Chapter 6

34 7 0
                                    

Chapter 6: Promise

"Asan nga pala si Young Master Colder? Siya ba ang naghatid sayo dito?" tanong ni Lolo matapos kong kumalma.

Tumikhim si Helius na kanina pa nakatayo sa glid at di man lang napansin ni Lolo.

"Ako po ang naghatid sa kanya, Mr. Vazquez," sabi niya.

"Oh, ikaw pala, Young Master Helius. Pasensya ka na, hindi kita agad napansin, medyo malabo na rin talaga ang paningin ko. Akala ko tuloy doctor ka dahil naka-puti ka, hijo."

"Magiging doctor rin naman po ako kaya ayos lang," biro ni Helius.

Ilang minuto pa silang nagkwentuhan at nagkamustahan nang mag-ring ang phone ni Helius at magpaalam na sasagutin ang tawag.

"Apo, halika," natigil ako sa pagbabalat ng orange nang tawagin ako ni Lolo para maupo sa tabi niya.

Naupo ako roon. Kinuha niya ang kamay ko at marahang hinaplos ito.

"Kamusta ang pakikitungo sayo ni Young Master Colder? Pinapahirapan ka ba niya?" tanong ni Lolo habang tinitingnan ako.

Nag-iwas ako ng tingin saglit bago sumagot. "Masungit siya lagi at madalas akong pagalitan pero hindi naman niya ako pinapahirapan."

"Kahit di mo sabihin, alam kong madalas kayong magtalo kahit noong mga bata pa kayo. Pero Eliana, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, hindi mo iiwan si Colder."

"Lolo naman, oo na po. Promise," itinaas ko ang kamay ko, "Kahit araw-araw niya pa akong sungitan, hindi ako aalis sa tabi niya." Ngumiti si Lolo matapos marinig ang mga sinabi ko.

Kahit ganun si Master, he still cares about the people he loves. Di lang niya kayang ipakita. Kahit nung bata pa kami, madalas niyang palihim na ibinibigay ang mga laruan niya kaya kapag may nagugustuhan ito sa mga yun. He's a good brother and a good person, depende sa mood.

"Ah, siya nga pala apo, may ibibigay ako sa iyo." masigla niyang sabi saka inabot ang isang kulay puting box at ibinigay sa akin.

Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang isang cherry blossom snow globe. Namangha ako sa ganda nito.

"Lo, thank you po! Napaaga po ata ang regalo nyo sakin, next year pa ang birthday ko ah," tuwang-tuwa kong inakap ang regalo.

"Sino ba ang nagsabing regalo ko yan sayo, apo? My smile faded. "Kay Colder ko iyan irerelago. Ibigay mo yan hija sa kaarawan niya ha at wag na wag mong sabihin na galing sakin."

Binitawan ko ang cherry blossom snow globe at sumimangot. "Eh paano naman ako, Lolo? Apo niyo ako tapos yung supladong yon ang reregaluhan nyo. This is unfair!" I dramatically said.

"Eliana, paniguradong makakatanggap ka rin naman ng regalo mula kay Young Master Colder kapag ibinigay mo ito sa kanya." Nakangiti niyang sabi na tila ba siguradong-sigurado.

"Talaga lang Lo ah? Sa kakuriputan nun," I sarcastically chuckled.

"Trust me. He will."

Saktong bumalik si Helius ay nagpapaalam na ako kay Lolo na aalis na kami para makapagpahinga narin siya.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik, di ako sanay," tanong ni Helius habang nasa byahe kami pauwi ng mansyon.

"Okay lang. Pagod lang siguro."

"Wag ka ng mag-alala pa kay Mr. Vasquez. Your Lolo is a strong man. Makakalagad din siya sooner," he warmly smiled kaya napangiti narin ako pabalik.

Ilang minuto pa ay nasa harapan na kami ng itim na gate ng mansiyon. Bumusina ng dalawang beses si Helius para pagbuksan.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon