Chapter 1

55 17 0
                                    

Chapter 1: Arte

Nagmamadali kong kinuha ang mga libro ni Master Colder dahil pagpatak ng 7:30 ay simula na ng klase ko. Tinakbo ko ang distansya mula sa locker room papunta sa classroom.

"Hoy Sakura Eliana! Dito ka sa harap umupo para tabi tayo," si Iris, ang best friend ko. Hingal akong umupo sa katabi ng upuan niya.

"Andami mo namang dalang libro, di ka naman masyadong obsessed sa pag-aaral, teh," biro niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Hingal pa kasi ako dahil sa pagtakbo. "Hindi 'to akin. Kay Master Colder 'to," paliwanag ko sabay hanap ng panyo sa bag ko.

"Ah. Kaya pala," ayan na naman ang nanunuya niyang tono. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon at pinunasan ang noo kong pawisan.

Agad na natahimik ang lahat at bumalik sa kanya-kanyang silya nang pumasok na ang adviser namin. Nagkaroon ng konting discussion at recitation ngunit maaga rin namang natapos ang dalawang subject.

"Ayoko talaga kapag may recitation. Nadi-drain ang precious brain ko," maarteng reklamo ni Iris sabay madramang hawak sa ulo niya. Natawa ako. Baliw talaga kahit kailan.

"Ang tanong, may utak ka ba?" pang-aasar ni Lester na nasa likuran lang namin.

Agad na tinignan niya ng masama si Lester. "Wow! Ikaw nga matalino pero mukha namang bangkay. Hipan lang kita baka liparin ka na papunta sa kabilang building," sinabayan niya pa ng hagalpak na tawa. Kita ko naman ang pagka-inis ni Lester sa pag-bwelta ni Iris sa kanya.

Nang mag-ring ang bell ay natapos rin ang bangayan ng dalawa.

Agad kong inaya si Iris na pumunta na sa cafeteria dahil kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom.

Nilapag ko ang paper bag na may lamang pagkain na ibinigay kanina ni Master Colder sa table na napili namin sa dining hall.

"Ikukuha pa ba kita ng meal o yan lang baon mo kakainin mo?" tanong sakin ni Iris dahil papunta na siya sa counter para bumili ng pagkain.

"Bili mo ko ng yakult. May straw dapat ah," sagot ko habang kinakain ang chicken sandwich. Ngumiti ako ng malasahan na walang spinach. Si Master Colder gumawa nito panigurado.

"Ewan ko sayo, may pa-straw ka pa. Arte mo 'te," at tinalikuran ako para pumila na hawak ang kanyang special meal card.

Nang bumalik siya ay nagsimula na kaming kumain nang biglang umingay ang buong dining hall sa mga tili at bulong-bulungan.

Natanaw ko ang pagpasok ni Helius suot ang kumikinang niyang puting uniporme kasama si Eros na naka gray shirt lang at dark pants. Siguro dahil ayaw na naman niya mag-uniform dahil daw mainit. Arte talaga ni Senyorito.

Nasa huling taon na si Helius sa kursong pre-med. Pareho naman kaming Grade 12 ni Master Colder kaya lang STEM ang strand na pinili niya, samantalang HUMSS naman ang sakin. Si Eros naman ay fourth year high school pa lang.

Papalapit na sila sa table namin ni Iris ngunit hinanap ng mga mata ko si Colder.

"Si Colder?" tanong ni Helius at umupo sa bakanteng upuan katabi ko, at tumabi naman sa kanya si Eros.

"Baka nasa klase pa nila. Akala ko nga magkakasama na kayong pupunta dito sa cafeteria," sagot ko.

Sandaling nangunot ang noo ni Helius bago nagsalita. "Sandali, tatawagan ko lang ang homeroom teacher niya." Nilabas niya ang phone at dinial ang number ni Sir Montales saka siya tumayo at lumayo sa amin ng bahagya.

"For sure, Kuya Colder ditched his class again," sabi ni Eros na parang siguradong-sigurado siya.

Bumalik si Helius na magkasalubong ang kilay.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon