}
Mabilis ang panahon at 2nd year na ako. Muntik na akong hindi makapasa last year dahil marami akong absent sa klase. Problema sa financial at sa bahay na din. Umalis si mama, pumunta ng Manila. Hindi nagpapigil. Iyak ako ng iyak nung malaman kong umalis na siya. Hindi man lang nagpaalam ng harapan. Sobra akong nag-alala at the same time galit din ako. Galit ako dahil iniwan niya kami. Nag-alala din ako dahil alam ko na hindi madaling mamuhay sa Manila. May sakit si mama kaya nababahala ako.
Sa school hindi na kami magkaklase ni Kaye. Bumalik si Kaye sa Mindanao. Si Jenny naman ay napunta sa first section habang ako ay sa last section. Kung hindi lang ako nagkaproblema last year, same section sana kami ni Jenny. Okay lang sakin ang section ko ngayon since kasama ko pa rin si Jaython. Malas lang at classmate kami ni Elijah. First day of school hindi na namin kailangan maglakad papuntang highway dahil may service na kami. 500 each kami ni ate ng babayaran monthly. Okay na rin 'yon. Pagdating sa paaralan walang pinagbago sa mga buildings. May guard na kami at dalawa 'yon. Mabuti naman para wala ng takas ang palaboy na mga estudyante. Hinanap ko agad ang classroom ko since hindi ako nakapaglibot last year kaya hindi ko pa kabisado ang mga sulok sulok ng campus. Paikot ikot lang ako sa campus. Pag ako nalate na nama–
"Estelle!" napahinto ako at tumingin sa paligid. Nakita ko si Jaython na kumakaway sa akin. Kumaway na rin ako pabalik sabay ngiti sa kanya.
"Kumusta ka na Telle? Hanggang ngayon ba naman ay sinusundan mo ako?" *sabay hawak sa baba na parang nag iisip*
"Para kang tanga. Sasapakin kita pag di ka tumigil." tumawa naman ito at umakbay sakin. Hindi ko na inalis at nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang nasanay na.
"Mabuti pa si Jenny Mae napunta sa first section." Tinignan ko ang nakabusangot niyang mukha. Drama nito.
"Edi lumipat ka dun." sabay irap sa kanya
"Ito naman hindi mabiro. Hahaha" nang makarating na kami sa classroom. Bumitaw na siya at naunang pumasok. Sumunod na rin ako. May mga bagong mukha akong nakikita sa ibang sulok ng classroom. Mabuti na rin ito at may makilala akong ibang mukha. Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa likod. Hindi ko trip sa unahan, takot akong matawag ng teacher.
"Tabi tayo" napalingon ako kay Jaython. Akala ko ba sa unahan to uupo?
"Hindi ka sa unahan uupo? Sayang din."
"Ayaw ko. Dito na lang ako. Wala akong makokopyahan dun." Deritsang sabi nito sakin. Kahit kailan makapal pa rin ang mukha nito.
"Ewan ko sayo. Tabi nga." lumabas muna ako ng classroom at tumambay sa labas.
Nagkalat ang mga estudyante. First day pa naman kaya okay lang pag nalate ng kunti. Hanggang ngayon wala pa rin akong cellphone. Yung cellphone na hiningi ko kay mama binigay niya kay ate. Okay lang. Ilang minuto ang lumipas ng may paparating na pamilyar na mukha. Nanglaki ang mata ko at dali daling pumasok sa room. Tumabi ako kay Jaython at kinuha ang notebook para magsulat. Doodles lang. Sumunod naman si ma'am ng dating. Hindi na kami nag introduce yourself since magkilala na raw kami lahat. Okay hindi ako na inform.
Magaan ang daloy ng klase. Hindi ako nahirapan. Mukhang nasanay na ako sa mga surprised test last year kaya nag take down notes pa rin ako hanggang ngayon. Si Jaython naman walang pinagbago tamad pa rin magsulat. Minsan ako pa ang pinapasulat. Hindi na nahiya. Sa akin nanggaling ang answer tapos ako pa rin ang magsusulat para sa kanya. Hinayaan ko na tapos na rin ako. Si Jaython ang kasama ko buong araw. May kumakausap naman sakin sa room pero hindi ko sila feel. Mas mabuti na yun. Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan, iiwan ka rin lang naman.