Kabanata 26

4 0 0
                                    

#NFAKab26

Nagmamadali sila sa pagtulak ng stretcher. Agad akong pinasok sa delivery room, sa sobrang sakit ay halos hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa paligid, tanging kaguluhan at pagpanic ni Phillie ang naririnig ko. Tunog din nang tunog ang phone niya pero dahil sa kaba niya hindi niya na pinapansin iyon.

"Miss, normal or CS-"

"Normal! It should be normal!" Agad kong sigaw sa sakit.

Hindi maintindihan ni Phillie ang pinag-uusapan namin kaya hindi siya nagsalita, hawak niya ang kamay ko habang hinihintay ang Doctor na magpapaanak sa akin.

My mind is in not functioning well because of different emotions I'm feeling that I forgot to tell them they should call my Doctors!

Biglaang bumukas ang pinto at himahangos na pumasok si Doc Zia.

"No! You don't have the right to deliver her babies! She have Doctors to do that!" Pigil niya sa mga nurse na nag-aasikaso na sa akin.

Lumapit siya at namutla nang makita akong hirap na hirap na.

"Mierda! Lea nasan ang mga assigned Doctor mo? Your due date isn't now yet! Anong nangyari?"

Hindi ko na nasagot pa si Doc. Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko ay halos mamanhid na ako.

Pinalabas si Phillie sa loob dahil walang choice ang mga Doctor na magtutulong tulong na paanakin ako dahil puwersahan ng nalabas ang isa sa kambal!

At dahil sinunod nila ang utos ko na normal delivery ang gawin ay masyado silang aligaga.

Alam nila na maaaring hindi maganda ang kalalabasan nito pero dahil iyon ang gusto ng pasyente ay sinunod nila.

"Leattin... breathe in, breathe out..." The Doctor said slowly. Sinunod ko iyon.

Noong umayos ang paghinga ko ay tsaka nila sinimulan ang gagawin.

Kasama si Doc Zia sa nagpapaanak sa akin pero hindi siya ang mismong naghahandle. Siya ang nagsasabi ng mga information na dapat iwasan dahil alam niya ang record ko.

Ibang iba siya sa kaninang kabado habang nakatingin sa akin, ngayon ay siniseryoso niya na ang nangyayari.

Inaamin ko. Natatakot ako, hindi sila ang dapat magpaanak sa akin pero dahil wala dito ang dapat na gumawa ay wala silang choice!

I hope that this would be successful. I'm hoping.

They asked me to breathe properly again because my breathing isn't normal. Kabado ako kaya hindi nila masimulan.

When they said that I am ready she asked me to push.

Napakasakit noon.

Hindi agad lumabas ang baby sa unang ire at alam ko aabutin pa ito ng oras dahil first time ko ito.

"Go...go. nakikita ko na ang ulo ng baby..." Pangungumbinsi sa akin ng Doctor.

I shouted. I scream in pain. But still the baby isn't going out yet whole. My baby is hurting her Mama huh?

Pinaulit ulit nila ako sa pag-ire hanggang sa marinig ko ang matinis na iyak ng isang sanggol. Relief...that was what I feel noong nakalabas na siya.

"The baby girl is super healthy and beautiful!"

Nalaglag ang luha sa mata ko dahil nakita ko ang malusog kong anak. Mahinang umiyak iyon at agad din namang tumigil.

Ang sumunod na ire ko ay para naman sa isa ko pang anak...I know, and I am ready for this but still. It hurts.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now