Kabanata 42

1 0 0
                                    

#NFAKab42

News flash: International model and ambassador Leattin Freciane Lopez caught intimate with a man!

Iyon ang bungag sa aking umaga palang.

Suot ko ang t-shirt ni Mad habang pinagbubuksan ng pinto si Milli na grabe kung makakatok!

Iniwan ko si Mad na nakadapa sa kama at tanging kumot lang ang suot.

"What Milli? I'm still sleepy can't you wait?" Pupungas pungas pa ako ng pagbuksan ko siya.

"Freciane! Shit kailangan mong makita to!"

Kahit antok ay pinilit kong buksan ang mata ko dahil sa sigaw niya. Pinakita niya sa akin ang iPad niya at doon ako nagising ng tuluyan!

Lumabas ako at isinara ang pinto bago hilahin paalis doon si Milli. Anong oras na kaming natulog ni Mad kagabi o kanina...dahil basta.

Kaya paniguradong antok pa iyon at pagod.

Nasa sala sina Phil at ang manager niya, halatang antok pa si Phil kumpara sa manager niyang kumportableng nagkakape, nandon din si Jane at si Fernanda na puro dutdot sa phone.

Busy ang dalawa dahil siguro sa mga tawag.

"Freciane naman! Sa dinami dami ng tao doon ikaw pa ang nabuko?" Maarteng saad ni Fernanda.

Pagkaupo namin ay agad kong binasa iyong headline.

May picture doon na may kayakap ako.

Alam ko iyon...

Ito iyong kagabi na dinala ako ni Mad sa pangalawang palapag at madilim.

Tatlong picture iyon. The first one is I was hugging him, then, I am hooking my hands on his nape then the last one I was kissing Maddeon.

Dahil nakatalikod si Mad ay hindi kita ang mukha niya, pero ako kitang kita ako. Sa maliliit na liwanag na dala ng lightings mula sa dancefloor ay nagliliwanag doon sa pwesto ng nagkuha ng picture.

Napatampal ako sa noo ko ng mabasa ang nilalaman noon.

May pa blind item pa silang nalalaman na isang businessman kuno iyong lalaki.

Siguro kung ibang tao iyon at naexplore nila ang katawan ni Mad paniguradong malalaman nilang siya iyon. Pero syempre ako lang naman ang nakakaalam!

"Grabe kayo ni Kuya, hindi ba kaya ninyong maghiwalay saglit?" Tumawa pa si Phil.

"The news already reached the company. They are giving you a choice. If you want to clear it or the company will do it. Your schedules here are packed and you can't leave yet, hindi ka naman nila pinapabalik but they want to disclose it immediately." Si Milli habang nagtitipa sa phone niya.

Si Fernanda ay busy na sa mga tawag na hula kong endorsements ko.

"Miss Freciane, tumawag ang Papa niyo. Hindi daw kayo macontact pati si Milli kaya sakin na tumawag, gusto niya kayong makausap ng personal daw po." Si Jane naman.

"I will call him later pakisabi, what is it Fernanda?" Tanong ko pagkababa niya ng tawag.

Ngumiti siya.

"Wala namang problema sa endorsements mo, tumawag lang sila para daw sabihin na they want you to clear the issue, tuloy pa rin ang contract."

I nodded then turned my head to Milli when she cursed.

"Bakit?"

"Wala minor hater lang. Dinadamay ang Ate mo kaya pati ang apelyido niyo ay nadadamay, it's alright this is just a troll account." Saad niya.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now