Chapter 3

41 12 0
                                    

Chapter 3: Panalo

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Nang tingnan ko iyon ay pasado alas-otso na kaya agad akong napabalikwas ng bangon.

Sa gitna ng pagmamadali nasabit ang kumot sa paa ko dahilan para masubsob ako sa sahig. Napadaing ako sa sakit ng dibdib ko. Di man 'to kalakihan pero masakit pa rin talaga.

"Ay sosmaryosep, dai! Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Ate Cynthia, isa sa mga kasambahay ng mansyon. Bitbit niya ang hamper na puno ng labahan ko galing sa banyo.

Agad niya akong dinaluhan. I'm sure that I looked like a mess right now dahil kakagising ko pa lang at sumubsob pa ako sa sahig.

"Thanks, 'te," sabi ko matapos niya akong alalayan na maupo sa kama.

"Hay naku, Eliana. Kundi ka nadadapa minsan nababalya ka naman."

I just scratched my cheek because of embarrassment. Nung umulan ata ng katangahan, di ko lang sinalo, nagswimming pa ata ako sa baha.

"Late na kasi ako. Malamang nasa school na si Master Colder ngayon," halos sabunutan ko ang sarili sa katangahan.

"Dai, Sabado ngayon. Jusko, kay bata-bata mo pa makakalimutin ka na," umiling-iling pa si Ate Cynthia.

I looked at her to see if she was joking, but she was serious. I checked my phone's calendar.

Nakahinga ako ng maluwag nang malaman kong araw pala ngayon ng Sabado.

"Oh, kanina ka pa pala hinihintay nung tatlo sa baba para mag-almusal. Sige na at maglalaba pa ako. Ingat-ingat din baka tumambling ka na sa susunod at gumulong pababa sa grand staircase ng mansyon," saka lumabas na siya ng kwarto ko.

I immediately did the rituals every morning. Habang sinusuklay ko ang mamasa-masa ko pang buhok sa harap ng malaking salamin ay nahagip ng paningin ko ang lumang litrato ni mama.

Lolo Arthur said that it was taken before my mom left for Japan to work there as a waitress. Doon daw nakilala ni mama yung tatay kong Japanese. Nabuntis si mama at di pinanagutan dahil may pamilya na pala. Yun din ang kwento sa akin ng best friend ni mama na si Tita Sonya. Siya rin ang nagdala sa'kin pabalik dito sa Pilipinas dahil namatay si mama matapos akong ipanganak.

I was named Sakura, which means cherry blossom, because my mom had me during Hanami or cherry blossom viewing. At ang Eliana naman ay pangalan ni Mama na isinunod sa akin ni Lolo.

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pareho kaming may soft features ni mama, ang kaibahan lang ay singkit ang mga mata ko na sigurado akong namana ko sa tatay kong hapon.

Binalingan kong muli ang picture ni Mama bago lumabas ng kwarto. Nakuha ng bangs ni mama ang atensyon ko. Pati pala bangs namana ko sa kanya.

I smiled with the thoughts running on my mind.

Naabutan ko ang tatlo sa dining area, halos patapos nang kumain sina Helius at Eros, ngunit si Colder naman ay di ginagalaw ang pagkain.

"Good morning, Ate Sakura!" Eros greeted joyfully.

"Good morning," bati ko pabalik.

Tumikhim muna si Helius bago nagsalita. "Kumain ka na, Eliana. Para makakain na rin yung isa diyan."

"Shut up, Helius," Colder snapped with so much annoyance to his brother. "I j-just don't like the food. That's why..." paliwanag pa niya na medyo nautal pa.

Naupo ako at nagsimulang kumuha ng fried rice at bacon. "Di ka man lang ba magso-sorry sa mga sinabi mo sa'kin kahapon tsaka kagabi, Master?" nakangiti kong tanong kay Colder.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon