"Hindi ganyan Jimena. Yung tela dapat nandito".
Kasalukuyan kaming nag papractice nang play. Nandito kami ngayon sa likod ng classroom. Kami lang ang tao dito kasi busy din ang iba. Hindi ko na alam saan sila nag papractice. Abala ako sa pagtuturo kay Jimena kung saan niya ilalatag ang mga props.
"Ang expression mo William! Hindi yan tama. Nasa mental hospital ang lugar hindi sa lansangan."
Siya kasi ang gaganap na bida since medyo may pagkabaliw rin so sakto lang. Hindi ko alam kong ako ba MISMO ang magiging katambal niya na nurse. Kahit sa pagbigkas ng mga salita dapat wasto.
"Telle, break na muna tayo please." sabi ni William sakin sabay punas ng pawis sa noo.
"Sige. Practice ulit tayo mamaya after lunch. Pag kayo wala dito mamaya, lagot kayo sakin." Pagbabanta ko para bumalik sila. Alam ko kasing bulakbol to si William. Nagsilayasan na man sila. Nagpaiwan kami ni Jimena para magligpit.
"Telle, kumusta na si mama mo?" tanong niya sakin. Nakalimutan ko na kadugo ko pala to si Jimena sa side ni papa. Pero malayo nga lang.
"Okay lang naman siya. Hindi ko pa rin nakakausap hanggang ngayon." malungkot na sagot ko sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi ko alam. Kapag tatawag kami hindi niya sinasagot."
"Ha? Baka busy lang."
"Baka nga, baka busy lang..." tumalikod ako sa kanya para pulutin ang mga candy wrappers sa lupa. "Tara na" aya ko sa kanya.
Pagpasok namin sa room, ang ingay nila. Halos hindi na magkarinigan sa loob dahil sa boses nila na parang na sa palengke.
"Estelle!" tawag sakin ni Jaython. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi.
"What?"
"Alam mo ba may narinig ako kanina?"
"Na alin?"
"Crush daw ako ni Aida." Automatic akong napalingon kay Aida na nakaupo hindi kalayuan sa amin.
"Yiieehh..*sabay tusok sa tagiliran* heheh may nagka crush na sa kanya. Lapitan mo na" Sabi ko.
"No way!" Maka react naman wagas.
"At bakit? Hoy kailan ka pa naging tsismoso?"
"Kanina lang. Hindi ko naman sinadya na marinig ang pinag-uusap nila. Malay ko bang ako pala." Pinagmasdan ko si Aida. She's petite, morena at smart.
"Maganda siya bagay kayo."
"Hindi kami bagay no tao kami, tao."
"Ang tino mo ring kausap." Inirapan ko siya at tsaka inayos ang mga gamit sa mesa. "Sino ba type mo dito? Si Jenny Mae ba?" Deritsang tanong ko sa kanya. Agad naman itong umiwas ng tingin. Guilty.
"Puntahan mo mamaya. Malapit lang naman classroom nila eh. Gusto mo samahan kita?" Napailing naman ito agad.
"Wala kang gagawin?"
"Wala"
"At bakit?!"
"Hindi ko naman gusto 'yon." Seryoso itong nakatingin sakin.
"Bahala ka nga diyan." Akala ko pa naman uunlad na buhay namin. Lumapit ako sa grupo nila Aida. Hindi naman ako feeling close pero friends ko rin naman sila.
"Hi Estelle" bati sakin ni Aida.
"Hello. Hindi kayo pupuntang canteen?" Ako lang to.
"Tara. Sama na kami sayo." Lumabas na kami ng classroom at naglakad patungo sa canteen. Medyo nakalayo na kami sa classroom ng bigla akong tinawag ni Jaython. Kahit kailan papansin.