Capítulo cuatro

56 43 1
                                    

Chapter 4: work, work,work.

"MARAMING salamat sa'yo" ilang ulit nya na itong sinabi munit hindi pa rin ito nagsasawang magpasalamat kay sir rozzen.

"Don't mention it, Wala lang 'to" nakangiting sambit nya.

Ngumiti nalang din sya at umiwas ng tingin, Kasalukuyan silang nasa kotse. Nasa pasengger seat sya habang karga karga ang anak nyang tulog na tulog dahil sa sobrang pagod habang ang driver naman ay si sir rozzen na seryosong seryoso.

awkward ang byahe para sakanya, why? Dahil may mga pagkakataong napapatingin sya kay rozzen na mabibigla nalang sya na nakatingin rin pala sakanya at sabay pa talaga silang mag iiwasan!

Nako naman! Nakakailang!

Never pa syang sumama sa lalaki- I mean yung ihatid ba! Lalo na kapag di nya masyadong kilala! Tapos eto sya ngayon, nagpapahatid sa stranger na nagbigay lang naman ng grocery sakanila! 一 at ang stranger na naglagay ng ngiti sa labi ng anak mo at ng labi mo..

Napanguso nalang sya dahil sa sinabi ng utak nya, totoo naman kasi.

Naenjoy nya ang pagmamall na walang inaalala kanina, lalo pa nung sumama ito sakanilang maglaro. Ewan ba nya, napaka weird sa pakiramdam.

"Magpapamusic nalang ako, para hindi masyadong awkward"

aaggree na sana sya pero agad na  itong nagplay ng tugtog.

"Hawakan mo ang kamay ko
Nang napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
Oh, 'di mo ba pansin?~"

napangiti sya ng palihim, Naalala nya yang kantang yan.

"Na ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~"

Yan ang isa sa mga paborito nyang kanta ni tj monterde.

"Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~"

hindi nya napigilang sumabay sa kanta.

Napatigil lang sya nung may narinig syang tawa sa gilid nya. Napanguso sya at umiwas ng tingin.

"Ituloy mo lang" rinig nyang sabi nito, umiling lang sya. "Why?"

"Pinagtatawanan mo ang boses ko." sabi nya na may sama ng loob pang kasama.

"Sinong nagsabi?"

"Hindi mo sinabi, tumawa ka lang" inis nyang sabi.

"But atleast I didn't say that" pang aasar pa nito..

Namula sya dahil sa hiya, Bakit ba kasi pinatugtog ang paborito nyang kanta? Yan tulog na carried away sya!

"Ikaw at ako,Tayo'y pinagtagpo,Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo~" gulat syang napalingon kay sir rozzen nung kumanta rin ito.

pero hindi nya alam kung guni-guni nya ulit yon dahil napaka-hina na halos ibulong lang nito.

"why?" he asked while his eyes are still on the way.

"Wala" umirap pa sya rito at hindi na muling tumingin sa lalaki..

MUNTIK-MUNTIKAN na syang makatulog sa kotse kung hindi lang sya nalibang sa cellphone nya at kung hindi lang talaga siya nahihiya- joke!

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon