Chapter 13

28 2 0
                                    

Chapter 13
History

"I'm your first kiss." Colder stated.

Nanatili akong nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri. Natigil na ang pagtugtog ng cherry blossom snow globe at naririnig nalang namin ang parehas na paghahabol ng hininga dahil sa naganap na halikan kanina.

" Uhm M-Master bumaba na po tayo. Kailangan mo pang harapin ang mga bisita niyo. Tsaka si M-Madame Heidi at Don Trevino, hindi sila nakapag-speech para sayo dahil nag-walk out ka." pag-iiba ko sa usapan dahil naiilang ako lalo na't sobrang lapit niya.

The playful smile on his face vanished in an instant.

"Tell them, I'm tired. Magpapahinga nako." malamig niyang saad saka tinalikuran ako.

I felt a pang of pain in my chest sa biglang panlalamig niya. Matapos niya akong halikan ay babaliwalain niya ako ng ganito.

I had a lousiest first kiss ever! Damn you, Master!

Padabog akong lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ay naroon na sa living room si Donya Celestina at Don Faustus kasama sina si Don Trevino at Madame Heidi. Katabi naman nila Eros at Helius na nakaupo sa sofa ang kanilang mga ina.

Kasalukuyang pinapakalma ni Donya Celestina si Madame Heidi na tumatahan na sa pag-iyak. Naglaho na ang palaban nitong aura.

" Iha, how's Colder? " tanong ni Donya Celestina ng mapansin ang presensya ko.

Hindi ko napigilang mag-init ang mga pisngi ko dahil sa naalalang nangyare kanina lang.

I cleared my throat and calm myself down. "Pagod na raw po siya at magpapahinga na." sabi ko.

Napabuntong hininga nalang si Donya Celestina at tumango.

"Sina Helius at Eros nalang ang babalik sa labas. Magpapahinga na kami ni Celeste dahil bawal narin kaming magpuyat. Pati ka na Heidi, mas mabuting magpahinga ka narin," bumaling ito kay Don Trevino, "Trevino, ihatid mo na siya sa guestroom. Pagkatapos ay bumalik ka para tulungan ang mga anak mo sa pag-iistima ng mga bisita." ma-awtoridad na utos ni Don Faustus saka inalalayan si Donya Celestina patayo. Ganun din si Don Trevino kay Madame Heidi.

Nagsinghapan sina Senyorita Catherine at Miss Sandra dahil dun.

" Trevino, pano naman kami? Ihatid mo rin kami sa guestroom." reklamo ni Senyorita Catherine.

Huminga ng malalim si Don Trevino na tila na-uubusan na ng pasensya.

"Ilang beses na kayong nakatulog sa guestroom nitong mansiyon. You won't get lost anymore. The two of you are old enough so please stop bothering me with your petty problems." Don Trevino icily said and he guided Madame Heidi upstairs.

Panis na tumawa si Senyorita Catherine para itago ang pagkakapahiya ngunit kita ko parin ang panunibig ng mga mata niya.

"Let's go, Sandra. Matatanda na tayo para mawala pa rito sa mansiyon," bumaling siya kay Eros, "Honey, good night. Magpahinga ka na rin matapos umuwi ng mga bisita." paalala niya sa anak at hinalikan ang noo nito.

Ganun din ang ginawa ni Miss Sandra kay Helius bago sila sabay na umakyat sa taas.

Nang mawala ang dalawa ay naiwan nalang kaming tatlo sa sala.

Malakas na bumuntong hininga si Helius na tila pagod na pagod.

Lumabas kaming tatlo at nagkunwaring wala lang ang nangyareng komusyon kanina. Sinabi nalang ng magkapatid na pagod na si Colder pati narin sina Donya Celestina kaya nauna ng nagpahinga.

Fall With You (Vinson Series : 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon