Disappointed but not surprised...
Saturday na ng umaga. Inutusan ako ni papa na puntahan si mama sa kanyang pinagtrabahoan. Manghingi raw ako ng pera. Ayaw ko sana kasi takot akong pumara ng jeep. Pinagalitan niya ako at kailangan raw namin ng pera para sa pamasahe namin sa araw araw. Wala akong nagawa papa ko yun eh. Nang makasakay na ako sa jeep kunti lang ang mga pasahero kaya maluwag at hindi masikip. Tinandaan ko ang bilin ni papa kung saan bababa. Medyo malayo ang bahay na pinasukan ni mama. Nasa lungsod 'yon. Nang malapit na ako sa bahay ni mama, bumaba na ako. Nahihiya akong tumuloy kaagad dun baka mapagalitan ako ng amo ni mama. Medyo may distansya ang binabaan ko sa bahay. Pabalik balik ako ng daan sa may kusina nila nag babasakaling makita ko siya. Hindi ko na alam ilang minuto na akong tambay dito sa labas hanggang nakita ko siyang lumabas sa kusina. Agad akong kumaway bago ko tinawag. Napansin niya ako at kumaway pabalik. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa kanya. Miss ko na rin si mama.
"Estelle, bat naparito ka?" salubong niyang tanong sa akin.
"Ma tubig nauuhaw ako" kumuha naman agad siya ng tubig at binigay sa akin. Nilibot ko ang tingin at pinagmasdan ang bahay. May kalakihan halatang may kaya ang nag mamay-ari.
"Ma, kumusta ka na po? Okay ka lang ba dito? Hindi ka ba nila sinasaktan?" sunod sunod kong tanong. Tumaba si mama. Pumuti rin, hahaha halatang maayos ang lagay niya rito.
"Okay lang by. Masarap ulam nila dito. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa po, gutom na po ako" totoo naman. Hindi ako kumain sa bahay, wala kaming ulam.
"Teka lang" umalis siya at pumasok sa may pintuan. Hindi ko alam kong san siya patungo. Ang weird lang, bakit hindi si ate ang inutusan ni papa. Baka may ginagawa.
"Nak ito oh. Kumain ka na" naglapag siya ng plato sa harap ko. May piniritong manok. Ngumiti ako sa kanya bago naghugas ng kamay. Hindi na ako gumamit ng kutsara, mas babagal lang ako. Sunod sunod kong sinubo ang pagkain.
"Dahan dahan naman. Walang aagaw niyan sayo hahahah. Hayst anak ko talaga" nakangiti si mama habang nakatingin sa akin.
"MHA ANGSARHAP" "sabay thumbs up sa kanya. Pagkatapos kong kumain binigyan niya ako ng coke.
"Palagi akong umiinom nito pagkatapos kumain kaya ako tumataba hahha" sabi ni mama sa akin.
"Masama po yan sa kalusugan ma." Habang nag uusap kami may biglang tumunog. Nilabas ni mama ang cellphone niya. May bago pala siyang cellphone. Lenovo?
"Ma mahal to ah" hinawakan ko pa..mainit ano ba yan.
"Oo pinag ipunan ko yan. Para naman may libangan ako dito. Gamot sa kalungkutan at miss ko na kayo mga anak ko, kumusta na sj papa mo?" Napatingin ako saglit sa kanya at umiwas na rin.
"Okay lang naman po siya ma."
"Naglalasing pa rin ba?" sasabihin ko ba na sinaktan kami nung nakaraan. Wag na lang, baka dadagdag pa sa iniisip ni mama.
"Medyo pa minsan minsan. Ma, may pera po ba kayo? Nanghihingi po si papa" Nahihiya ako. Hindi ko alam mama ko to pero nahihiya ako manghingi.
"May naipon ako nak.Bigay ko nalang sayo 'yon mamaya." nag uusap pa kami nang mga bagay bagay. Biglang tumunog ang cellphone niya, may tumatawag. Kinancel niya ang tawag at tumingin sa akin.
"Mga bombay yun. Ka chat ko." sabi niya. Okay lang naman basta masaya si mama sa ginagawa niya. Maganda iyong makaranas naman si mama ng new life.
"Okay lang ma. Hindi niyo po kailangan mag explain sa akin hahha. Ano pong itsura?" curious ako. Bombay? Onion? Kinuha ni mama ang cellphone niya at pinatingin sa akin ang gallery niya. HA? 0_0!
"Ma saan dito bakit puro nakahubad to?" katawan lang ang nakita ko hindi yung sa ano, sa ibaba wag kayong green.
"Hahah, scroll mo pababa. Hindi yan" at talagang iniscroll ko. Ito ba ang Bombay na sinasabi niya bakit mukhang hindi ko maintindihan. Mabilis lumipas ang oras at kailangan ko nang umuwi. Paniguradong hinahanap na ako sa bahay. Binigyan ako ni mama ng pamasahe at yung pera na sinasabi ni papa. Hinatid ako ni mama hanggang sa labas ng bahay.
"Mag ingat ka sa pagpara ha. Yung pera ingatan mo rin."
"Opo ma. Kayo rin" aalis na sana ako ng may nakalimutan pa pala akong sasabihin.
"Ma pag ayaw mo na sa cellphone mo, bigay niyo po sa akin ha."
"Oo ibibigay ko to sayo"
Malayo na ako ng tumingin ako pabalik kay mama. Kinaway ko pa ang aking mga kamay.
"Ma miss po kita ma. Kailan kaya tayo magkikita ulit....?" pinahid ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi at huminga ng malalim. Mabuti nalang at walang mga tao sa paligid. Nakakahiya kong makita ako.
"Classmate!?" agad akong napalingon sa aking kaliwa... s-si Elijah. Takbo!!!!!!!!!
Alam kong si Elijah 'yon kahit nasa malayo. Kombinsido ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Mabilis pa sa normal kong takbo ang nagawa ko ng wala sa oras. Nang makalayo na ako, habol habol ko ang aking hininga. Putcha nahihiya pa rin ako kay Eli eh! Badtrip naman.
"HOH!! *sabay tingin sa likod* mabuti at hindi sumunod. Panigurado kukutyain na naman ako nun pag nagkita kami sa school"
Habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Nagdadasal ako na sana may magpapasakay sa akin. Ang init at wala akong payong. Lakad takbo ang ginawa ko para makarating agad sa bahay. Malayo pa lang ako sa bahay, nakikita ko na naglalaro ang aking mga kapatid sa gitna ng kalsada kasama mga pinsan namin. Mukhang nagkakasiyahan ah. Nang makalapit na ako, wala man lang umaya sa akin sumali sa kanila. Deritso lang akong naglakad pauwi. Sanay na, walang bago.
"Oh andiyan ka na pala" kala mo naman nakakita ng milagro si papa pagkakita sa akin. Talagang inabangan niya. "May binigay ba mama mo?.."
"Ito po..." binigay ko na sa kanya ang pera. Uminom muna ako ng tubig bago nagbihis.
Pagkatapos kong nagbihis. Nilabas ko ang mga notes ko sa bag at nag aral. Hindi to matatawag na nag aral kasi puro basa lang naman ang ginawa ko. Walang pumasok sa isip ko. Kanina pa to ah. Niligpit ko nalang ang mga notes at lumabas ng bahay. Pumunta ako sa mga naglalaro. Nakatingin lang ako sa kanila at tumawa rin kapag may nangyari. Sumali na rin kami, kaming mga malalaki sa laro kaya mas lalong gumulo. Puro tawa lang ako. Nadapa pa nga si ate kaya ayon natawa ako. Ang saya pala.... sana ganito nalang parati.