Kabanata 4

3 0 0
                                    

Kung kayo man ay nakain mag SABAW kayo dahil SABAW ang aking update.

#NFAKab4

"This is the last day of class. I hoped that you learned a lot from this school year. Thank you students!"

That was the last words from our third year professor.

Nagmamadali akong mag-ayos ng gamit ko. Excited na akong umuwi!

At isa pa...hindi na din ako makapaghintay na ibalita sa parents ko ang achievement ko ngayon.

Nasa top list ako ng klase, meaning I will be attending the ceremony of recognition this year!

Kahit na palagi naman akong nakakasama sa mga ganito ay naeexcite pa din akong ibalita kina Mama at Papa ito!

Kay Ate na rin! Dalawang linggo matapos siyang makita ay nagising din naman siya, hindi naging madali dahil hindi agad siya nakapaglakad dahil sa mga natamo niya. Mabuti at nakakalad na siya ngayon, salamat sa Diyos.

And the most important thing here is... she's managing the Lopez Designing Furniture.

Grabe ang paghanga ko sa kanya noong malaman kong pamamahalaan niya iyon! Iyon pala ay tinatrain siya ni Papa ng palihim kaya agad niyang nakuha ang pasikot sikot sa kompanya.

A 24 years old woman is now managing a company. Hindi ako makapaniwala. Ang bata ni Ate para pangunahan iyon pero nagawa niya!

Pumara agad ako ng tricycle pagkalabas ng campus. May isa ng nakatigil doon kaya sumakay agad ako.

"Manong sa Greenville Sub po." Ani ko sa driver.

Hindi siya sumagot kaya inabala ko ang sarili ko sa phone ko. Tinext ko si Jea kung andon na ba sina Mama, alam kong alam naman nila Mama na nasa top ako kahit di ko sabihin. Hindi sila uuwi kung hindi nila iyon alam.

Ilang minuto ang lumipas ng may mapansin ako.

Agad na kumalabog ang puso ko sa naiisip. This is not the way on our house.

Sinulyapan ko ang driver at nakitang nakangisi ito habang nakatingin sa unahan.

I sighed. I tried to calm my nerves down. Kinakabahan na ako ng malala lalo noong makita ang isang signage na lumpas na kami sa bayan namin!

"Kuya mukhang iba po ang pagkakaintindi niyo...sa Greenville lang po ako, lampas na ho." Magalang kong sabi kahit na kinakabahan.

"Dyan ka lang hija..." Tumawa siya.

"Uh...pakitigil na ho. Bababa na ako." Sabi ko pa.

"Tumahimik ka na lang dyan. Mas magandang lugar ang pagdadalhan ko sayo."

"Bababa na po ako! Pakitigil manong!" Sigaw ko.

"Manahimik sabi!—" natigil siya dahil may humarang sa daan.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang lumabas.

"Hoy! Hindi ka makakatakas sakin!" Sigaw niya.

Napapikit ako sa alaalang biglang pumasok sa isip. Napatigil tuloy ako dahil kumirot ang ulo ko.

"Hindi mo ako matatakasan! Akala mo ba maililigtas ka pa ng tatay mo? Kung ganon nagkakamali ka!" Malademonyo siyang tumawa.

"Ahhh!" Napahawak ako sa aking ulo sa senaryong pumasok na iyon.

Napaiyak ako ng mas lalong sumakit at naghalo halong memorya ko ang pumasok sa isip.

"Tatakas ka pa huh?!" Napabitaw ako sa ulo ko ng biglang may humablot sa buhok ko at hilahin ako.

I cried in pain when he tweaked my hair.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now