Chapter 19

29 4 0
                                    

Chapter 19
Aling Delia

Sometimes...life is unfair. We can never always have what we've planned and wanted.

When I was a kid, I promised to my self na tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko. And then I'll have my own family at mamumuhay kami ng simple at mapayapa. Yung tipong pang fairytale na sa ending ay may nakasaad na ; ...And they live happily ever after.

I never thought of having a malignant illness. Na sa edad kong labing-siyam dadanasin ko ang paghihirap na'to.

"Pupunta ka na ng Japan after graduation?" tanong ni Lester.

Nasa isang coffee shop kami sa labas ng university. Inaya ko siya para sana makipag-usap at magpaalam narin.

"Oo. Nahanap ko na kasi si Papa." marahang sagot ko at ininom ang inorder kong frappe.

"Hindi kaba magpapaalam kay Iris?" tanong niya ulit.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at umiling.

Tumingin ako sa labas ng café at tiningnan ang mga sasakyang dumaraan.

"Hindi na. Iyakin yun. B-Baka pagnagsimula na siyang ngumawa ay hindi nako makaalis." hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko.

Nung unang pagpasok ko sa university si Iris ang kauna-unahang taong kuma-usap sakin. She's been a great best friend kahit na parang sirang plaka ang bunganga niya.

I will definitely miss her....them.

"Alagaan mo siya, Lester. Wag na wag mo siyang sasaktan at paiiyakin kung hindi babalikan kita dito." kung makakabalik pa ako.

Natapos ang final exam namin ng maaga nung hapon na iyon kaya maaga kaming pinauwi.

Nang palabas nako ng building namin ay nagulat ako nang makitang naghihintay sakin si Master Colder.

Matapos ang sagutan namin nung nakaraang linggo ay nanatili parin akong butler niya. Hindi siya pumayag kahit na kung anu-anong dahilan na ang sinabi ko.

So I just decided to just cherish my remaining days with him. Dahil baka yun na ang maging huling mga araw na makakasama ko siya.

Prente siyang nakasandal sa pader at nakapikit. Lumapit ako sa kanya. Napamulat siya ng maramdaman ang presensya ko.

"M-Master Colder, maaga rin po bang natapos ang final exam niyo?" I tried to strike a normal conversation.

"Hindi pa. May isa pang subject mamayang three-thirty." He answered and continued looking at me, earnestly.

Agad akong nailang sa paraan ng pagtingin niya na tila may itinatago akong sikretong dapat niyang malaman.

"Why are you taking pain relievers?" he suddenly asked with a serious tone.

Agad akong nanlamig sa tanong niya at nangapa ng isasagot.

Inabot niya sakin ang maliit na bote ng pain reliever, "Nahulog mo yan sa kotse kanina nung may hinahalog-hog kang gamit sa bag mo." paliwanag niya.

"Sumasakit parin ba ang ulo mo after that incident?" he sounded concerned.

"Nung di pa humihilom yung sugat, umiinom ako ng pain reliever. Sumasakit kasi minsan." hindi parin siya nakuntento sa paliwanag ko.

"Ngayon ba sumasakit parin ba ang ulo mo? If it is then we should rushed into the hospital right now." He said, alarmed.

"Hindi na po kailangan. I'm totally fine." pagpapakalma ko sa kanya.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon