Chapter 4

39 9 0
                                    

Chapter 4: Moody

Sumapit ang lunes ngunit hindi pa rin nabubura ang mapang-uyam na ngisi ni Colder kapag nagtatama ang aming paningin. Lagi ko tuloy iniisip kung magkano ang binawas niya sa sweldo ko.

Papunta kami ngayon sa English faculty para ipasa ang thesis ng grupo ko. Dahil sa teamwork at pagiging responsible ng leader naming si Lester, natapos namin ito ng maaga.

"Ako na lang ang magdadala niyan, Eliana. Medyo makapal din yan kaya mabigat," suhestiyon ni Lester kanina pa habang naglalakad kami.

"Ano ka ba, ikaw na nga halos gumawa nitong thesis natin kaya dapat ako naman magdala tsaka ang gaan lang nito. Kasungitan nga ni Master Colder kinakaya ko." I whispered the last sentence I said and smiled a bit.

Napilitan siyang tumango at binalingan si Iris na nasa kabilang gilid ko. "Ikaw na lang kaya magdala nito tutal wala ka namang tinulong. Para may silbi ka naman sa grupo."

Agad na nanlisik ang mga mata ni Iris kay Lester. "Hoy! Andami ko kayang suggestions pero lagi mong kinukontrang lampayatot ka!" halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses niya.

"So what? All of your suggestions are inappropriate and nonsense!"

Natigilan si Iris sa sinabi ni Lester. Nakita kong nasaktan siya dun.

She swallowed hard before saying, "Edi, ikaw na yung matalino! Bobo na ko! Tangina!" saka niya hinablot ang thesis na hawak ko at ipinakita kay Lester. "Eto na! Bitbit ko na! Masaya ka na! Peste!"

Nauna siyang maglakad sa amin. Lester and I were left stunned because of her sudden outburst.

Hanggang sa mag-lunch time ay naka-simangot pa rin si Iris at hindi kami pinapansin ni Lester dahil sa nangyari kanina. Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi niya ako kinikibo, ganoon din si Lester.

Nagmamadali siyang nililigpit ang gamit at padabog na ipinasok iyon sa kanyang branded na pink bag saka lumabas ng room.

"Hoy! Iris, teka! Hintay!" dali-dali kong binitbit ang mga libro ko saka sinundan siya. Sumunod naman sa akin si Lester na kanina pa ata nakukonsensya sa mga sinabi niya kay Iris kanina.

"Mag-sorry ka nga dun, Lester!" inis na sigaw ko. Mabilis naman siyang tumango, akmang mauuna na siya nang mag-ring ang phone ko.

Master Colder is calling.

Aligaga ko iyong sinagot dahilan para magkanda-hulog ang dala kong libro. Mahina akong napamura dahil dun.

"Where. Are. You?" bungad niya.

"Malamang nasa school!" iritadong saad ko na agad kong pinagsisihan.

"I know. I'm asking the exact place. We'll eat lunch together. Kanina pa ako naghihintay."

I started picking up my books while Lester is helping me. Sasagot na sana ako nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko mula sa likod.

Naaninag ko ang kumikinang na puting uniform ni Helius habang naglalakad papalapit sa amin. Pinulot niya ang natirang libro at sabay kaming tumayo.

"Close that mouth of yours, Sakura Eliana. I can clearly see from here how you drool over my brother." Colder icily said from the phone.

Tiningnan ko ang banda ng cafeteria. Tanaw ko si Colder na nasa labas, hawak ang phone sa tenga at mariing nakatitig sa akin.

Damn his twenty-twenty vision.

I cleared my throat. "Salamat, Helius. Ah dito ka ba ulit magla-lunch?" tanong ko.

Hiwalay ang College Department at High School Department. May diamond wire mesh fence na nakapagitan dito. Nitong mga nakaraang buwan hindi na siya masyadong sumasabay sa aming kumain ng lunch at madalas siyang wala sa mansiyon. Mukhang masyado talaga siyang busy sa ospital at pag-aaral.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon