Chapter 29

18 0 0
                                    

Chapter 29
Selfish

While driving, my phone keeps on ringing because of Dahlia's call. Ano na naman kaya kailangan ng brat na'to.

"Sakura, can please answer the call?"  I asked to Sakura, who's now staring at my phone.

"O-Okay." She answered the call and put it on loud speaker.

"Thanks." I muttered.

"Finally! Haderious, why aren't you answering my calls kanina pa?" bungad niya na halatang inis na pero di nawala ang maarte niyang tono.

"I'm driving, Dahlia." pagalit ko.

"Opss. Sarrey, I just miss you a lot. And may tampo parin ako sayo na hindi moko hinatid nung birthday ni Kuya Helius." parang bata niyang ungot.

Alam kong malabo ang iniisip ko pero tinitingnan ko ang reaksyon ni Sakura habang patuloy ang pagsasalita ni Dahlia sa kabilang linya. Her face remained emotionless.

Kahit sabihin kong inilibing ko na ang lahat ng natitirang pag-asa ko para sa kanya. May sumisibol muli na panibagong punla dahil hindi parin maiwasang madiligan ng nararamdaman ko para sa kanya. It's not really easy to stop loving someone. It's like a malignant illness and the only cure is her.

"Haderious! Are you still there? Kanina pako salita ng salita hindi ka naman sumasagot." inis na saad ni Dahlia.

I cleared my throat, "I'm sorry. I'm focusing on driving. I'll just call you when I get home." then I ended the call using my free hand.

"I'm sorry about that." basag ko sa katahimikan.

Nilingon niya ako at ngumiti, "Ayos lang." she simply said.

Tumango nalang ako at tinuon na sa kalsada ang buong atensyon.

Somehow, we had a peaceful dinner that night. Pagkapasok sa kwarto ay agad kong hinubad ang aking suot na relo at inilapag sa bedside table.

Wala sa sariling binuksan ko ang drawer nun. Tumambad muli sakin ang cherry blossom snow globe na regalo ni Sakura nung kaarawan ko. I kept this through out the years.

Pinindot ako ang button na nasa gilid nito at nagsimula na itong tumugtog habang umuulan ng niyebe at cherry blossom sa loob ng globo.

I started unbuttoning my polo shirt and grabbed the towel. I went inside the bathroom to take a hot shower. The warm water comforted my tired muscles as it runs through my body.

Napahawak ako sa bathroom tiles nang dumako na naman ang isipan ko kay Sakura. I honestly don't know what to do anymore. Baka magaya nalang siguro ako kay Dad. Ang kaibahan lang hindi ako mambababae. I will not seek for comfort from another woman. Hindi ako manggagamit ng ibang tao para lang makalimot. Though hindi ko masisisi si Dad. Maybe he's just really lost and desperate that time. Maybe until now.

Nang linggong iyon ay napag-desisyonan na nina Lolo na pumunta na sa Camotes Island to eventually start planning the hospital Helius' wants to build. Helius seems excited. Nganaman sasama si Sakura. What a great vacation for them!

"Ingit si Kuya Colder! Kami ay magpapakalunod sa magandang beach. Siya ay magpapakalunod sa trabaho." Eros teased habang hila-hila ang bagahe niya. Nakasuot siya ng Hawaiian shirt at sunglasses. Nakakaasar ang ngisi sa mukha niya.

"Okay lang. Ma-sunburn ka sana ng sobra." I cooly said.

Sumimangot siya at nilapitan ang alaskan malamute niyang aso.

"Whitey, come here. Ngatngatin mo tsinelas niya mamaya ah." dinig kung bulong niya sa inosenteng aso na panay naman kawag ng buntot.

"Whitey, mabuti pa sumama ka kay Eros turuan mo siyang mag-floating para di naman siya malunod. First time pa naman niya mag-beach." pang-aasar ko.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon