Prologue

8 1 0
                                    

#NFAPrologue

"Next week will be our midterms! Review our lessons so you won't miss any questions. That's all for today. Goodbye students!"

My last period professor said as she exited the classroom. I heard my classmates groaned in protest. Ngumuso ako at hinarap ang aking mga gamit para simulan na ang pag aayos. Hinintay ko munang umunti ang mga naglalabasan, para hindi ako makipagsiksikan mamaya.

Habang nag aabang ay narinig ko ang kwentuhan ng ilang natirang kaklase, iyon ay grupo ng mga kababaihan na nagpupulbos at liptint.

I don't understand why they are putting that kung uuwi na din naman?

"After the exams magpapaparty ako sa mansion!" I heard one of them giggled. It's Phillie, our campus face.

"Omyggg! Wala ba ang parents mo? I thought you're not allowed to do that, because last time you had a party someone got pregnant!" said one of her friends, rolling her eyes.

"And for the record she's the second." One of them also said.

"That's because they are flirt!" depensa ni Phillie.

I sighed and look at the door. Ngumuso ako at tumayo na ng makitang wala ng masyadong tao.

I don't want to hear Phillie and her friends talking, baka sabihan pa kong tsismosa.

Pagkalabas ko pa lang ay napaatras ako dahil sa lalaking tumatakbo.

"Sorry Miss!"

I shrugged it and continue walking. Tuwing may madadaanan akong lalaki ay iiwas ako o gigilid upang hindi matamaan. Hindi sa maarte ako but somehow, yeah. Ayoko lang talaga na madadali ako ng mga lalaki kinikilabutan kasi ako. Except with my family of course.

Pagkauwi ko ay sumalubong sakin ang kapatid kong babae na si Jea.

"Wala si Mama umalis." her sharp eyes darted at me.

Kung tumingin kasi ito ay kala mo may kaaway palagi dahil sa matang matatalim. Natural na sa kanya iyon, kahit malumanay ang pagsasalita ay hindi na mababago ang pagkatalim ng mata. Kaya walang kaibigan e.

Gusto ata akong gayahin.

"Sinong nagtanong?" I smirked. She rolled her eyes bago ipagpatuloy ang panonood ng Kdrama, na naman.

Tumuloy ako pataas sa kwarto namin upang magbihis, hindi kami mayaman at hindi rin mahirap, kung baga sakto lang. Ang bahay namin dito sa Cavite ay sumasakto sa aming anim.

Although as of now ay dalawa na lang kami ni Jea ang palaging tatao dito sa bahay, sina Mama kasi ay minsan na lang uuwi dito dahil nagbase na sila sa Maynila

Ang Mama at Papa, si Papa ay bumalik na sa dati niyang trabaho, ang pamamahala sa company sa Maynila. Habang si Mama naman ay nasa bahay lang. Ang panganay naming si Ate Jazz ay nasa Maynila tuwing weekdays at nauwi kapag weekends. Ako ang sumunod sa Ate, habang pangatlo si Jea at ang bunso naming si Tristan Drake.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nagbihis agad ako at gumawa ng ilang homeworks, I'm taking Fashion designing. Mahilig akong gumuhit ng may kinalaman sa fashion. I'm on a third year college at isang year na lang gagraduate na ako at matutulungan na ang pamilya.

Hindi naman kami kapos actually hindi nga ata kami maghihirap, ayon sa narinig ko ay mayaman ang mga Lopez sa Maynila.

Hindi namin ito alam noon, alam lang namin ay kami lang at matagal na kami dito sa Cavite...nito lang namin nalaman na Lopez kami, na mula sa Maynila, si Ate Jazz lang ang nakakaalam. Kaming tatlo? Hindi.

Sa kapaguran ko ay hindi ko namalayang nakatulog na ako sa paggagawa ng takdang aralin.

"Ate Lea! Mama's here!" naalimpungatan ako sa sigaw ni Jea na iyon.

Inayos ko agad ang mga gamit bago bumaba at tulungan si Mama sa kusina.

Ngayong araw ay umuwi sina Mama dahil gusto daw niya kaming kamustahin. Ilang linggo kasi simula ng kami ni Jea na lang ang naiwan dito.

Naabutan ko sa baba si Jea at Trade na may kanya kanyang gawain. Si Jea ay nagcecellphone ang bunsong si Trade naman ay nasa iPad ang mata.

I bet he's reading something again.

Wala pa sa legal na edad ay mulat na sa issues ang batang iyan. Turuan ba naman ni Jea at Ate Jazz ewan ko na lang.

Bata pa lang ay tinuruan na kami ni Papa ng iba't ibang self defense nung una ay hindi ko alam kung para saan iyon, pero noong malaman namin na anak kami ng isang sikat na dating CEO sa Maynila ay naintindihan ko na.

Hindi ko nga alam kung paanong si Papa eh dating CEO na tinitingala ay biglang bumagsak sa malayong lugar at nagtago. Nasagot iyon noong sinabi ni Ate Jazz.

Sa aming magkakapatid ay si Ate Jazz ang madaming alam. Simula kasi high school siya ay lagi ng nasasangkot sa mga kaguluhan, masyado siyang siga at pasaway. Kahit na inosente ang mukha ay hindi ka dapat na magpadala, she's not innocent as you think.

Sumunod ay ako na hindi masyadong nakiki-socialize. Since when I was young hindi na talaga ako nakikisalamuha sa ibang tao maliban sa pamilya ko. I don't even remember things I did when I was young. Sinabi lang iyon ni Ate.

Sumunod sa akin ay si Jea, siya ang may pinakamasungit mukha. Hindi pa man nagtataray ay mapagkakamalan na. Kabaliktaran kay Ate Jazz, magkamukha sila pero magkaiba ang first impressions. Laging si Ate inosente kahit na si Jea iyon, at si Jea naman ang masungit kahit si Ate iyon.

And lastly si Trade. Tristan Drake is our youngest. Even youngest in the whole Lopez clan.

Kung si Ate Jazz ang masungit, at mukha ni Jea ang masungit... Si Trade ang pinagsama noon, masungit na nga ang mukha ay masungit pa. Kumbaga siya iyong out of place, not because he is but because he wants to be out of place.

Masasabi kong kay Mama siya pinakamalapit.

Napailing na lang ako sa mga kapatid ko.

Pumasok ako sa kusina at nakita si Mama'ng nag aayos ng kanyang mga pinamili.

"Masyado atang marami to, Ma?" I asked. Napatingin agad siya sakin.

"Ah... Uuwi din kasi ang Ate mo kasama ang nobyo niya, mamaya lang din nandito na yun." sabi niya bago humarap sa pinamili.

Tinulungan ko siya sa pag aayos at pati na din sa pagluluto.

Kinagabihan ay dumating nga ang Ate kasama ang boyfriend niya.

"Trade stop looking nonsense about my boyfriend, will you?" Ate's loud voice boomed. Napailing na lang ako.

Mukhang madadagdagan ang ingay sa bahay huh?

"Tss." napangisi ako sa sagot ni Trade. Lumabas ako at nakita si Ate na ginugulo ang buhok ni Trade.

Natawa si Ate ng samaan siya ng tingin ng huli.

"Hoy Jea! Badtrip ka tadtad ka nang tadtad sakin ng message!" Inaambaan niya si Jea ng kaltok ng tumawa iyon.

Natatawang tumabi ako kay Jea.

"At ikaw Lea!" tinaasan ko siya ng kilay.

What? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.

"Ang pangit mo! Umalis ka nga, nakakairita kaputian mo." Iritadong sambit niya bago walang habas na umupo sa tabi ni Trade.

Natatawang umupo din si Kuya Patriccc sa tabi niya. "Baby ang moody mo ah?"

"Ay sala ka diha! Buntis ka Ate?!" napahawak ako sa tainga ko ng isigaw 'yon ni Jea, pero agad ding nanlaki ang mata ko!

What?! Buntis si Ate?!

Her eyes widen pati si kuya Patriccc. Nakarinig ako ng kalabog sa kusina kaya Napatingin kami doon at nakita si Mama'ng nanlalaki ang mata at may hawak pa na sandok.

"Buntis ka Danvien Jazz Lopez?!" sigaw niya din kaya napahawak ulit ako sa tainga ko, ganun din ang ginawa ni Trade.

Nalaglag ang panga ko ng may marinig ang pagkabukas ng pinto. Halos lumuwa ang mata ko pagkakita kay Papa doon.

The hell? Mababaliw na talaga ako sa pamilyang ito.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now