CHAPTER 2

907 30 0
                                    

''Look Stella! Kanina pa sayo nakatingin yung guy sa sulok'' sabi sa kanya ni Maiden habang tinuturo ng palihim yung lalaki na tinutukoy nito

Tiningnan ito ni Stella at mukhang tama nga si Maiden dahil pagtingin niya sa lalaki ay ngumiti ito. Kahit madilim ay alam niyang gwapo ang lalaki. Umiwas agad siya ng tingin, kahit gaano pa ka-gwapo ang iharap sa kanya kung hindi naman ito si Brayden ay wala ring silbi at isa pa wala siyang balak makipag hook-up sa bar. Gusto lang niya maglabas ng sama ng loob.

''Just drink, Maiden. Alam mo namang wala akong panahon sa ganyan'' sagot niya sabay inom ng margarita. Tumingin siya sa kanyang paligid, unang beses niya palang makapunta sa ganitong lugar para kanya hindi ito boring pero hindi rin nakaka-enjoy dahil puro naglalampungan sa ibat-ibang parte ng bar ang nakikita niya. Napailing na lang siya, ramdam na niya na medyo umiikot ang paligid niya.

''Oh God, Stella! You look stunning tonight, why don't you try na makipag hook-up sa mga lalaki dito. Sinasayang mo yang ganda mo sa Brayden na yan''

Napabuntong hininga na lang siya at muling tumungga ng isang shot ng alak na iniinom niya. Maiden is her bestfriend at alam nito ang lahat ng kaganapan sa buhay niya pati na rin ang pagkagusto niya kay Brayden at nagpapasalamat siya dahil hindi siya nito hinusgahan yun nga lang mainit ang dugo ng kanyang kaibigan kay Brayden kaya imbes na suportahan siya sa pagtingin niya kay Brayden ay pinipilit pa siya nitong makipag-date sa ibang lalaki at umabot na sa punto na ito na ang gumagastos para sa mga date na wala siyang kaalam-alam.

''You know how much I love Brayden'' panimula niya at agad nanubig ang kanyang mga mata ''Gustuhin ko mang pigilan yung nararamdaman ko dahil alam kong mali p-pero wala eh mahal ko talaga siya'' tumingala siya upang pigilan ang nagbabadyang luha pero sadyang taksil ito dahil tuluyan na itong bumagsak. Hindi na niya matandaan kung ilang beses siyang umiyak ng dahil lang kay Brayden.

''I-Ilang beses niya man akong paiyakin, ipagtabuyan, at iwan. My heart keeps loving him''

Maiden gave her another shot ''Here, drink it until your heart temporary forget the pain'' kinuha niya ang ibinigay ni Maiden at diretso itong tinungga and later on she found herself dancing with the crowd on the dancefloor. Maiden was right liquor can help to ease the pain.


It's already 12:46 at patuloy parin si Brayden sa paghihintay kay Stella. Pinatulog niya na rin si Nanay Belinda na nag-aalala din sa kapatid niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, galit siya sa sarili niya at naiinis naman siya kay Stella pero mas nangingibabaw ang takot at pangamba sa kanya na baka may nangyaring masama sa kapatid niya wala pa naman siyang kilalang kaibigan nito.

''I-I want to dance, l-let me go''

''Stop it girl! You already drunk''

Bigla siyang naalerto ng marinig ang boses ni Stella kaya dali-dali siyang pumunta sa kinaroroonan nito at nakita niya si Stella na inaalalayan ng isang babae. Pinasadahan niya ng tingin si Stella at sa pagkakataong yon ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan. Hindi niya maialis ang tingin sa kapatid niyang si Stella. Sa buong taon na magkasama sila hindi niya nakita si Stella na nakaayos ng ganon at kahit ang pananamit nito ang ibang-iba sa paningin niya.

''W-what happened to her?'' he asked, inirapan siya ng babaeng nag-aalalay kay Stella

''Obviously, lasing si Stella''

Napakunot na noo niya sa inasta ng kasama ni Stella, kilala ba niya ito at ganoon na lang siya nito sungitan. Kung revealing na ang suot ng kapatid niya ay halos maghubad naman na ang babaeng kasama nito pero hindi man lang bumilis ang tibok ng puso niya hindi katulad kay Stella.

''Alam kong lasing siya, what I mean was, why did she drunk?''

''Yeah, whatever!'' sagot nito at muli siyang inirapan ''Where's her room?'' dagdag pa nito at nilampasan siya

''Give Stella to me woman. Im her brother and I don't even know you'' akmang kukunin na niya si Stella ng inilayo ito sa kanya na ikinainis niya.

''What the heck is your problem? Ibigay mo sa akin si Stella''

Lalo lang dinagdagan ng kasama ni Stella ang inis niya. Kung hindi pa ito titigil ay baka masigawan niya ito.

''Im her friend and as her friend I just want to tell you the YOU'RE A FUCKING NUMB! I don't know what Stella saw in you!''

''What the hell are you talking about?''

Hindi na siya sinagot ng babae and gave Stella to him gusto niyang malaman kung bakit ganon na lamang ang inis sa kanya ng babae at mukhang kilala na siya nito.

''Take care of my friend asshole!''

Yun lamang ang huling sinabi sa kanya bago ito pakembot-kembot na lumabas ng main door. He looked to Stella at halatang lasing na lasing ito. Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito na natural na mapula at napako ang tingin niya sa dibdib nito dahilan para mapalunok siya.

''I h-hate y-you'' bigla siyang natauhan ng magsalita si Stella at hinampas pa ang dibdib niya.

''You what?'' tanong niya dito, kahit narinig na niya naman ang sinabi ni Stella. May kung anong kumurot sa damdamin niya ng marinig ang mga salita na yun kay Stella kahit hindi siya sigurado kung para sa kanya ba talaga ang mga iyon.

He carried Stella like a newly wed ''I hate you Brayden'' tila binuhusan siya ng malamig na tubig, may luhang tumulo mula sa mga mata ng kapatid niya. Just great! His sister hates him now.

He kissed Stella on the forehead ''Im so sorry My Princess'' he said, at umakyat na sa hagdan para ihatid ang kanyang kapatid sa kwarto nito. Kailangan niya na talagang bumawi sa kapatid niya at sana lang ay hindi pa huli ang lahat. Magalit na lahat ng tao sa kanya wag lang si Stella.



Stella woke up with a headache, ito na ata ang pinakamalalang headache na naranasan niya in her entire life and then she remembered what happened last night. She was drunk and that was the first time and probably the last dahil wala na siyang planong pumunta pa ulit sa ganong lugar.

Napansin niyang wala siya sa kanyang kwarto dahil kulay gray ang kurtina na naka-kabit sa bintana at ganun din ang kumot na nakabalot sa kanya at malinis ang paligid unlike sa kwarto niya na kulay pastel pink ang mga gamit.

''You're awake'' bigla siyang kinabahan ng marinig ang boses na yun dahil alam niyang kay Brayden nagmula iyon na ngayo'y nakatayo sa gilid niya. Nagsisisi siya kung bakit siya naglasing kagabi. Hindi naman niya alam na nandito si Brayden.

''What am I doing here, kuya?'' she asked without making an eyecontact dahil pakiramdam niya ay galit ito sa kanya. Kahit sino naman siguro magagalit sa ginawa niya ni hindi niya alam kung anong oras at paano siya nakauwi kagabi.

''Why are you fucking drunk last night, Stella? We were so worried about you last night''

Napayuko na lang siya, hindi niya alam kung anong idadahilan niya malamang nag-alala din si Nanay Belinda sa kanya dahil ang alam nito ay may kasama siyang lalaki at malamang alam na rin yun ni Brayden. Magsasalita na sana siya ng bigla niyang maalala ang pinag-usapan nila ni Maiden kagabi.

<<FLASHBACK>>

''Stop crying na, Stella'' pagpapatahan sa kanya ng kaibigang si Maiden. Hindi pa naman siya ganon kalasing pero grabe ang emosyong nararamdaman niya.

''Help me, Maiden. Gusto ko ng burahin itong nararamdaman ko kay Brayden'' ewan, habang nagsasayaw siya ay pumasok bigla sa isip niya ang bagay na yun. Gusto na niyang saktan ang sarili dahil hindi niya alam kung ano ba talagang gagawin niya, kanina ay umiiyak siya dahil hindi siya mapansin-pansin ni Brayden ngayon naman ay umiiyak siya dahil gusto na niyang mawala ang nararamdaman niya.

''Oh God, Stella! Finally!'' maarteng saad ni Maiden habang maarte pang nakahawak sa dibdib ''Pero I don't have any solution kung paano mawawala yang feelings mo, you know that I never experienced that na mabaliw sa isang lalaki like, eww there so many boys in the world''

Maiden, her friend is a very beautiful woman kaya hindi na siya magtataka kung bakit maraming lalaki ang umaaligid dito pero ang nakapagtataka lang ay wala itong sineseryoso, siguro dahil na rin sa hindi tipo ng kanyang kaibigan ang mga lalaking nakakasama nito.

''What if, mag-revenge ka? Like, girl! Ewan ko na lang kung hindi lumapit sayo yang Brayden na yan''

''H-How?'' she desperately wants to erase her feelings awhile ago pero tila napakaganda para sa kanya ng naisip ng kanyang kaibigan.

''Don't obey his word, Stella. Tease him, provoke him, and barahin mo lahat ng sasabihin niya. Stop being a good sister, for sure maninibago yun and he'll make a way para magkalapit ulit kayo''

''But---''

''No buts, Stella. Look, lagi na lang ikaw ang natatalo you never fight back even to that girlfriend of your so called brother. Kaya hindi ka mapansin-pansin ng Brayden mo dahil sa sobrang kabaitan mo try to be a bitch sometimes, Stella isama mo na rin yang Vivian sa revenge mo, although, hindi ko pa siya nakikita but base sa mga kwento mo gusto ko ng masuka kaya please, please, please do what I've said, okay?''

<<FLASHBACK END>>

Tama ang kaibigan niya, masyado na siyang nagiging mabait ni minsan ay hindi niya naisipang lumaban kahit inaapi na siya pero not this time dahil wala namang mawawala kung gaganti siya.

ADOPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon