Kabanata 5

3 0 0
                                    

#NFAKab5

"Tristan Drake manahimik! Huwag mo munang kulitin, hayaan mo muna siyang makapag-isip isip. I know you're going to nag her, at bawal iyon sa kanya."

"I just wanna ask who's the man! I'm gonna punch him real bad. He can't leave without me punching his face!"

Hindi ko napinagtuunan ng pansin ang dalawa kong kapatid na nagtatalo sa likod ko.

Tulala ako habang nakaupo sa dulo ng kama ko. Iniisip kung anong katangahan ang nagawa ko at humantong sa ganitong punto.

It's just a night. But that one night ruined everything.

My studies for sure...my dreams maybe...and me being a disappointment in our family.

I know it's bad for me to think negative thoughts...I should be thinking positive. Pero hindi ko magawa...

Napahawak ako sa tyan kong maliit. Hindi ko man lang napansin, sa bagay, it's still flat.

My baby... I'm sorry...your momma is a very weak woman, I'm sorry too for thinking of aborting you. I will never forgive myself for thinking that, although I was just clouded that time and I did not think everything I've said... patawarin mo ako anak ko.

I sighed.

Gusto kong saktan ang sarili ko ng maalala iyong pinagsasabi ko sa lalaking Fuente—na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan.

Bakit nga ba hindi ko alam? I just don't care?

Kapag nagkikita kami noon ay palaging nasa paligid si Phillie at tanging 'kuya' lang ang tinatawag niya...noong may nangyari samin ay hindi ko na nagawa pang itanong ang pangalan niya dahil sa taranta ko...noong nasa Hospital naman kami...malabo ang pag-iisip ko.

I almost chuckled.

I'm sorry, my bad, baby, I still don't know your father's name...but you will meet him later. Maybe, we will know.

Speaking of which.

Kagabi ay sa sobrang galit ni Papa ay pinatawag niya lahat ng bodyguard niya upang ipakuha kami at binantaan na huwag munang lumapit ang lalaki sa akin.

"Tomorrow. Kapag hindi ko nakita ang presensya mo at ng mga magulang mo sa pamamahay ko...you will never see my daughter and grandchild ever." Iyon lang ang binanggit ni Papa bago kami tuluyang umalis.

Hahabol pa nga sana yung lalaki pero hindi na niya nagawa dahil pinalibutan kami ng mga nakaitim na lalaki.

Ngayon... kinakabahan ako. Hindi ako sigurado kung pupunta nga siya o hindi pero... nasisiguro kong kailangan namin itong lusutan.

Hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa akin nito at sa batang nasa sinapupunan ko...kung hindi man sumipot yung lalaki ay ayos lang, sa kakayahan ng Papa ko ay alam kong kakayanin ko.

Nagdalawang isip tuloy ako. Kagabi ay para namang papanindigan ng lalaki ang nagawa namin pero...malay mo magbago ang isip niya...

Naputol ang iniisip ko ng may kumatok sa pinto ko.

"Ate..." Nilingon ko ang nakasilip na si Jea sa pinto. "Pinapababa ka na...nandyan na sila."

Dahan dahan akong tumango bago tinignan ang sarili sa salamin.

Kung ano mang desisyon ang maganap mamaya ay tatanggapin ko. Wala akong karapatang tumanggi dahil wala din akong naiisip na paraan kung anong pwedeng gawin o mangyari.

Pagbaba ko ay agad kong nahuli ang mga mata niya...

Agad siyang tumayo kaya napatayo na din ang mga kasama niya. Katabi niya ang nasa forties na ginang at sa tabi nito ang kilalang Chief ng Police Department of the City. Sa kabilang tabi niya ay ang kanyang kapatid na babae, si Phillie.

No Feelings Attached (Status Series#2 Married) Completed ✔️Where stories live. Discover now