CHAPTER 25

606 21 1
                                    

STELLA's POV:


Nakaupo ako sa couch habang nakatingin lang sa dalawang batang naglalaro at si Brayden naman ay nakaupo din sa isang couch na kaharap ng sa akin, hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakatingin siya sa akin. Umayos ako ng pag upo at kinuha ang magazine sa center table, magbabasa na lang ako para hindi ako mag mukhang ewan dito.


Buklat lang ako ng buklat ng magazine, hindi ko magawang magbasa dahil ramdam ko parin na nakatingin siya, konti na lang talaga ibabato ko sa kanya itong magazine hindi ba sya napapagod kakatingin. Sa sobrang inis ay padabog kong ibinagsak sa table yung magazine at masamang tinignan si Brayden pero nagkibit balikat lang yung loko at saktong dumating si Nanay Belinda


''Luto na ang pagkain pumunta na kayo sa kusina at kumain, gutom na yang mga bata''


''Sige po Nanay susunod kami'' tumayo ako at lumapit sa dalawang bata ''Come here, boys. I will wipe your sweats because we are going to eat and after that we will clean your bodies and you two are going to sleep''


''Can Ax sleep with Charlie?'' napangiti ako sa tanong ni Ax, namiss nya sigurong makipaglaro sa mga kaibigan niya


''Sure babe, is it ok with you Charlie?'' I asked at nakangiting tumango naman si Charlie, I kissed their forehead ''Go to the dining room, Nanay Belinda is waiting for us''


Agad na tumakbo yung dalawa papuntang kusina, I never thought na magkakasundo yung dalawa. Tumayo ako at inayos yung gamit ni Ax ng maramdaman ko na naman ang dalawang braso sa aking likuran na pumulupot sa bewang ko.


''Brayden''


''P-please, stop pushing me away, Stella'' naramdaman kong humigpit yung yakap niya ''Please, lets talk I want to tell you everything and I want to know everything, Stella''


I close my eyes, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman na nagmamakaawa siya ngayon sa akin, ano bang mangyayari kung bibigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag, tapos na ang lahat may anak na siya at may anak na rin ako hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami para sa isat-isa? We can still be friends para lang kay Ax


''I want to know why did you left me without hearing my side, why did you hide my son a-and why are you acting that you didn't love me, My Stella''


''I already told you, Brayden''


''Pero bakit parang hindi ko maintindihan, Stella. Are you really telling me the truth? I know you Stella, I know kung kailan ka nagsasabi ng totoo at alam ko kung kailan ka nagsisisnungaling''Tinanggal ko ang braso niya sa bewang ko at hinarap siya na sana ay hindi ko na ginawa, he's crying


''B-Brayden''


''You are my life, Stella at parang pinatay mo ko nung araw na umalis ka, I want to hate you for doing that but I can't at ngayon malalaman ko na maya anak tayo, sabihin mo sakin Stella, may dapat pa ba kong malaman? ''


Seeing him crying makes me weak, ayokong makita siyang ganito parang nahihirapan din ako


ADOPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon