Mahilig ako manoud ng mga k-drama, lalo na't sikat ang descendance of the sun. Gabi gabi namin pinanuod iyon sa bahay ni lola. Wala kaming tv at kuryente sa bahay kaya saktong kapit lang sa kapitbahay. Kasama ko sila ate, mga pinsan ko pati na rin ang mga tiyuhin namin, naki kdrama na. Habang naghihintay na matapos ang mga patalastas, naisipan ko na makipaglaro kay ate muna.
"Ate, laro tayo." sabi ko sa kanya
"Ano naman lalaruin natin? Gabi na at bawal maglaro sa labas" masungit niyang sabi sa akin na hindi pa rin nilulubayan ng tingin ang telebisyon. Napakamot nalang ako sa aking ulo.
"Hindi naman tayo sa labas maglalaro, dito lang sa loob."
"Estelle wag makulit."
"Edi wag." Inirapan ko siya sa inis. Minsan may pagka KJ rin to si ate. Maya-maya ay nagsimula na ang palabas. Ang tahimik namin halatang tutuk na tutuk. Nandito na kami sa scene na, na connect sa radyo ang recording ni Doctor Kang nung malapit na siyang mahulog sa bangin. Nagsimula nang mag ingay ang aking mga tiyuhin.
"HA HA HA! Bilisan mo!"
"Hindi niya yan maabutan! Peksman"
"Ang layo pa niya pre!" Hindi ko alam kong kinilig kaming mga babae kasi mukhang mas kinikilig pa sila. Boses ng mga tiyuhin ko at kuya ang mas nangingibabaw sa amin. Nang hindi pa umabot si Doctor Kang sa bahay, biglang nag brown out. Kanya kanyang mura ang maririnig sa loob ng bahay. Nakimura na rin ako. Lalabas na sana ako ng may bumunggo at tumulak sa akin.
"Arayy ko...dahan dahan naman sa pagtulak. Pag ako talaga makatulak sige ka" pananakot ko sa kung sino mang nilalang ang tumulak sa akin.
"Anong sinabi mo?"
Bigla akong natahimik ng makilala kong sino. Putek si nanay pala. Kapatid ni lolo sa side ni papa. Masungit at tsismosa to. Panigurado pag nag audition to sa PBB, automatic eliminated kaagad. Pero takot ako dito eh, wala akong magawa kung maldita man ako, mas maldita to.
"A-ahh wala po Nay. Una na po kayo"
Binigyan ko siya nang space para makadaan. Kung itulak ko kaya to? Wag nalang baka ma impyerno pa ako ng wala sa oras. Nasa labas na kami lahat, walang may balak umuwi sa kanya kanyang bahay maliban kay nanay Delia kaya nagtitipon kami sa may parang waiting shed.
"Anong gagawin natin ngayon? Brownout eh?" panimula ni Kuya Dick. Isa sa mga tiyuhin ko.
"Wala kayong mga kwento tungkol sa mga engkanto dito kuya Dick?" tanong ni Romar.
"Ahh! Tama si Manong Tata merong kwento tungkol sa mga engkanto" suhestiyon ni Kuya Ronnie.Si papa kasi ang pinakamatandang lalaki sa isang dosenang anak ni lola. Bunso na sila kuya Dick at Ronnie. Napalingon kami lahat kay papa. Alam kong andami nitong baon sa bulsa, HA HA HA. Naintidihan naman agad ni papa ang sitwasyon niya ngayon kaya napailing siya.
"Sige dapat walang hahawak sa iba pag may nakita na kayong maputi ha...." panimula niya.
"Ganito 'yon. Noong unang mga pnahon na bata palang kami. Hindi bata na sanggol pa lang, na sa edad niyo na rin kami. Tanghaling tapat 'yon at ako lang ang nandito sa bahay. Wala sila papa, hindi ko na matandaan kung saan sila sa mga panahon na 'yon basta ako lang ang tao dito. Wala nang pagkain ang mga baka ni lolo niyo.. kaya may plano sana ako na manguha sa gubat..." hindi ko kayo na inform na malapit lang ang bahay namin sa gubat tapos baybaying dagat ang kasunod. " Kinuha ko na ang mga panali at itak. Habang naglalakad ako sa kalsada, may nakasalubong akong isang mama na hanggang balikat ang buhok. May katangkaran at malalaki ang mga bisig. Kahit malaki ang mga braso ko noon dahil wala pa akong bisyo, mas malaki ang hubog ng katawan nung mamang nakasalubong ko. Syempre nakasanayan na nating bumati ng 'magandang tanghali' kapag may nakasalubong tayo, kilala man o hindi. Pero ang mamang to, parang walang narinig. Hindi man lang ako sinulyapan at deritsong naglakad. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi ko naman kilala kaya wala rin lang sa akin. Pero nung hindi pa ako makalayo, nilingon ko siya dahil nagtataka rin ako kung sino ang pinunta niya dito. Hindi naman pamilyar ang mukha at mukhang dayo. Saktong paglingon, nagulat na lang ako na pabalik na 'to at mas bumilis ang lakad papunta sa akin. Nang nasa malapit na ito, nag iba bigla at itsura biglang naging baka na may isang sungay sa gitna ng ulo.." bigla akong kinalibutan pagkasabi pa lang ni papa dun. Unicorn ang ibig sabihin ni papa.