CHAPTER 11

639 15 0
                                    


3RD PERSON's POV:

''Sino kayo?! Bakit niyo kami pinahuli?!''

Agad na sinampal ni Mrs. Allison ang dalawang lalaki na nasa harapan niya ''Mga hayop kayo! Nasaan ang anak ko?! Give me back my daughter!'' biglang namutla ang dalawang lalaki na nakaposas. Nasa presinto ang mag-asawang Mendez dahil nahuli na ang dalawang kidnappers.


''W-wala kaming alam sa sinasabi mo'' depensa ng isang lalaki na parang liliparin na ng hangin sa sobrang payat. Agad kinuwelyuhan ito ni Mr.Mendez


''NASAAN. ANG. ANAK. KO!'' inawat ng mga pulis si Mr.Mendez. Halatang takot na takot ang dalawang lalaki dahil nanginginig ang mga kamay nito.


''Umamin na kayo, parehas lang naman, makukulong at makukulong parin kayo tsk..tsk..'' singit ng isang matabang pulis


''W-wala sa amin ang anak niyo''


Muling nakatanggap ng isang malutong na sampal ang kidnapper na payat ''Sinungaling! Ibalik niyo sa akin ang anak ko!''


''T-totoo p-po ang sinasabi niya, w-wala po sa amin ang anak niyo, p-pina ampon po namin ang anak niyo, p-patawarin niyo po kami parang a-awa niyo na'' lumuhod ang isang kidnapper na may kulay ang buhok sa harap ng mag-asawa


''S-saan niyo dinala si Anatalia?'' tanong ni Mrs. Allison na medyo kumalma na. Hinawakan siya sa kamay ng lalaking nakaluhod


''P-patawarin ni--'' inalis ni Mrs.Allison ang mga kamay ng lalaki sa kanya ''Saan?! Sagutin mo ko!''


''Sa bahay ampunan po, m-malapit sa simbahan ng San Lorenzo''


Tinulak ni Mr.Mendez ang lalaking nakaluhod dahilan para matumba ito at tsaka binalingan ang pulis ''Ikulong niyo na sila''_________________________________________________________Abala sa paglilinis si Nanay Belinda sa kwarto ni Brayden ng bigla niyang masagi ang isang picture frame dahilan para mabasag ito 


''Ay, Jusko!'' bigla siyang nakaramdam ng kaba ng makita kung anong litrato ang nasa picture frame na nabasag, litrato ito ni Brayden at ni Stella.

''H-Huwag naman po sana, O Diyos ko'' bigla niyang naalala ang babaeng kamukha ni Stella. Ilang linggo na ang nakakalipas pero hindi niya makalimutan ang pangyayaring yon. Hindi na niya kinuwento kay Brayden dahil ayaw niya itong mag-alala. 


Hinihiling niya na sana ay mag-kamukha lang at walang koneksyon sa isat-isa ang doktor na nakabangga niya at si Stella.

_________________________________________________________''I want to wear this dress, Brayden'' pagmamaktol ni Stella kay Brayden. Paalis na sana sila ni Brayden, mamasyal daw sila pero nang makita siya ni Brayden ay pinapapalitan nito ang suot niya. It's just a backless dress pero hindi parin pumayag si Brayden.


Ilang linggo na rin ang nakakalipas ng simulan niya ang plano at ang saya niya dahil mukhang epektibo ito dahil lagi silang mag-kasama ni Brayden at madalas din ito tumabi sa kanya sa pagtulog pero nakikipagkita parin ito kay Vivian. Ang hindi niya lang magawa ay ang mag suot ng revealing na damit dahil nagagalit si Brayden kahit paglagay ng make-up ay pinagbabawalan siya nito.

ADOPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon