Kabanata 3

3 0 0
                                    

#NFAKab2

Naalimpungatan ako kinaumagahan ng maramdaman ang mabigat na bagay ba nakapatong sa tiyan ko.

Nangunot ang noo ko dahil hindi naman ganito kabigat ang unan ko. Usually kasi ay mga unan ang kasama ko sa higaan. Dinilat ko ang mata ko at agad na naalala ang nangyari kagabi at kung nasaan ako! Nanlaki ang nga mata ko ng itaas ang kumot na nakapatong sa akin at nakitang wala akong suot na damit.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marealize kung anong katangahang nagawa ko.

Tinignan ko ang may-ari ng kamay na nakapatong sa tiyan ko.

Wala pa mang kumpirmasyon ay nagtuluan na agad ang luha ko. Hindi na kailangan ng confirmation...alam ko...natatandaan ko lahat.

Tinanggal ko ang kamay nung lalaking nakasiping ko kagabi. Hindi ko siya kilala...ang alam ko lang, kapatid ni Phillie ito. Siya yung lalaki sa eskwelahan.

Umangat ako para sumandal sa headboard ng kama at naramdaman ang sakit doon sa ibaba... Isa pang patunay na may nangyari nga.

Dahil sa paggalaw ko ay nagising din ang lalaki. Agad siyang napaupo nang makita ako.

"What the..." Naiusal niya, naalala niya din ata ang nangyari. Tumingin siya sa isang lamesa at nakita ko doon ang mga bote ng alak.

Lasing din siya.

Mas lalo akong naiyak.

Mismo akong kaawa awa na nakasandal sa higaan niya.

Natulala siya at parang napaisip din sa nangyari.

Hindi ko pa maibalik ang tama kong pag-iisip at parang nablangko dahil sa nangyari...

Nakakahiya ito... kapag nalaman ito ng pamilya ko ay tiyak na madidisappoint sila sa akin.

Ako na kilala nila bilang mailap na babae sa mga lalaki, ako na hindi kailanman nakipagkaibigan sa kahit sino dahil takot sa lalaki...

"M-miss..." Maski siya ay hindi ako kilala.

"T-this is w-wrong..." Humihikbi kong saad.

"I'm sorry."

Sumabog ang pinto at nakita ko doon ang nagmamadaling si Phillie. Nang makita ako ay agad na nanlaki ang mata niya bago sumulyap sa kuya niya.

Napapikit siya at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura. Mukhang nanghina sa realisasyon niya.

Naisip niya. Mukhang ngayon lang ako hinanap at natantong ganoon.

"Kuya Mad..." Nanghihina niyang tawag. "Leattin..." Sulyap niya sa akin. "I'm sorry..."

Nangunot ang noo ng kuya niya.

"What did you do?" Malamig na tanong ng kuya niya.

"I'm sorry...I shouldn't left you, Leattin...hindi ko, hindi ko alam, akala ko umuwi ka kagabi kaya hindi na kita hinanap..."

"How did you know that she's here?" Nagdududang tanong ng kuya niya.

"My friend asked me about Leattin, kung nagpaalam ka daw ba sakin. Bigla ka daw kasing nawala kagabi...Oh gosh! I can't believe this..."

Hinanap...

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang kapatid ko! Agad kong ibinalot ang sarili at hinagilap ang mga damit ko. Walang masabi ang magkapatid at ang tanging nagawa lang ay panoorin ako.

Paiyak na si Phillie habang tulala na naman ang kuya niya. Pagkakuha ko sa mga damit ay pumasok ako sa naaalala kong bathroom ng kwarto bago nagbihis.

Walang salita akong lumabas doon at tuloy tuloy na lumabas hanggang sa gate nila. Binuksan ko agad ang phone ko at nakita ang bumabahang tawag at message ni Jea.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now