CHAPTER 7

684 25 0
                                    


STELLA'S POV:


It's been two weeks simula nung mangyari yung surprise thingy ni Brayden at two weeks ko na rin siyang hindi pinapansin dahil bukod sa naiinis ako ay laging nakalingkis yung Vivian the bitch sa kanya.


Totoo talaga yung sinabi ng gaga na titira siya dito because her house is under renovation daw like, WtF! Can't she make better excuses than that? It's too obvious na gusto lang niyang maki epal dito sa bahay.


Katulad na lang nung nakaraan sabay-sabay kaming nag-almusal ang as usual si Vivian lang ang dada ng dada tapos dumaan siya sa gilid ko kung nasaan yung juice tapos bigla itong tumapon sa kanya tapos nagsumbong kay Brayden na sinadya ko daw yon. Is she crazy? Sinong tanga ang maniniwala sa kanya eh abala ako sa pagkain ko non, himala nga at hindi siya pinansin ni Brayden kaya nag walked out na lang siya.


At ngayon nandito ako sa swimming pool area sa mansion, since wala dito si Brayden dahil pumasok sa kumpanya, I wore my gray two-piece. I don't do work out pero nag tataka ako dahil ang kurba ng katawan ko at malaki ang balakang ko.


I am wondering kung anong itsura ng biological mom ko, kung sa kanya ba ako nag mana. Although, pinabayaan ako ng biological parents ko I will never be mad at them, for sure they have a reason kung bakit nandoon ako sa bahay ampunan noon


"Iha, hindi ka ba nilalamig sa suot mo?" napangiti ako, It's nanay Belinda nilapag niya ang tinimpla niyang orange juice sa katabi kong table

.

Brayden and I are so lucky to have her in our lives. Siya lagi ang nag aalaga sa akin tuwing umaalis noon si Brayden para pumasok sa kumpanya.


"Hindi naman po nanay, salamat po dito sa juice" magalang kong sabiHinaplos niya ang pisngi ko, magaspang ang kamay ni nanay dahil na rin siguro sa kakatrabaho


"Napakaganda mo talagang bata ka, kaya hindi na ko nagtataka kung bakit maraming nanliligaw sayo''


Natawa ako sa sinabi niya at kinuha ang kamay niya sa pisngi ko "Ikaw talaga nanay, lagi mo na lang akong pinupuri"


Napatawa nalang kami ni nanay "Hindi mo ba yayayain dito yung gelpren ni kuya Brayden mo? Mukhang bagot na bagot na dun sa loob"


Oo nga pala, naiwan dito yung bruhildang yon. Hindi ko kasalanang mabagot siya wala naman kasing nagsabing tumira siya dito, may pera naman ata siya pang hotel. Sana mamatay na lang siya sa sobrang bagot.


"Hayaan niyo na lang ang bruha na yon nanay, Huwag mo na lang pansinin alam mo namang kamag anak ni satanas yung babaeng yon"

Totoo naman eh, baka nga siya mismo ang anak ni satanas, wala na siyang ginawang tama simula nung dumating siya sa buhay ni Brayden.


"Ikaw talagang bata ka, pero tama ka mukhang hindi siya naturuan kung paano gumawa ng tama"


Nagtawanan kami ni nanay Belinda. Isa ito sa mga gusto ko kay nanay Belinda imbes na sawayin ako ay sinasakyan niya pa ang trip ko.


ADOPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon