"Rex, pahiram ng lapis" wala na nga akong art paper, kinapos rin sa lapis. Kanina pa sila gumagawa ng project, samantalang ako ito tambay lang. Vacant time namin ngayon kaya may time kaming gumawa ng project. Plano namin is sabay sabay kaming gagawa ngayon kaso wala akong gamit.
"Wala kang lapis? Hindi pa ako tapos. Sandali lang" bigla siyang umalis at bumalik na may dalang lapis.
"Kanino to galing? Baka naman san mo ito kinuha?" kinuha ko na rin baka magbago ang isip.
"Nanghiram ako kay Elijah" napatingin ako sa kanya.
"Sa kanya to galing? Sinabi mo ba pangalan ko?" ayaw kong magkautang ng loob dun.
"Ha, hindi naman" hindi siya makatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin at sinimulan ko ng gumuhit.
"Estelle ito oh. May extra pa akong art paper kaya sayo na yan." nilapag ni Jenny ang mga art paper sa harap ko.
"Thank you ming" I smile. Nagpasalamat ako na nandito sila. Nababawasan kaunti ang lungkot at sakit. Malapit ko ng matapos ang aking ginagawa, napansin kong hindi pa sinisimulan ni Claire ang kanyang project. Kinalabit ko siya at tinanong..
"Okay ka lang..?" pinagmasdan ko ang kanyang mukha. May mga itim siyang marka sa gilid ng kanyang noo at sa ilalim ng baba. Mga pasa ba ito? Hahawakan ko na sana ng umatras siya.
"Anong ginagawa mo? Bat mo ko hahawakan?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Napatingin samin ang mga kasama ko.
"Tinatanong lang kita kong okay ka lang...hin—"
"Bat mo nga ako hahawakan?" hindi ko alam kong bakit naiinis sa akin si Claire. Wala pa naman akong ginawa. Hindi ko pa siya nahahawakan.
"I'm sorry. Hindi ko sinadya" umatras ako at hinayaan nalang siya.
"Papansin" rinig ko pang bulong niya. Napatingin sa akin si Kaye. Nagtatanong ang mukha kong anong nangyari. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko matapos tapos ang project dahil bumabagabag sa akin si Claire. Busy naman siya kaka cellphone. Hindi ko nakitang gumawa siya ng project. Tumayo at umalis siya bigla. Hindi man lang nagpaalam kong saan pupunta.
"Parang walang kasama umasta ah" sabi ni Jenny.
"Hayaan mo na. Hindi naman natin friend yan" halatang pikon na sabi ni Rex.
"Ganun ba talaga yun? Sino klasmate ni Claire dito nung elementary?" tanong ni Kaye sa 'min. Walang nagtaas ng kamay. Biglang nagsalita ang isa naming kasama na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Sa pagkakaalam ko. Galing sa Manila si Claire. Umuwi sila rito dahil walang trabaho papa niya doon" taga Manila pala si Claire. Hindi masyadong halata. Hindi ba't kapag galing ka sa Manila is maputi ka, medyo mayabang tapos basta may iba kapag galing sa Manila kagaya nung mga pinsan ko dati.
"May napapansin ba kayong kakaiba sa kanya ngayong araw?" tanong ko
"May kakaiba. Simula palang ng klase unang tingin ko pa lang sa kanya, alam kong may something" sagot ni Alma Chenie
"Ngayon mo palang napansin Estelle?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Rex.
"Oo, saan ba yun nakaupo?"
"Sa likuran mo lang" agad akong napalingon sa likod ng may biglang magsalita. Naningkit ang aking mga mata ng makilala ko kung sino.
"Oi Elijah. Anong ginagawa mo dito?.." tanong ni Rex kay Elijah na supladong nakatingin sa amin.
"Kinuha mo ba lapis ko Rexie boy?" Nakataas na ang mga kilay. Bakla ba to. Napatingin ako kay Rex at pinaglakihan siya ng mata. Akala ko ba ay hiniram niya to.