Nandito na kami sa bahay ni ate. Kaka uwi pa lang. Nadatnan namin si papa dito sa kusina na nagsasaing.
"Kami na niyan pa." sabi ni ate.
"Ako na. Magbihis na kayo."
Pumasok ako sa kwarto at nagbihis. Wala pa ang bag nina Chelo at Liam pero nandito na ang bag ni Vivien. Iniwan na naman ba niya sila Chelo? Kahit kailan talaga. Lumabas ako at hinanap si Vivien.
"Pa si Vivien nasaan"?
"Umalis. Hindi ko alam saan pumunta."
Hindi man lang ako nilingon. Nag igib muna ako ng tubig para may maiinom. Pagkatapos, kumuha na ako ng walis. Habang nagwawalis ako, may narinig akong umiiyak. Hinanap ko iyon at nakita ang paparating na si Chelo.
"Anong nangyari sayo?" Lalong umiyak si Chelo. "Sagutin mo nga ako, may masakit ba saiyo?" Tinignan ko lahat ng parte sa kanyang katawan at baka may sugat o ano. Nang dumapo ang tingin ko sa braso niya...oh no.
"Anong nangyari dito?! Sumagot ka."
"T-tina-apakan *sobs* nung kaklase ko. Huhuhu" nilalayo niya sakin. Mukhang masakit talaga dahil namamaga. Nabali ba to?
"Tara pumasok ka sa loob." Pinauna ko siyang pumasok dahil naiiyak ako. Buhay naman oh!
"Pa! Si Chelo." Lumapit Naman si papa.
"Bakit ka umiiyak?" Hindi nakasagot si Chelo. Umiiyak lang ito.
"Tignan mo ang kamay namamaga. Tinapakan daw ng kaklase niya." Sinuri ito ni papa at tsaka napailing.
"Ayan ang napapala. Maglaro ka pa. Tignan mo ang nangyari sayo? Pasaway na bata." May kinuha siya na hindi ko alam kung anong laman tsaka nilagay sa kamay ni Chelo. "Sino tumapak Sayo?"
"K-klase ko po *sobs*."
"Sino nga? Ang dami mong kaklase Chelo." Hindi ito sumagot. Tahimik lang itong umiiyak. Masakit nga, natapakan ba talaga ito o nahulog siya MISMO.
"Kumain ka ng maaga. Huwag ng lumabas nang bahay. Dito ka lang sa loob" Sabi ni papa Kay Chelo. Tumango naman ito.
"Tara bihisan na kita." Inalalayan ko ito papuntang kwarto. Habang inaalis ko ang uniform niya, na pansin kong nangngayat siya pati si Liam. Nung nandito si mama ang tataba nito pero ngayon. Hayst.
"Dahan dahan. Iangat mo ng kunti ang braso mo." Ingat na ingat ako para hindi lumala ang sakit na naramdaman ng kapatid ko.
"Anong nangyari diyan?" Tanong ng kakarating na si ate. May bitbit pa itong supot.
"Nabali yata. Namamaga eh. Tinapakan kuno ng kaklase niya." Tahimik lang si Chelo. Takot kay ate.
"Sino daw ang tumapak?"
"Hindi ko alam. Ayaw isabi eh..tapos na. Diyan ka lang wag lalabas. " Tumango naman ito sakin. Nilagyan ni papa ng benda ang kamay niya hanggang siko.
"Nakita mo ba si Vivien? Kanina ko pa yun hinahanap?" Tanong ko Kay ate. Umiling Naman ito. "Hindi ko alam. Saan naman kaya nilagay 'yon ni Lord..."
Nilabas ko ang jacket ni Bryce para labhan. Ang bango, amoy lalaki. Hinanap ko ang lagayan ng sabon. Nang makita ko walang sabon. Kahit powder wala pero may downy.
"Pa! May sabon ka diyan? May lalabhan lang ako!" sigaw ko Kay papa. Nasa loob Kasi siya habang nasa labas ako.
"Na sa palanggana." Hinanap ko sa palanggana ang sabon. Naglaba Pala siya kanina. Habang naglalaba ako, tsaka naman dumating si Vivien.
"Saan ka galing?" Salubong Kong tanong sa kanya.
Hindi ako pinansin at deri deritsong pumasok sa loob. Ang suplada, napairap na lang ako. Habang kinukusot ko ang jacket, may lumabas sa pocket nito. Pera? Hahaha Naman...Papel lang pala. Hiniwalay ko baka kasi importante. Mukhang resita eh. Mabilis ko lang natapos kasi isa lang at hindi naman gaano ka dumi. HEhehe tamad lang talaga ako maglaba. Pumasok na ako ng bahay para kumain. Nandito na pala si Liam. Hindi ko napansin kanina ah. Habang nasa hapag kami, napapansin ko na hindi makakain ng maayos si Chelo.