Chapter 7: Lost
NAGISING SYA dahil sa marahang pagtakip sakanya ni julia.
"Mama! Mama gising na po! Mama!"
Agad nyang iminulat ang kaniyang mga mata-- munit gulat sya nung makita ang 'di-pamilyar na lugar!
"Mama! Nasan po tayo? Di po ba nasa bahay lang tayo? Nasan na po tayo ngayon? Tsaka bakit po tayo naandar?" hindi nya pinansin ang kaniyang anak bagkos ay pinakiramdaman nya ang paligid!
at totoo nga!Gumagalaw at parang umaandar sila-- pero ang nakakapagtaka ay pano?!
"Mama.. N-Nasan po tayo?" napakapit si julia sakaniya dahil sa sobrang takot.
Napailing sya habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid bago tumingin sa anak niyang bakas ang kaba at takot sa buong mukha-- namumula pa ito!
"Hindi ko rin alam anak.." kinakabahan nyang sagot 'tsaka bumitaw sa hawak nito at tumayo!
pero hindi pa sya nakakatayo ng maayos nung mapaupo sya ng biglang gumalaw ang kwarto!
'Anong nangyayari?!'
Sobrang dilim ng kwarto na ang makikita mo lang ay ang kung anong bagay na naabot ng liwanag ng maliit na lamparang nasa tabi ng kama na pinaghigaan nila!
"Anak, stay still. Baka matumba ka rin, Ako lang ang tatayo maliwanag?" bulong na utos nya rito na agad naman itong tumango at sumunod.
Huminga sya ng malalim bago muling sinubukang tumayo-- pero katulad nang nauna ay hindi agad nya nabalanse ang katawan dahilan para mapaupo sya sa lapag!
at ang sakit non sa pwetan!
"Bwiset" pabulong nyang daing!Agad nyang itinungkod ang dalawang kamay sa lapag upang makatayo-- munit agad syang nahinto nung maramdaman kung gaano kalamig ang lapag na 'yon!
at dahil sa kuryusudad ay yumuko sya at marahan iyong inamoy at base sa amoy nito..
"Nasa isang truck tayo?!" gulat nyang sigaw at dagliang napatayo!
Humawak sya ng mabuti sa higaan na ngayon nya lang napansing nakatali pala ito sa pader upang hindi gumalaw gayon din ang ibang bagay tulad ng upuan at side table na naaabot ng liwanag ng lampara!
"Mama.. A-Ano po yung truck?" napalingon sya sa anak niya!
"Isang napaka-laking sasakyan anak, P-Palagay ko sa isang truck tayo dinala ng k-kung sino man.." seryosong sagot nya habang pilit na inaaninag ang ibang parte ng kwarto o kung nasan man sila ngayon!
Kung may cellphone lang sana siya ngayon-- teka!tama!Ang cellphone nya!
nagkaroon sya nang pag asa nung maisip na may cellphone nga pala sya na nakatago sa side table ng kwarto nila-- munit parang bumagsak lahat ng pag asang 'yon nung makita nyang walang laman na kahit ano ang side table na 'yon!
'Putsa! Ano bang nangyayari?!'
Nag aalala na siya nang sobra hindi para sakanya kun'di para sa anak nyang natatakot ngayon.
inis siyang tumayo ng tuwid at kahit nahuhulog minsa'y hindi nya yon pinapansin hanggang sa makarating siya sa dulo kung saan hindi na naabot ng maliit na lamparang 'yon!
*TOK TOK TOK
malakas nyang pinokpok ang dulo ng kinalalagyan nila at malakas ang tunog nun na nag-echo sa buong kwarto!
Pero hindi nya 'yon pinagtuunan ny pansin at tinuloy tuloy ang pagpokpok hanggang sa mapagod sya at mapaupo nalang..
it seems nobody hear the sounds that she made!
BINABASA MO ANG
HER FAMILIAR SCENT
FantasySa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya la...