Special Chapter

51 2 0
                                    

♪ : The Moment by Dmeanor

Special Chapter

"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth," Sakura heard a woman reading a bible on the other room.

Hindi man siya madalas magbasa ng bible ay pamilyar sa kanya ang verses na iyon. Bawat pagbigkas ng salita ng babae ay tila ramdam na ramdam nito ang mga kahulugan nito.

Dahan-dahang siyang lumabas ng kwarto niya para silipin ang babae. She's wearing a hospital gown and a scarf wrapped around on her already shaved head. Paghahanda para sa kanyang operasyon.

Mula sa siwang ng kwarto ay kita niya ang nakatalikod na babae. The white hair of the woman was a little bit messy. She was comfortably sitting on her hospital bed, facing the window. Lalong namangha si Sakura ng patuloy itong nagbasa gamit ay napakagandang tinig. Her womanly gentle voice was laced with gentleness.

"It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails. But where there are prophecies, they will cease; where there are tongues, they will be stilled; where there is knowledge, it will pass away." Tumigil ang babae at biglang nilingon si Sakura na nakatayo parin malapit sa pintuan.

"What are you doing?" tanong nito sa kanya gamit ang masungit na tono.

Napahawak si Sakura sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Hinawi ng babae ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha at huminga ng malalim.

Napaatras muli si Sakura ng balingan siyang muli ng babae, "What can I do for you, dear?" tanong ulit nito gamit ang maarteng boses at tinaasan siya ng kilay.

"Uhm I heard you were reading a bible from my room so I-." the woman cut her off.

"Oh that. It's my favorite bible verse. It's special to me. Napaka-espesyal" mahina nitong binanggit ang huling salita at tumingin sa bintana na parang may inaalala.

Nagulat si Sakura ng magsalita ang babae gamit ang wikang Filipino, "Pinoy ka rin?" tanong niya saka naupo sa mahabang sofa ng kwarto.

May hawak na salamin ang babae at seryosong naglalagay ng pulang lipstick sa labi. Nilingon nito si Sakura at ngumisi.

"Halata ba dahil ang ganda ko." then she moved her lips to smudge the lipstick properly.

Napangiti si Sakura sa biro ng babae,"Hindi ako nagbibiro." dagdag nito ng makita ang ngiti ni Sakura. Kaya agad siyang nagseryoso.

"Wala ka bang kasama?" tanong ni Sakura.

"Wala. Unless may nakikita ka dito sa kwarto hindi ko nakikita, hija." biglang kinilabutan si Sakura sa sinabi ng babae.

Itinigil nito ang pananalamin saka tinititigan siya ng mabuti, "By the look in your eyes, I know that you went through a lot. But you must live. There's someone who's always waiting for you." the old woman uttered like an incantation.

Madalas ang naging interaksyon ni Sakura at ng misteryosang babae na iyon. The old woman was funny most of the time. Dahilan para mapagaan ang mabigat na pinagdaanan ni Sakura.

Hindi naging matagumpay ang unang operasyon niya. Habang nakaratay siya sa ospital ay ang siya ring pagpanaw ng Papa na sinundan ng kanyang Lolo Arthuro. Para siyang mababaliw sa apat na sulok ng kanyang kwarto dahil sa sobrang lungkot.

"Uuwi ako, Helius! Si-Si Lolo..." palahaw niya habang pinipilit ang sarili na makaalis sa kama.

Bawat taon ay unti-unting lumalaki ang kanyang tumor. Bawat araw ay unti-unting siyang nakakalimot.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon