Saturday na. Ngayon ang meet up ni ate at ang kanyang jowa. Magpapadala rin si mama so pwede kaming umalis. Hindi ko alam kung bakit kami pa ang pumunta dun sa place nang lalaki. Diba dapat sila ang pumunta dito sa'min? Mga lalaki ba naman.
Ay share ko nga pala, may number na ako ni Bryce. Siya mismo ang nagbigay kahapon tsaka nasauli ko na ang jacket niya. Si Bryce ang naging kasama ko simula nung nagka engkwentro kami nila Easton at Jenny. Hindi ko alam kung alam ba niya ang issue ko sa mga ex friend ko, hindi niya kasi tinatopic, huli na 'yong tinanong niya kung nasan sila.
Sabay kami kumain ng lunch kahapon at nakita iyon ni ate. Tinukso tuloy ako. Mabait siya at gentlemen, minsan may mood swing kaya sinasabayan ko talaga siya pag good mood, dahil kapag nabadtrip, nako gulo. Nataranta ako kahapon kasi biglang nagsuka at sumakit ang ulo, biglaan. Pero kalauna'y nawala rin daw naman. Mamatay yata ako ng maaga. Balik tayo sa kaganapan ngayon na ang tagal ni ate matapos.
"Telle, ready ka na?" Napairap ako sa hangin.
"Kanina pa. Ano pa bang ginagawa mo at ang tagal mong lumabas ng d'yan?"
"Ano ka ba nagpapaganda lang ako." sabay suklay sa mahaba niyang buhok.
"Ako na nga magsusuklay sayo. Ang bagal mo." Inis kong hinablot ang suklay sa kamay niya. "Pati sa pagsuklay ang kupad mo. Wala na tayong jeep nito."
"Mas excited ka pa nga sakin oh."
"LOL! Excited na akong umuwi." Inirapan ako nito.
"Hindi pa nga tayo nakapunta, uwian agad ang na sa isip mo. Porket may Bry---Arayyy!"
"Ang ingay mo."
"Puma pag-ibig kana ba? Pano na si Bernie?"
Natigil ako sa pagsuklay nang buhok niya.
"Malay ko. Hindi ko 'yon gusto."
"Sabagay may Tyler ka. Sanaol papabols." Biro ko siyang sinakal sa leeg.
Umalis na kami pagkatapos. Kailangan namin umalis nang maaga dahil maglalakad pa kami diba. Kapagod naman. Si Jane mukhang ispasol. Ano bang problema nito sa buhay? Mabuti nalang at nag sorry siya last time kundi sasabunutan ko talaga pag nagkataon. Sila lang ni ate ang nag-uusap. Hindi kami close eh. HIndi rin ako makarelate.
"Estelle" tawag sakin ni Jane.
"Oh?"
"Gwapo daw si Bernie sabi ni Christian." sabi nito sa'kin.
Sa pagkakatanda ko, hindi ako interesado.
"Who's Christian?" tanong ko.
"Jowa ko." sagot naman ni Jane.
"Okay..." Umiwas ako nang tingin. Edi ikaw na maraming jowa. "Pang ilang jowa mo yang Christian?" tanong ko sa kanya.
Nagbilang pa ang gaga.
"Hindi ko mabilang."
ayyy, maganda.
Nakasakay na kami sa jeep. Mabuti nalang at may last trip pang biyahe sa umaga. Hindi gaano maluwag. Karamihan sa mga pasahero ay nagtitinda sa merkado. May mga kasing edad nila ate. Itong katabi ko mukhang tulog o nagtulug-tulugan. Siniko ko si ate dahil malapit nang dumampi ang ulo ni kuya sa balikat ko. Nakuha naman ni ate kaya sumiksik siya kay Jane. Hindi ko kilala ang lalaki, malay natin mudos to. Pagdating namin sa El Dorado, ang daming tao. Hindi ako sanay. Hindi kasi ako pinasasama nila papa tuwing pumupunta sila dito. Nag ikot-ikot muna kami bago pumunta sa Palawan. Medyo natagalan kami dun dahil ang daming tao.
YOU ARE READING
Diamonds in the Sky
Literatura FaktuIt takes grace to remain kind in cruel situations.