Kabanata 43

1 0 0
                                    

#NFAKab43

"So you are a family of Chef! Ganon din ang father niyo naiba lang ang spelling." Giana chuckled.

"Yeah, kami lang ni Dad ang naligaw ng landas actually." Phil added and we all laughed.

Second take na ito at nagluluto na si Mad at Jenny. I don't know why these two are together, Maddeon didn't even tell me!

Kanina ko pa siya palihim na sinasamaan ng tingin pero ang loko lokong ito ay nangiti ngiti lang!

Jenny seems happy today, hindi ko lang alam kung bakit.
Nasali rin siya sa usapan at mukhang close sila nung host. Magkaibigan pala sila since high school pa lang kaya naman nagkakaintindihan sila.

Ako lang ang wala masyadong imik dito, well I am not really talkative. At isa pa, hindi naman ang mga ito ang pinunta ko. I am here mainly for the interview later.

"So who's the one cooking in the house?" Tanong ni Giana habang nakadungaw sa niluluto ni Mad.

Nandon na si Mad sa may tapat ng kalan, habang kami ni Phil ay nandito sa lamesa.

We were cutting the ingredients so we have a role here.

Si Maddeon at Jenny ang nagluluto of course.

Hindi rin ako masyado nalapit kay Mad dahil baka mamaya ay ano pa ang magawa niya. Baka hilahin ako nito at yakapin, aamin na ako mamaya kaya mas magandang maghiwalay muna kami.

Wow, parang kanina lang din ay sinabi ko ito ah? Pero ngayon heto at magkasama kami!

"Si Mommy ang nagluluto sa bahay, sometimes the maids, minsan lang kapag nauwi si Kuya kung magluto." Si Phillie na hindi na pinansin ang nasabi. Abala kasi siya sa ginagayat.

"Oh?" lumingon sa amin si Giana. "Chef Arguz is not staying in your house?"

My brows knotted when I saw her look at Jenny, nagkatinginan ang dalawa at nakita ko ang pagtago ng ngisi nila.

My jaw moved when I saw Giana held on Mad's arm, kunyare ay nasilip siya sa niluluto at may pagtingkayad pang nalalaman.

I blew a large amount of air when I saw it.

Napatingin si Mad doon at gumalaw kaya napabitaw si Giana, may inabot si Mad kaya napalayo siya sa babae.

"No. He has his own house." sagot ni Phil.

"Uh-huh...fishy huh?" Tumawa si Giana. "Bakit may secret girlfriend ka ba Chef na tinatago sa bahay mo?"

Nakuha niya ang atensyon ni Mad na bahagyang nakakunot ang noo.

"I'm not keeping anyone." sagot nito bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Ow? Do you have girlfriend Chef? A lot of people have been asking this, sayang lang at walang Q and A for you." umikot ang babae papuntang kanan ni Mad.

"I don't have a girlfriend." sagot ni Mad, ouch ha. Itinaas niya ang kanang kamay bago nagsalita ulit. "But I have a wife."

Nalaglag ni Jenny ang hawak na sandok habang nanlaki naman ang mata ni Giana. These two didn't think Maddeon will answer them straight forward.

"Oh...wow!" pilit ang ngiting iginawad ni Giana kay Mad pero wala na doon ang paningin ng huli.

Abala na naman si Mad sa niluluto niya.

"So you're not single anymore!"

Malamang may asawa na nga e, san ka nakakita ng may asawa na tapos ay single?

Sige tangahan mo pa.

"Yeah, happily married with a kid." diretsong sagot ni Mad na nagpagulat na naman sa dalawa.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now