Kabanata 2

6 0 0
                                    

#NFAKab2

Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Hindi ko alam kung saan at paano, kung bakit ako nagkakaganito sa tuwing may lalaking nahawak sa akin.

Isa din ito sa dahilan ko kung kaya't wala akong kaibigan, mapa-babae man o lalaki. Hindi sa takot ako sa babae, its just that, whenever there's a girl syempre hindi maiiwasang may kaibigan o kakilala silang lalaki.

Ayun ang iniiwasan ko, kaya naman para malagay ako sa tahimik ay hindi ako kailanman nakipagkaibigan.

This...etong nangyayari sa akin...hindi sinasabi sa akin nila Mama kung ano at bakit ako nagkakaganito.

Nawala ang panginginig ko pero bigla akong napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Hindi ka na makakalabas dito!" Sigaw sa isipan ko at narinig ko ang malademonyo niyang tawa. "Hindi ka na maililigtas ng tatay mo! Baka patay ka na bago pa siya makarating dito!"

"Ah!" Napayuko ako at mas lalo kong hinawakan ang ulo sa senaryong pumasok na iyon.

"Oh my gosh..." Narinig kong naiusal ni Phillie.

Ang sakit...ang sakit sakit.

"Hey..." Ani nung lalaki bago ko naramdaman na lumapit sa akin. I can smell his perfume...napaka bago at panglalaking panglalaki.

Naramdaman ko ang magaan niyang hawak sa kamay ko at tinatanggal iyon sa pagkakadiin sa ulo ko.

Himalang wala akong naramdamang takot sa hawak niya.

Kung sabagay, kakaiba ang hawak niya. I can feel his gentleness in every touch. Parang alam niyang mababasag ako kapag diniinan ang hawak sa akin.

"The hell did you do?" Singhal niya hindi nakatapat sa akin, napaatras ako dahil sigaw niya. "Hey... I'm sorry, it's not meant for you..." Alo niya.

"What the...w-wala! Wala pa naman akong ginagawa!" Narinig kong sigaw ni Phillie. "Anong...oh gosh! Why is she trembling?!"

"Miss... what's happening? Are you hurt?" Tanong niya sa akin. "It's okay, come on...tell me. Anong ginawa nila sayo?" Malambing na tanong niya.

"Really Kuya Mad? You're not believing me?!" Iritadong sigaw ni Phillie.

"WHAT THE FUCK?"

Nang marinig ko iyon ay inangat ko ang paningin ko.

It's Jea.

"What the fucking fuck are you doing to my sister?!" Malakas na sigaw ni Jea. Ramdam ko sa bawat bigkas niya ang galit.

"J-jea..." Nauutal na tawag ko.

Naramdaman kong gumalaw ang lalaki sa harap ko kaya napatingin ako sa kanya.

He's looking at me worriedly.

Nanatili ang mga mata niya kahit narinig ang sigaw ng kapatid ko. Ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko, na nakalagay sa tainga ko ay bahagya niyang ginalaw.

"Don't worry now. May masakit ba sayo?" Tanong niya. Nananatiling malambing ang boses.

"Let go off my sister!" Kahit na maliit si Jea at malaking lalaki ang nasa harap ko ay nagawa ni Jea na mailayo ang lalaki sa akin.

Hindi ko alam kung anong pakiramdam iyon pero parang...nanghinayang ako sa pagkakabitaw ng lalaki.

Sa hawak niya kasi kanina ay para akong hinehele, ramdam kong ligtas ako...

"Kayo! What the fuck did you do to my sister?!" Nanggagalaiting sigaw ni Jea sa kanila, itinuro niya din yung lalaki. Hinawakan ko ang braso niya tanda ng pagpapatigil ko sa kanya. "Ate! Kung sayo ay mapapalampas mo pa 'to, sa akin hindi!"

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now