Epilogue: Ang masaklap na pagwawakas.
"Welcome back.. Annette. Or should I say shakira?"
Hindi ako kumurap o ngumisi man lang. Walang emosyong tinignan ko ang mukha niya.
Naging kayumanggi na ang balat nito. Nakikita ko ring ang ringkels sa noo nito. May mga white and black heads sa ilong at may tumutubong pimples.
gusto kong matawa一 humalakhak ng pagkalakas lakas.
Nakikita ko ngayon ay mga bagay na hindi ko nakikita sakaniya noon at iyon ay ang katandaan.
"Sa wakas nagkita na rin kayong dalawa" nakangising ani nito, halatang natutuwa sa mga pinagsasabi.
"Nagkita nino?" diin kong tanong kahit alam ko na ang pinahihiwatig nya.
Sumulyap ako ng palihim kay Lucas na wala ring emosyong nakatingin sa'kin.
"Ng anak ko.." dun ako bahagyang nagulat, anak nya?! Umabante si Lucas na kanina'y nasa likuran lang ni adrasteia. Ngayon magkapantay na sila. "Siya, Siya ang anak ko." anito na pinatitigan pa ko halatang hinihintay ang reaksyon ko.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sandali habang nakatitig sa mga mata ng matanda, hindi ako makatingin kay Lucas. Hindi ko rin tanggap.
nanatili akong tahimik nakikiramdam kung anong susunod niyang sasabihin o gagawin.
"Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Bakit parang tinatago mo?" humalakhak pa sya na parang baliw. "Hindi mo inaasahan no? Hindi mo inaasahan na ang anak ko ay ang matalik mong kaibigan at ang trumatraydor sa'yo ngayon." diniinan nya pa ang dulo.
Napangisi akong umiwas ng tingin.
"Ngayon. Sisiguraduhin kong tapos kana." aniya. Sinenyasan nya si Lucas na lumapit sa'kin at hilain, ginawa nya nga.
Halos mapadaing ako sa higpit ng hawak niya sa braso ko一parang pinipilipit at gusto nang baliin.
Pero hindi ako nagpahalatang nasasaktan ako. Alam kong iyon ang gusto nilang makitang reaksyon sa mukha ko, kung ganon hinding hindi ko sila pagbibigyan.
Sinimulan nya na akong hilain patungo sa kung saan. Hindi ako nagsalita o nagreklamo man lang, pagod na pagod na ang katawan ko na tila hindi ko na alam kung makakalaban pa ba ako o hindi na.
Nakatulala lang ako hanggang sa napagtanto ko nalang na nasa pinaka madilim kaming parte ng kagubatan.
Napa-daing ako nung bigla akong itulak ni Lucas dahilan para mapadapa ako sa lupa. Sobrang sakit sa tuhod at balakang iyon dahil sa lakas ng pwersa niya.
Ngumisi si adrasteia kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kukunin ko lang ang gamit." paalam ni adrasteia, hindi ko siya pinansin lalo na si Lucas.
Ilang sandali pa ay umalis na ang matanda. Isang napaka awkward na katahimikan ang namayani sa amin. Nakakapagalala.
Akala ko ay wala nang magsasalita, pero nagulat ako nung magsalita siya.
"Bakit 'di ka lumalaban?" halos hindi ko na mabosesan ang boses niya. Napakalamig nito at para bang hindi ako kilala. Ang way niya ng pagtingin ay kakaiba rin sa nakasanaywb ko; puno ito ng pait at galit.
Umiwas ako ng tingin. " Para saan pa? Alam mong kahit anong gawin ko, mamamatay rin lang ako." seryoso kong sabi.
"Nasan na ang shakirang kilala ko? Yung matapang at hindi sumusuko sa buhay?" hindi ako makapaniwalang napatingin sakaniya, ngayon naramdaman ko na ang galit ko.
BINABASA MO ANG
HER FAMILIAR SCENT
FantasySa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya la...