Nasa kwarto ako ngayon nakahiga. Weekends na at walang pasok. Tapos na akong maglaba ng mga damit kaya okay na magpahinga. Si ate umalis na muna hindi ko alam san pupunta. Naka idlip ako at nagising bandang alas singko ng hapon. Bumangon na ako tapos lumabas ng kwarto. Nakita ko sila papa na tumambay sa labas ng bahay kasama sila ate. Anong meron?
"Anong ginagawa niyo?" gulat naman silang napatingin sakin.
"Gising ka na pala. Wala naman" sagot ni ate. Tumango ako at tumabi Kay ate. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinabi ni papa. Puro kwento pag ibig na naman . Umikot ang mata ko dahil sa inis. Ang bitter ko naman.
"Wala kayong ibang matopic?" tanong ko sa kanila. Parang break na si ate at yung jowa niya. Hindi ko alam kung bakit pero mas okay na nga yun.
"Hoy Chelo tapos ka na sa assignment mo? Baka iiyak ka na naman bukas dahil wala kang nasagutan?" tanong ko kay Chelo.
"Hindi pa nang. Mamaya na"
"Puro ka nalang mamaya." Bahala na. Nandiyan naman si ate.
"Te," tawag ko
"Oh?" sagot niyang wala sa akin ang atensiyon.
"Bakit nga pala kayo naghiwalay ni kuya Nico?" Umangat sa mukha ko ang kanyang tingin.
"Ah yun? Wala trip lang namin maghiwalay."
"Huh? Abnormal ba kayo?"
"Ako abnormal, ang pangit na 'yon baliw." Napairap ako sa hangin. Walang matinong kausap dito sa bahay.
*******************************************
Another day of misery na naman. Math time namin ngayon at may pa surprise test ang teacher namin. Ambubu ko pa naman sa Math. Wala akong naintindihan sa past lesson namin. Pero kapag sa ibang subjects okay naman. Nung umulan ng katalinohan mukhang tulog ako. Kay Jaython ako nanghingi ng answer. Dapat lang, hating kapatid.
"Jay, 27?" hindi ako pinansin ng kumag.
"Pst *sabay kalabit* answer sa 27 Jay. Malapit na akong matapos" parang walang narinig at dedma lang. Sige pag ako nakaganti talaga. Ako nalang yung nag solve. Nag imbento na rin ako nang sariling formula bahala na si batman.
"Telle..." Hindi ko siya pinansin. Akala mo naman importante. Manigas siya.
"Maria Estelle" napalingon ako agad sa kung sinong tumawag sakin. Badtrip ah. Nakasalubong ko ang mata ni Elijah.
"Anong kailangan mo?" masungit kong tanong dito.
"Anong answer mo sa 20?" Deritsang tanong nito sakin. Ayos ah parang wala lang. Makapal talaga ang mukha.
"Gusto mo malaman?" Tumango naman ito agad. "Edi mag solve ka."
Tinalikuran ko na ito at nagpatuloy saking pagsulat. Ilang minuto ang lumipas tapos na ako. Hindi naman masamang magkamali ng sagot kasi tao lang din ako. Nagkakamali. Tapos na rin si Jaython, nauna lang ako ng ilang minuto.
"Tapos ka na?" Tanong nito sa akin.
"Oo halata naman." Sorry ka ngayon.
"Galit?" malokong tanong nito sakin.
"Mukha ba akong galit? Hindi, hindi ako galit" napailing iling pa ako.
"Heto oh *sabay latag ng papel sa harapan ko* check mo nga answer mo sa papel ko."
Kinuha ko ang papel niya tsaka pinaghambing mga sagot namin. May mga ilang hindi tugma pero okay lang.
"Okay na to. Para hindi halata kay sir. Hahahah" sabay sauli ng papel niya.