Kabanata 8

2 0 0
                                    

#NFAKab8

Sa labas pa lang kanina ay maganda nang tignan ang bahay, pero 'di ko aakalaing may mas imamangha pa ako sa loob.

Napakaliwanag nito at maluwag din. May sofa set na kulay abo at may carpet pa. May mas igaganda pa ito kung lalagyan ng mga disenyo, kinulang kasi mga gamit.

"You can add things here or anything you like." Biglang ani Maddeon. "Our room is on the second floor."

Our.

That means...syempre! Mag-asawa na kami, magkakaanak na nga din. Bakit hindi ko agad naisip ito? Shit! Kwarto namin...iisang kwarto, iisang higaan!

Pagkatapak ng paa ko sa ikalawang palapag ay panibagong pagkamangha na naman ang naramdaman ko, nasa apat ata ang kwarto at isang master bedroom. May maliit na sala din na makikita sa may tabing hagdan.

"Dito ang master bedroom." Turo niya doon sa kaliwang dulo.

Pagkapasok namin ay naamoy ko agad ang pabango niyang lagi kong naamoy. Plain na gray din ang buong kwarto niya walang design, isang king size bed, table lamp sa tabi may couch at little table.

Ang buong kwarto ay nakabrown carpet. May glass door din sa kaliwang bahagi na naghaharang sa veranda. Doon naman sa kanan ay may dalawang pinto.

"The first door is for the bathroom, and the next one is our closet. Your mother send some of your stuff here. Pinalagay ko na din doon sa loob, kung may hindi ka gusto sa pagkakaayos you can ask the house helpers to do that for you." Aniya.

Lumakad ako papasok at umupo sa dulong higaan, sa totoo lang kanina pa ako nangangalay, kahit halos nakaupo lang naman ay pero feeling ko ngalay na ngalay ako.

"Ayos lang naman kahit ako na." Ngumiti ako sa kanya.

"No." Sabi niya kaya nangunot ang noo ko, he looks taken a back. "Fine, just...just refrain from doing things too much, alright? Magpasama ka o di kaya'y iutos mo na lang ang gusto mong ipagawa, we have house helpers to do that."

"Bakit pa? Kaya ko naman." Sagot ko sa kanya.

"Please Leattin? Ayoko lang na may mangyari sayo at sa baby." He pouted kaya naman napatigil ako.

I cleared my throat, "A-ang OA mo naman masyado?" Ngumuso ako bago ibalik ang tingin sa kanya. "Sa tingin mo ba hindi ako mag-iingat? You know yung mga nasabi ko sayo sa hospital noon? Pinagsisisihan ko na iyon, hindi ko alam ang sinasabi ko at basta na lang iyon lumabas sa bibig ko. Mahal ko na ang baby ko—"

"Baby natin." Putol niya.

"Fine. Baby natin, mahal ko siya at hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya, kaya kung sa tingin mo masama akong ina dahil sa nasabi ko noon sayo—"

"Alright baby, alright. Hindi na, hindi ganon ang tingin ko sayo, hmm?" I bit my cheeks, I feel like burning with what he called me.

Nahiya din ako sa dami kong sinabi.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong nahiya.

"Mag...magbibihis na ako!" Nagmamadali akong tumayo bago pumasok sa loob ng walk in closet.

"Don't run Lea!" Narinig kong sigaw niya.

Pagkasara ng pinto ay agad akong napahawak sa dibdib ko, malakas itong natibok. Huminga ako ng malalim, yeah hingal lang yun kaya malakas ang tibok niya, tumakbo ako e.

Ipinilig ko ang ulo ko sa ideyang pumapasok sa isip ko.

Naglakad ako para hanapin ang gamit ko.

Shit lang! Ang ganda ng loob, may dalawang malaking cabinet at may isang lagayan ng sapatos niya, hindi puno iyon pero madami pa din. May maliit na drawers kaya tinignan ko iyon.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now