Prologue

85 16 1
                                    

Prologue

"Eliana!" rinig ko mula sa labas ng aking kwarto ang boses ni Mrs. Gina Querona. Kaya agad akong nagmadali sa pag-aayos ng sarili.

"Bakit po?" tanong ko matapos kong buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ng mayordoma ng mansyon.

"Naku iha, bilisan mo na't inip na inip na ang pangalawang Young Master." Bakas ang kaba at pagmamadali sa kanyang tinig kaya agad akong sumunod sa kanya at nagmadaling bumaba ng hagdan.

But unfortunately, dahil sa pagmamadali ko, natalisod ako sa pulang carpet, dahilan para mapatili ako ng pagkalakas-lakas.

I was anticipating that I would roll down the stairs, but in an instant, a strong arm encircled my waist, preventing my fall.

"Hey, are you okay, Eliana?" His minty breath filled my olfactory senses. Agad na naghurumintado ang puso ko.

This is Primero Helius Vinson, the eldest son of Trevino Oscar Vinson. Nasa harapan ko siya. At hawak-hawak niya ako!

Ilang sandali akong tulala sa mala-anghel na mukha ni Helius. Para akong nakalutang sa ere habang tangan ng kanyang matitipunong braso. Sa sobrang bango niya ay gusto ko nang maging butiki na habang buhay na nakadikit sa kanya.

Ilang segundo pa ang nakalipas bago ako natauhan nang bitawan niya na ang bewang ko at itinayo ako ng maayos.

Shit. Nakakahiya.

"May masakit ba sa'yo?" tanong niya gamit ang nag-aalalang tono at sinipat ang kabuuan ko.

"Buti nalang nasalo kita," dagdag pa niya sabay hinga ng malalim.

"A-hm.. salamat, Helius. Tsaka pasensya na," nakayuko kong saad dahil sa kahihiyan.

I'm sure my face is as red as a tomato right now. Laging ganito ang reaksyon ko sa kanya. Whenever we're talking or he's in front of me. Grabe talaga ang epekto niya sa akin.

Bakit ba naman kasi ganyan kaganda ang mapupungay niyang mga mata. Hays.

"Iha, ayos ka lang ba talaga? Baka may nabali sa'yo o kung ano," nag-aalala ring saad ni Mrs. Querona na nasa baba na pala at tinitingala kaming dalawa ni Sir Helius.

Umayos ako ng tindig. I shyly fixed my bangs on the sides of my forehead.

"She's fine, Manang. Please prepare the table para makapag-breakfast na rin kami." Matapos umalis ni Mrs. Querona ay bumaling na si Helius sa akin.

Ayan na naman yung tingin niya. Shit. Parang gusto kong gumulong pababa ng hagdan sa kilig.

"What if I'm not around? Walang sasalo sa'yo kaya be careful next time, hmm?" he said in a playful tone but still with concern.

Pano ba yan Helius eh nahulog na ako sa'yo! Charot.

I looked at him and cutely nodded. He smiled and patted my head. Pinipigilan ko na lang ang sarili kong mangisay sa harapan niya.

Wala na. Buo na ang araw ko.

"Tagal pa ba yan?" A cold voice echoed in the corners of the living room.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

He's wearing his white long sleeve shirt uniform at hawak ng kaliwang kamay niya ang kanyang dark blue coat na nakasabit sa balikat habang prenteng nakasandal sa pintuan.

He's looking at us like he's bored or something. I can't really read his eyes. Too mysterious and secretive.

Napasinghap na lang ako.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon