Chapter 15

22 2 0
                                    

Chapter 15
Heartbreaker

Hindi mabura ang ngiti ko matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Master Colder.

Wala sa sariling inamoy ko ang panyong ibinigay niya.

"Hmm..bango." I dreamily whispered.

"Ano ba yan, Eliana! Ako ang dapat maggaganyan dahil umamin na si Lester na gusto niya rin ako." naiiritang sabi ni Iris.

Agad ko syang binalingan at sinimangutan.

"Di ko nga pinapakialaman yang paglalandian nyong dalawa dyan kaya hayaan nyo rin akong kiligin mag-isa rito." sabay irap sa kanila.

She suspiciously looked at me and the handkerchief on my hand. Nilakihan niya ang mga mata niya na para bang zino-zoom in.

"Pamilyar yang panyo ah." naningkit pa ang mga mata niya.

Agad kong itinago ang panyo sa loob ng aking coat. Ngunit nilapitan pa niya ako at sinubukang kuhanin ang panyo. She tickled me on my nape and she successfully got the handkerchief. Kaya nag-agawan kami para roon.

"Akin na kasi! Kakabili ko lang niyan nung nakaraan!" palusot ko para hindi na niya usisain kong kanino ang panyo.

"As far as I remember, 'di ka mahilig sa ibang kulay bukod sa baby pink. Kaya hindi 'to sayong panyo!"

Umawat na samin si Lester. Pero determinado talagang usisera si Iris kaya ayaw bitawan ang panyong gusot-gusot na dahil sa hilahan naming dalawa.

"Long time no see, My Sakura Eliana! I'm back!" sabay kaming napatigil ni Iris dahil sa sigaw na iyon mula sa hamba ng pintuan ng classroom.

Dreymond Reinoso, the famous black belter taekwondo athlete here in Unibersidad de Vinson is now nearing at me with a bouquet of flowers in his hand. Dali-dali siyang pumunta sa direksyon ko suot ang malawak na ngiti.

Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan para magtilian ang mga kaklase ko.

"I miss you so much. The whole training ikaw lang ang iniisip ko. I been longing to see you once again." marubdob niyang saad na para bang ilang taon kaming 'di nagkita.

"Drey, baka mapisat na niyan si Eliana. Higpit ng yakap mo e."puna ni Iris na ipinagpapamasalamat ko. Co'z Drey might squeeze me to death.

"Opss. Sorry." he said in a thick English accent.

"Okay lang." pilit akong ngumisi para hindi niya mahalatang naiilang nako sa kamay niya nasa magkabilang braso ko parin.

"Here. Sana magustuhan mo. Beautiful red roses just like you."

Wala akong nagawa kundi tanggapin iyon labag man sa kalooban ko. This is not the first time, though. Bago siya sumabak sa training para sa Asian Games, dinala niya ako sa roof top at tumambad sakin ang isang malaking Teddy Bear na may naka-print na mukha niya with a note saying " Everytime that you'll miss just hug this Teddy Bear." May kasama pa iyong sandamakmak na chocolates at balloons. He was smiling from ear to ear that time pero malas nga lang niya nandoon sa roof top si Master Colder. Naingayan ata sa mga istudyanteng nakikiusyuso samin kaya kinuha yung mga chocolates at yung Teddy Bear and then hinulog niya sa baba. Nabitawan nalang ni Dreymond ang hawak niya mga balloons sa sobrang panghihinayang sa Teddy Bear at sa mga chocolates.

Parang umulan ng mga chocolates nung araw na iyon kasama ang isang malaking Teddy Bear na pinag-agawan pa ng maraming istudyante na kapwa humahanga kay Dreymond Reinoso.

"Ah Thank you. Sana di kana nag-abala pa." sabi ko matapos tanggapin ang bouquet.

"Mag-aabala talaga yan si Master Dreymond para sayo, Miss Lian. Buong traing nga namin ikaw ang bukam-bibig niyan e." sigaw ng isang freshmen na kasali rin sa Taekwondo team ni Drey.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon