Capitulo labing siyam

26 4 0
                                    

Chapter 19: kaibigan

"WELCOME BACK, shakira. Buti naman naisipan mo pang bumalik?" sarkastikong ani ng manager niyang si rotiro.

Napangiti siya at tumakbo na parang bata upang yumakap sa manager niya.

"Namiss kita manager rotiro." Inemphasize nya pa ang pangalan nitong rotiro.

"At namiss ko rin ang pang aasar mo sa'kin tungkol sa pangalan ko." natawa nalang siya at humiwalay na sa yakap.

"Kamusta dito?" tanong niya.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya'y bumalik siya sa dating siya. 'Yong shakira na walang inatupag kung hindi ang bar at ang anak niya.

"Aba'y eto buti nga't walang pinagbago一 marami pa rin ang dumadayo kahit pa nawala ang alas ng bar na 'to." biro nito.

Natawa naman siya. "Sorry talaga manager rotiro ha? Hindi ko kasi makwekwento sa'yo e." nahihiyang aniya.

"Ano kaba? Sabing ayos lang. Ang mahalaga naman ay nakabalik kayo ng ligtas at buhay dito." sinserong anito.

Napasulyap siya kay julia na kasalukuyang nakahiga sa mahabang sofa dito sa opisina.

Hindi niya maiwasang mapangiti nung marinig ang mumunting hilik nito.

"Sobrang proud ko sa'yo, alam mo ba yon?" muli niyang ibinalik ang tingin sa manager. "Nakukuha mo pa ring ngumiti kahit sobrang hirap na ng pinagdaraanan mo.." napayuko siya, unti unting nagsitakas ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

Sobrang bigat ng dibdib niya一 hindi niya na alam ang gagawin.

Nanatili lang siyang nakayuko, at nanatili naman si manager rotiro sa pananahimik.

Hindi niya alam kung anong meron sa words na sinabi ni manager, siguro dala ng pagod ay kaya siya ganito.

"P-Pasensya na talaga.." aniya nung mahimasmasan siya. "Pagod lang ako manager." napapalunok niya pang ani.

"Alam ko." tipid itong ngumiti sakaniya atsaka tinapik ang balikat niya. "Magpahinga muna kayo pansamantala dito." tumango tango nalang siya at sinundan ng tingin ang papalabas nang manager.

Nung masarado na ang pinto ay agad niyang itinakip ang nanginginig niyang kamay sa bibig upang hindi makagawa ng ingay nung magsimula na namang bumuhos ang luha sa mga mata niya.

Napatingin siya sa anak niyang mahimbing ang tulog一 hindi niya na namalayang nakalapit na siya rito at hinahaplos ang maamo nitong mukha.

'Pagod na ko Julia..' aniya sa isip habang nakatingin sa anak. 'Pagod na pagod na ako sa mundong ito.. Hindi ko na kaya pa'

Napatalikod siya at napasandal na lamang sa sofa一 tahimik siyang umiiyak habang patuloy lamang sa pagsasabi ng salitang 'pagod na siyang nararamdaman niya.

Totoo nga ang sinabi nila na dapat iiyak mo lang ang lahat nang tahimik dahil magiging okay ka sa ganong paraan sapagkat maya maya lamang ay tuluyan na siyang nahimasmasan at puros bigat sa dibdib nalang ang nararamdaman niya.

Wala na yata siyang maiyak dahil tumigil ang mga mata niyang namamaga dahil sa pagluha一 gusto niya mang umiyak pa ay parang napagod na ang mga luha sakaniya.

Napatitig nalang siya sa pader ng opisina ni manager rotiro.

AFTER ONE WEEK.

Napangiti si shakira habang nakatingin sa mga audience niya sa bar.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng kagalakan dahil sa wakas pagkatapos ng isang kahabag-habag na pangyayari ay narito uli siya upang tumugtog..

Masayang masaya siya. Pakiramdam niya ang nakauwi na siya sa tahanan nila一 tahanan kung nasaan ang ina, ama, ate, kuya o ang tinatawag nilang pamilya.

HER FAMILIAR SCENT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon