Kabanata 16

6 0 0
                                    

#NFAKab16

[Warning]

"Mom, let's eat first. Mamaya mo na kulitin si Lea." Singit ni Mad sa usapan namin ng Mommy niya.

"Oh! Oo nga pala! Naku pasensya ka na hija, napasarap ang kwento ko. Gutom ka na ba? You should eat now at baka gutom na din ang mga apo ko." Hayan na naman siya sa mga apo kuno.

Sumulyap ako kay Mad at nakitang namumula ang mukha nito, may ngisi sa labi.

"Yes, Mom. Kaya mamaya na kayo mag-usap." Anito. Tumingin siya sa akin bago ako hawakan sa kamay at akayin patungong dining.

Naalala ko tuloy ang ginawa ko kagabi.

Namula ang mukha ko nang ibang alaala ang naisip. Shit! Oo nga pala at nakatulugan ko iyon, namumulang sumulyap ako kay Mad na daretso lang naman ang tingin.

Wala naman atang nangyari pagkatapos noong nakatulog ako. Wala akong nararamdaman na sakit o ano pa man sa katawan ko. Siguro ay itinigil niya iyon noong makitang nakatulog ako.

Sumulyap ako sa lamesa na punong puno ng pagkain! I even saw my baked cakes and cookies on the table!

Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Mad.

He looked at me too with that painful expression.

"I'm sorry, again." He mouthed.

Ipinaghila ako ng upuan ni Mad bago siya umupo sa tabi ko. Sa harap namin ay ang magulang ni Mad.

"I already ate before going here but I got hungry just looking at these!" Ani Mommy Mindy.

"Uh-huh. My wife cooked all of that. She baked cakes too." Mukhang proud na proud si Mad nang sabihin iyon.

Ngumiti sa akin ang Mommy ni Mad bago tikman ang isang luto ko kagabi.

Maiinit ang mga iyon kaya malamang ininit ni Mad iyon lahat. May ilang dishes din akong nakitang hindi familiar kaya naisip kong baka nagluto din si Mad kanina.

Tumango tango ang ina niya bago ako sinulyapan.

"Oh gosh! Hindi ka lang mabait at maganda! Napakasarap mo ring magluto hija!" She said with enthusiasm.

Sumunod ang Daddy ni Mad sa pagtikim. Tumango din ito na parang nasarapan.

"I feel like I'm an outsider! Mindy and Maddeon is both a chef, Phillie can cook and now...my son's wife is a good cook too!" Nagtawanan kami lahat sa sinabi nito.

Kahit na nahihiya sa papuri nila ay tinanggap ko iyon dahil alam ko sa sarili ko na marunong talaga akong magluto.

"But... what's with the foods son? Are we celebrating something?" Nagtatakang tanong ng Mommy niya.

Hilaw na nawala ang ngiti ko sa labi, naramdaman ko ang pagsulyap ni Mad sa akin.

"Yesterday's our marriage first monthsarry." Sagot nito.

"Oh! Oo nga ano?" Ngumiti ang Mommy niya. "Sayang at hindi ako nakabili ng regalo but...next time I won't forget it!"

Nagpatuloy pa ang pagkain namin doon. Hindi na ako masyado nakakakibo dahil hindi ko na masundan ang usapan.

Pagsulyap sulyap si Maddeon sa akin at nakaalalay sa pagkain ko kahit pa kausap niya ang Daddy niya.

Their topic change and it's now all about business-where I don't have a knowledge.

"I heard that Jazz is planning to build her first ever project in Europe." Napaangat ang tingin ko sa kanila nang nabanggit si Ate. "Why did she choose there though, masyadong malayo?" Tanong ng Mommy ni Mad.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now