Kabanata 10

7 0 0
                                    

#NFAKab10

Umaga nang magising ako at patakbong pumunta sa bathroom.

As usual, my morning will starts at throwing up my stomach and ended up alone in our room.

Nagpaalam sa akin si Maddeon na magiging busy siya sa mga darating na araw pero hindi ko alam na kasama sa pagiging busy niya ang pag-uwi ng late.

Putlang putla ako noong humarap ako sa salamin. Gulo gulo ang buhok ko at basa pa ang bibig, mugto ang mata dahil umiyak na naman ako kakasuka.

Wala na si Mad paggising ko. Tanging sticky note lang na nagsasabing maaga siyang papasok dahil may emergency.

Bumaba ako sa dining para kumain. Mag-isa lang ako doon dahil may ginagawa ang kambal at ang mayordoma.

Sa ilang araw na minsan ko lang makita si Mad ay naging kasakasama ko ang kambal.

Mabait sila at sobrang galang kahit na sabihin kong wag na akong tawaging ma'am ay hindi pa rin nila ginagawa. Magkakalapit lang naman ang edad namin kaya hindi na kailangan yon pero araw nila pumayag. Baka daw kasi mapagalitan sila ni Mad o ng nanay nila.

Wala namang kaso iyon dahil hindi naman nagtatagal dito si Mad. Kung wala sa trabaho ay nasa opisina niya at may tinatapos na trabaho.

Pagkatapos kong mag-almusal ay nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at niligpitan ko na din iyon. Nakakahiya naman kung iiwan ko lang to dito gayong walang kakalat kalat dito.

Nasa ganoong akto ako nang maabutan ni Manang.

"Naku hija! Anong ginagawa mo dyan? Hindi mo na sana niligpitan at iniwan mo na dyan. Naku ka talagang bata ka oh." Hinawakan ako ni Manang sa braso bago iatras at siya ang nagtapos.

"Manang madali lang naman ho, at saka wala naman po akong gagawin." Ani ko.

"Kahit na hija, hay nako hayaan mo na. Basta sa susunod ay hayaan mo na lamang diyan ha?" Mahinahong saad niya. Tumango naman ako. "Oh siya sige...maiwan muna kita at may aasikasuhin lang ako sa likod, gusto mo bang papuntahin ko ang kambal dito para may makausap ka?"

"Nako nakakahiya naman po, baka may ginagawa sila." Sagot ko. Nasabi sa akin ni Gail iyon kahapon, ngayon sila magrereview para sa paparating na entrance exam sa college.

"Tatanungin ko, o siya sige." Agad na tumalikod si Manang para nga gawin ang sinabi niya.

Pagkaalis niya ay kumuha ako ng mangkok at naglagay ng ice cream na may iba ibang flavor ulit.

Ever since nagpabili ako ay halos di na maubusan ang ref ng ice cream. Kapag mauubos na ito ay kinabukasan may mga bago na naman. Alam ko iyon dahil ako lang naman ang masiba sa ice cream at nakakaubos nito.

Umalis ako doon at pumunta sa sala. Doon ako nagpalipas ng oras.

Kaunti pa lang ang nakakain ko nang huminto ako doon.

Nakabukas ang television at nanonood ako. I suddenly crave for pizza. A pizza with ice cream. Damn.

Maisip pa lang iyon at naglalaway na ako.

Ang kaso...hindi ko alam pano ako makakabili noon o may ganoon bang tinda. Pero meron na naman akong ice cream, siguro bibili na lang ako ng pizza tapos ay lalagyan ko na lang ang ibabaw noon ng ice cream.

Agad kong niligpit ang pinagkakainan ko bago ako umakyat at nagbihis ng panglakad. May kalakihan na ang tyan ko kaya nagsuot ako ng squarepants na alam kong hindi maiipit ang tiyan ko at t-shirt na nakatuck-in.

Pagkababa ko ay agad kong nakita si Manang Gelly na nagpupunas ng vase. Nang mamataan niya ako ay tumigil siya sa ginagawa at tinanong ako.

"Oh hija...aalis ka?" Hindi pa siya sigurado sa tanong.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now