Kabanata 36

2 0 0
                                    

#NFAKab36

"Sir eto na po lahat ng pinapabili niyo." Narinig ko ang sabi ng sekrearya ni Mad sa pinto.

Kasunod non ay ang pagpasok ni Mad bitbit ang dalawang paper bags sa kanyang kamay.

"Here. You can change now, anytime parating na sina Gail dala si Lourrain. If you want we can fetch them outside later." inabot niya sa akin ang dalang paper bag, tinanggap ko iyon bago tumayo.

"Nakapunta na ba dito si Lourrain? How long are you staying here and...sino ang naiiwan kay Lourrain kapag nandito ka? Hindi posible na ito ang unang pagkakataon, I saw you in that event last last week." Natutop ko ang bibig ko dahil sa sunod sunod na tanong.

Nakita ko ang dahan dahan niyang pagngisi.

"You saw me but still you ran huh?" ramdam ko ang galit sa tinig niyang iyon.

Tumuwid ako ng tayo noong humakbang siya palapit, I didn't step backwards to let him know that I wasn't scared. But dammit I am!

"Twice. I went here twice without Lourrain. At kapag umaalis ako isang araw lang minsan, nauwi din ako agad para kay Lourrain." tumigil siya sa harap ko at pumaymewang.

Tumango tango ako para i-dismiss na ang usapan namin, at para makaalis na sa harapan niyang hubad! Shit na lalaki to, talagang tinambad pa sa harapan ko ang katawan niya!

"A-ah...sige mag, magbibihis na ako." muntik ko nang tampalin ang sarili ko dahil halos magkanda-utal pa ako! Agad akong kumaripas ng takbo nang makita ko siyang ngumisi.

What the fuck! Memories flood inside my head. I used to stutter in front of him years ago!

Sinarado ko agad ang pinto at sumandal doon, parang deja vu na bumalik ang alaala naming dalawa, napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ng pagkabog nito.

I closed my eyes tightly, this...this feelings. I shouldn't feel this! I hate him! I am mad at him! He was one of the reason why my daughter died! I can't love him without remembering what happened to Lourrine. I ain't comming back to him.

Nagbihis agad ako nang pinadala ni Mad, it was a casual dress, conserative pa ang tema at akala mo naman dadalo ako ng kagalang galang na event!

Mabuti na lang at tamang size ang lahat, mula sa pangloob at panlabas.

"Leattin?"

Natauhan ako sa pagtingin tingin ng view sa sigaw ni Mad mula sa labas.

Maganda ang view ng condo ni Mad, dito pa lang sa kanyang kwarto ay kita na ang skycrapers sa labas paano pa kaya sa living area niya? This is the view I am staring at too whenever I am in my room, whenever I am lonely and I am remembering my daughters.

"Lea? Baby?"

Lumingon na ako doon at nakita si Mad na kakabukas lang ng pinto.

"Gail called, nasa lobby na daw sila. Do you want to come?" he asked calmly.

Tumango lang ako bago naglakad patungo sa kanya.

Hindi siya agad humakbang o ano pa man, nang makalapit na ako ay tsaka lang siya gumalaw at una niyang ginawa ay ang pagpulupot ng kanyang kamay sa baywang ko.

Hindi na ako umalma pa at hinayaan na siya.

Just this day. I will let my feeling overcome me. I will let my feelings whatever it wants to do.

Tsaka ko lang naalala na model nga pala ako at may tsansang magulo ang tahimik naming buhay kapag sabay naming sinundo si Lourrain! Kapag nakakasama ko kasi si Lourrain ay may sumusundo sa kanya at dinadala sa condo ko o tinutuluyan ko, at doon kami nagbobonding mag-ina.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now