Chapter 11

25 2 0
                                    

Chapter 11
Guests

Dumating ang araw ng huwebes. Di magkamayaw ang kaba ko para sa birthday party.

Nakahanda na ang lahat mula sa decorations, pagkain at music band na tutug-tog. May nakalatag din na red carpet simula sa pathway hanggang sa kabilang entrada ng mansion kung saan may shortcut papunta sa pool area. Dahil doon gaganapin ang programme at duon ang dining para mas maganda ang view at malawak.

I'm wearing a formal suit dahil isa ako sa sasalubong at babati sa mga bisita upang igaya sila papunta sa pool area. The servers are also in uniformed too.

Sumapit na ang ala-sais ng magsimula ng dumating ang nga bisita. " Good evening, ma'am and sir. Enjoy the night po." bati namin ni Kuya Alvin sa mag-asawang Lagmadeo. May ari ng isang kilalang law firm sa bansa.

Di nagtagal ay sinamahan narin kami ni Helius na bumati sa mga bisita. He looks dashing wearing a white tuxedo. Habang si Eros naman maroon ang suot at nakikipagpag-socialize ngayon sa mga bisita.

Maging ang mag-asawang Vinson ay abala rin sa pag-iistima. Samantalang, ang isa pang birthday boy ay hindi parin lumalabas ng kwarto niya. Kahit kailan talaga, allergic sa mga social gatherings.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Uuwi ba iyong si Trevino, Faustus? " dinig kong tanong ng isang kaibigan ng mag-asawa.

"Siyempre naman. Ay, hihintayin pa ba niyang mamatay ako bago umuwi dito sa mansiyon." biro ni Don Faustus na hindi ikinatuwa ng kanyang may bahay.

"Faustus, tumigil ka nga. Hindi nakakatawa yang biro mo." saway ni Donya Celestina sa asawa. Tumawa lang ang Don at hinalikan sa sintido si Donya Celestina.

"Ang sweet." bulong ko at wala sa sariling nakaramdam ako ng kirot sa puso na di ko maintindihan.

Kakainggit.

"Nakaka-inggit Eliana noh? Sana sagutin nako ni Cynthia para maging ganyan din kami." si Kuya Alvin na nasa tabi ko.

Napasimangot ako sa tinuran niya.

"Pano ka sasagutin ni Ate Cynthia kung di ka pa nga umaamin." sabi ko.

"Eliana is right, Alvin. You're such a torpe just like my brother." natatawang saad ni Helius sabay tapik sa balikat ni Kuya Alvin.

"Si Young Master Eros ba kamo, Sir? Eh kung sa pagiging babaero po, minana niya ata lahat kay Don Trevino." problemadong saad ni Kuya Alvin. I guess his having a hard time dealing with his master's escapades and naughtiness.

"Speaking of babaero..." napatingin si Helius sa harapan.

"Hala. Andyan na si Don Trevino?' natatarantang tanong ni Kuya Alvin.

"Hindi. Andito na yung mga nagdaang babae nung babaero kong ama." sagot ni Helius.

Napatingin narin ako sa harapan. Tama nga si Helius andyan na ang si Miss Sandra, wearing a white gown paired with his son's tux. Black-velveted dress naman ang kay Madame Heidi. It made her looked more stoic and stiff. Grabe nakaka-intimidate.

Ah, alam ko na kung kanino nagmana si Master Colder.

Senyorita Catherine is wearing a sexy red gown with a high slit, revealing her white creamy legs. Grabe mukha siyang dalaga at wala pang anak.

Iba talaga mamili si Don Trevino. Sosyal.

Madramang naglalakad ang tatlo sa red carpet at animo'y nagpapabonggahan. Kita ko ang halos pagsapo ng noo ni Helius dahil sa tatlo.

"Oh hello sweetie, namiss ka ni mama." Miss Sandra hugged and kissed Helius' cheeks like a child.

Ganon din ang ginawa ng mommy ni Eros sa kanya. "My Eros baby, don't you miss mommy?" tanong ni Senyorita Catherine ng punasan ni Eros ang pisngi dahil nagmarka roon ang pulang lipstick ng kanyang ina.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon