Kabanata 22

6 0 0
                                    

#NFAKab22

We didn't give up.

We were on our way to go home when Maddeon made some calls.

Pinagpahinga niya din ako habang nasa byahe dahil kanina ay puro iyak ako.

"And Paolo, I believe I still have Mr. Lagdameo's contact number, the Doctor abroad. Set an appointment with him. By the way, I am giving you a double works but I assure you I will raise your wage, the construction of the new building in Laguna...I want you to focus on that. I cannot visit the conctruction but after that I will mandate the rest." Marami pang sinabi si Mad sa kausap niya.

Sunod sunod iyon at hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami. Siguro ay sa pagod at kakaiyak ko ay tulog pa ako noong nakarating sa bahay, nagising na lamang kasi ako na nasa kwarto na ng bahay namin.

Si Mad ay nasa sofa at kaharap na naman ang kanyang MacBook.

Maya maya ay biglang tumunog ang kanyang phone. He answered that without glancing who is it.

Noong may magsalita sa kabilang linya ay kumunot ang noo niya.

"Graiza? How many times do I have to tell you not to call and bother me again?" He said irritated.

Unang salita pa lang na lumabas sa kaniyang bibig ay nakuha na niya agad ang atensyon ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa sinabi niya.

So that means this is not the first time na tinawagan siya ni Graiza?

Hindi sinasadyang napagalaw ako kaya napalingon sa akin si Mad.

"Don't you ever call me again." pagkasabi noon ay ibinaba niya ang phone.

Nag-iwas ako ng tingin. At dahil nahuli niya na naman ako ay hindi ko na kailangan pa na magpanggap na walang narinig.

Umahon ako sa higaan at inayos ang kama.

"Hey..." naramdaman ko agad ang pagyakap ni Mad sa aking likuran. "Are you hungry now? Do you want to eat something?" malambing na saad nito.

"Wala." I said dryly. Pumikit ako ng mariin bago huminga ng malalim.

Shit! Wag kang pahalatang naapektuhan ka doon Leattin!

Pilit ko mang itanggi ay insecure ako.

Sa lahat ng tungkol kay Graiza. No scratch that, I am jealous.

Una ay dahil nauna siya, at limang taon ang itinagal nila! Kahit pa hindi naman gaano silang nagkikita ay hindi biro na tumagal sila ng ganoong taon. Paano pa kaya akong ilang buwan pa lang naman niyang nakilala? I can't help but to compare.

Second, she's a businesswoman...may trabaho, may natapos. Maganda at matured na matured ang itsura.

Samantala ako ay hindi pa nga nakakapagtapos at wala pang trabaho pagkatapos ngayon ay buntis!

Hindi rin gaanong kamatured ang itsura ko at mahahalatang bata pa. Well not technically but I looked more young compared to my age.

"Leattin..." nagsusumamo niyang tawag noong tanggalin ko ang kanyang braso sa katawan ko.

Humabol siya sa akin at bubuksan na sana ang pintuan kaya lang hinarang niya ang kanyang kamay kaya hindi ako nagtagumpay.

"What is it? Baby..." He called softy.

Hinarap ko siya at seryosong tumingin sa kanya.

I am jealous of Graiza, damn it!

Gwapo si Mad at bagay na bagay sila, parehas may tinapos at nagtatrabaho... nagtagal ng limang taon at parehas na matured.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now