CHAPTER 1

1.3K 31 0
                                    

Stella is standing infront of her kuya's room. Nagbabalak kasi siyang yayain ito lumabas since It's been a month nung huli silang namasyal.

Kagabi niya pa iniisip kung paano niya kakausapin ang kuya niya dahil sobrang tagal na nung huli silang mag-usap. Lagi kasi itong wala sa bahay at kung umuwi man ito ay kasama naman nito si Vivian ang girlfriend ng kuya niya, kaya laking tuwa niya ng sa wakas ay umuwi ang kuya niya at mag-isa ito.

'' You can do this Stella'' pagpapalakas niya ng loob sabay huminga ng malalim, hindi pa man nahahawakan ang door knob ay bumukas na ito.

Now, he's facing the most handsome man she has ever known. Her kuya Brayden, mukhang hindi man lang nasiyahan na makita siya

''Good m---'' '' What do you need, Stella?'' and reality hits her. Ano nga bang ginagawa niya sa harap ng kwarto ng kuya niya alam naman niyang ganito siya pakitunguhan ng kuya Brayden niya. Hindi niya alam kung anong nagawa niya para maging ganito si Brayden sa kanya. Nawala na ang sweet at malambing niyang kuya Brayden at nagsimula ito nung makilala nito si Vivian.

Gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya ang sarili dahil yun ang ayaw ni Brayden, ang dating Brayden. Ang umiyak siya sa harap nito. Pinilit niyang ngumiti ng napakalaki para ipakita sa kuya niya na hindi siya apektado sa pagiging cold nito sa kanya.

'' k-kuya Brayden gusto sana kita yayain mamasyal''

Hindi umimik si Brayden at tiningnan lang siya nito 'please kuya, ako na muna kahit ngayon lang'

'' No, I have a date with Vivian''

'Vivian na naman kuya! How about me?!' she want to say those words to Brayden pero mas pinili niyang manahimik. Ano nga bang magagawa niya? Girlfriend si Vivian at siya kapatid lang at ampon pa kaya wala siyang karapatang magreklamo.

''G-ganon ba kuya sige sa s-susunod na lang enjoy kayo sa date niyo''

Hindi na siya sinagot ni Brayden at nilampasan na lang siya nito at doon na niya inilabas ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan.

<< FLASHBACK>>

'' Hey My princess! Gusto mo bang mamasyal?'' her kuya Brayden asked her.

'' really kuya?! Ok wait a minute mag bibihis lang ako love you!''

'' I love you too, My princess''

<<FLASHBACK END>>

Those memories. Pinunasan niya na lang ang kanyang luha at dumiretso sa kwarto niya. 'It's better to sleep at least sa panaginip man lang makasama kita kuya Brayden' sabi niya sa sarili bago tuluyang lamunin ng antok.

______________________________________________________________

''Oh iho, andito ka pala?'' It's nanay Belinda, ang nanay-nanayan nila ni Stella

Tanging tango lang ang isinagot ni Brayden sa nanay nila bago tuluyang umupo sa harap ng mesa.

''Kumain na po ba si Stella, nanay Bel?'' tanong niya habang nagsasandok ng kanyang pagkain. Although, he's not always here sinisiguro niyang kumakain si Stella.

'' Nako iho! Ang aga-aga nun bumaba kanina dahil mamamasyal daw siya'' biglang  siyang napatigil sa pag-kain and he remembered the scene a while ago.

''May problema ba, iho? Nako, alam mo bang may umakyat ng ligaw kay Stella nung nakaraang linggo?''

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng hindi nakakain ni Brayden dahil sa narinig niya kay nanay Belinda. Si Stella may manliligaw? Bakit hindi niya ito alam?

''A suitor?''

Natawa naman si nanay Belinda sa tinuran ng alaga niyang si Brayden ''Parang gulat na gulat ka ata iho? Hindi dapat magulat dahil napakaganda at napakabait ni Stella kaya malamang na marami talagang manliligaw sa kapatid mo na yun''

Hindi man makikita sa mukha ay makikita mo naman sa mga kamao ni Brayden ang nararamdaman niya. He's fucking mad right now! Sinong lalaki ang naglakas loob manligaw sa kapatid niya behind him.

'' Who's that fuc---''

''Baby! Finally, nakita na rin kita''

Hidi na naituloy ni Brayden ang sasabihin dahil biglang pumasok ang isang babae. Ang babaeng kinababaliwan niya sa hindi malamang dahilan.

''Oh.. My baby why so early, hmm?'' he kissed Vivian on the lips and smiled sweetly parang nakalimutan na nitong galit siya dahil sa balitang natanggap niya mula kay nanay Belinda.

''Nothing, siguro excited lang ako sa date natin'' sabi ni Vivian sabay ngiti ng nakakaakit.

Nakangiting napailing nalang si Brayden. Vivian is a beautiful women and he feels so lucky to have it into his life pero may ugali ito na kahit na sino ay aayawan at ito ang pagiging maarte at judgmenal.

Minsan nga ay nahuli niya itong kinakausap si Stella sa hindi magandang paraan pero, anong magagawa niya? He loves Vivian so much.

______________________________________________________________

Hapon na ng magising si Stella dahil sa ingay ng cellphone niya, she received a call from Maiden, her friend. Niyayaya siya nitong uminom sa bar malapit sa lugar niya. Ayaw niya sana pero nang maalala niya ang ginawa ng Kuya Brayden niya ay pumayag na siya.

Kailangan niyang alisin lahat ng sama ng loob niya kay Brayden para may mukha siyang maihaharap dito kinabukasan. Kinabuksan? Malamang hindi yun uuwi at aabutin na naman ng buwan o linggo bago maisipang umuwi sa sariling tahanan.

Iniisip niya kung bakit inampon pa siya nito kung pag-iisahin lang naman palagi siya sa bahay salamat na lang at merong nanay Belinda at pasalamat din dahil mahal niya si Brayden dahil kung hindi bka matagal na siyang umalis at naghanap ng makakasama sa buhay.


Napailing na lang siya naisip at tiningnan na lang ang sarili sa salamin. Her face is too simple yet beautiful, she doesn't need to put some make-up to make her pretty but, since she's going to a bar pagbibigyan niya ang mukha niya. Naglagay siya ng make up at nagsuot ng black short-fitted skirt, white spaghetti top, at a pair of high heels. Para sa kanya simple lang ang suot niya pero ang hindi niya alam is she looks hotter and dangerous as well.

Pagkababa niya sa hagdan ay nakasalubonn niya agad si Nanay Belinda. Hindi niya alam kung matatawa o mahihiya siya sa reaksyon nito.

''Napakaganda mo, Stella'' puring sabi sa kanya ni Nanay Belinda

''Talaga po ba?''

Araw-araw siyang pinupuri ng matanda kaya minsan nahihiya na siya. Para sa kanya, hindi siya ganon kaganda dahil hindi naman siya mapansinpansin ni Brayden.

''Aba'y oo naman! Saan nga ba ang punta mo, iha? Ngayon lang kita nakitang ganyan ang ayos at yung pananamit mo ang ibang-iba sa nakasanayan ko''

Natawa na lang siya. Totoong hindi siya mahilig mag-suot ng sando, lagi niyang suot at t-shirt at pajamas kaya siguro ganoon na lamang ang gulat ni Nanay Belinda.

''May date po ako nanay'' pag-bibiro niya

''Ganon ba? Sige na baka mahuli ka sa date mo at ipakilala mo sakin ang maswerteng lalaki na yan iha''

Babawiin na sana niya ang sinabi niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-text si Maiden at hinahanap na siya nito. Hindi na niya nasagot si Nanay Belinda at nag-mamadali na siyang lumabas ng mansion. Paniguradong umuusok na naman ang ilong ng kanyang kaibigan sa kakahintay sa kanya.

Kakatapos lang ihatid ni Brayden si Vivian sa tinitirhan nito. Ayaw pa sana siyang pauwiin pero pinilit niya ito dahil gusto niyang makapag-pahinga besides, palagi naman niyang kasama si Vivian oras naman siguro para umuwi siya sa bahay niya. Kakamustahin niya rin si Stella kay Nanay Belinda.

She loves Stella so much dahil ito ang karamay niya sa lahat ng bagay simula ng dumating ito sa buhay niya. Stella became his stress-reliever binigyan rin nito ng kulay ang mundo niya.

 Nakaramdam siya ng awa dito dahil alam niyang lagi siya nitong hinihintay umuwi pero anong magagawa niya yun ang gusto ni Vivian. Nung nakita niya ang itsura ni Stella kaninang umaga ay gusto niya itong yakapin. Siguro oras na din para bumawi sa kapatid niya.

Pagkarating niya sa bahay ay nakita niya si Nanay belinda na nag wawalis. Hindi siya agad napansin nito dahil abala ito sa ginagawa. While looking to his Yaya napansin niyang tumatanda na ito. Simula ng limang taon siya ay kasama na niya si Nanay Belinda ito lagi ang kasama niya noong panahon na nag tatrabaho ang mga magulang niya at lalong mas naging malapit ang loob niya dito ng mawala ang mga ito.

''Nanay Bel'' tawag pansin niya sa ginang, medyo nagulat pa ito.

''Oh, Brayden nakauwi ka na pala'' he just gave a smile ''sandali lang at mag-luluto ako''

''Im full Nanay, don't bother''

Umupo siya sa sofa at inihilig ang ulo sa sandalan nararamdaman na niya ang pagod pano ba naman ay maghapon silang nag-shopping ni Vivian kung ano-anong luho na naman ang pinabili nito sa kanya. Jewelries, branded clothes, and sandals. Hindi niya alam kung nasusuot pa ba lahat iyon ni Vivian dahil halos araw-araw ito bumibili ng bago at sa kanya lagi ang gastos.

''Pasensiya ka na iho pero pwede ko bang malaman kung bakit nandito ka? Ngayon ka lang ata umuwi'' tanong ni Nanay Bel sa kanya.

Hindi siya nakakauwi sa bahay dahil lagi siyang nandoon sa condo unit si Vivian para pagsilbihan ang pinakamamahal niyang babae and also to make love with Vivian.

''Gusto ko lang po kamustahin si Stella sa inyo, Nanay Bel''

''Ay oo nga pala anong oras na at hindi parin umuuwi ang kapatid mong yon. Kanina pa yon umalis''

Parang biglang nawala lahat ng pagod niya sa narinig. It's already 11:16 in the evening, saan naman maaaring magpunta si Stella at ganon katagal ito. Sa pag kakakilala niya sa kanyang kapatid ay hindi ito mahilig lumabas o gumala pwera na lang kung kasama siya.

''Umalis? Where did she go?''

''May date kuno siya'' natutuwang sabi ni Nanay Belinda ''Nako, ang ganda ng ayos non kung nakita mo lang. Sabi ko nga sa kanya ipakilala sa akin yung maswerteng lalaki na yon''

Hindi na niya pinansin si Nanay Belinda dahil napuno na ng inis ang buong katawan niya. Sa sobrang pagtutuon niya ng oras kay Vivian ay hindi na niya namamalayan na unti-unti ng lumalayo si Stella. Paano na lamang kung makahanap ito ng nobyo at hindi man lang sabihin sa kanya. Maraming negatibong bagay ang pumapasok sa utak niya pero hindi man lang sumagi sa isip niya na hindi siya kayang iwan ni Stella dahil siya ang gustong makasama nito habang buhay.             

ADOPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon