Prologue: the day they met again.." C'mmon rozzen, let's come out!" Pamimilit ng kaibigan nyang si khiro.
Umiling lang sya bago huminga ng malalim, at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Tara na! Parang awa mo naman, lumabas ka na sa kweba mo! For 300 years you wanted to be alone but not now rozzen! Sorry pero hindi ko muna pagbibigyan yung gusto mo, dahil kaylangan tayo dun ni adrasteia! Siguradong magtatampo yun kase h--" he cut his words
" Khiro please get out, i'm busy." Yun nalang ang nasabi nya.
Totoo naman kase, ang dami nya pang gagawin. Nagkalat ang mga papeles sa lamesa nya, meron rin sa coach sofa nya, kapag pasok mo naman sa kwarto nya ay nagkalat rin ang mga papeles na hindi nya alam kung paano tatapusin lahat!
"Ang KJ mo naman, I know you know na kaya mo lang naman ginagawang busy ang sarili mo para hindi mo maalala si An--"
" Continue your nonsense words, i will cut your useless tongue." Galit na ani nito. Ramdam nya ang demonyong gustong lumabas mula sa loob nya, pero hindi nya mapigilan.
'Hindi nya na mapigilan.'
Napalabi naman si khiro at itinaas ang dalawang kamay para sabihing susuko na sya. Iniiwas nya nalang ang paningin nya at pilit na itinuon ang buong atensyon sa papeles na nasa harapan nya.
" Fine, babalik nalang ako mamaya para kulitin ka ulit. Kaylangan talaga ng magbabantay sa mga bata ron sa kagubatan malapit dito mga 5 mins kung pupunta ka." Pang uuto pa nito pero siniringan lang nya.
bumuntong hininga sya ng marinig nya ang pagbukas at pagsara ng pintuan, kahit kaylan talaga yang kaibigan nya ay sakit sa ulo.
Wala kaseng magawa sa buhay, hindi nalang sya tulungan sa mga papeles na nagkalat yata sa buong bahay niya.
Pinilig nya ang ulo nya ng lumabas na naman ang mukha ng babaeng iniiwasan nyang maisip at pilit na itinuon nalang ang atensyon sa mga papeles.
Hays ang dami nya pang gagawin.
SHAKIRA sighed when they arrived to the talon ng Pagsanjan. ika nga ng guro na kasama nila.
"Class, we can rest here. And we will tour you all with mr. Khirony, got it?" Anunsyo ng guro na kasama nila.
"Yes ma'am" sabay sabay na sabi nila.
Ipinalibot nya ang paningin nya sa batis na kaharap nya.
Malawak at malinaw ang tubig na nagbubuhat sa talon na to, ang daming punong nakapalibot rito at higit sa lahat ay kahali-halinang tignan ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas, pababa na parang sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.
"Hoy kira, natulala ka na naman diyan?" Agad syang napakurap ng itulak sya ng mahina ng kaklase nyang si stacey. Tipid syang ngumiti at umiwas ng tingin. "Ang ganda noh? Hindi ko alam na may ganito palang batis sa lalawigan ng laguna. Ang sarap marinig ang lagaslas ng tubig mula sa taas!" Masayang ani nito habang lingon ng lingon. Ngumiti lang sya ng tipid at naglakad papalapit sa iba pa nyang kaklase.
Umupo sya sa batuhan, at ang guro naman nila ay nasa harapan.
"Class, huwag kayong maghihiwalay-hiwalay maliwanag? Baka maligaw kayo at hindi na makabalik sa inyo!" Pananakot pa nito, pero natawa lang sya ng bahagya.
Sino naman kase ang magbabalak na kuhain sya kung sakali man? Isa lang syang dukha at hindi pa masarap ang lamang loob nya.
Natawa nalang sya sa naisip at umiling.
BINABASA MO ANG
HER FAMILIAR SCENT
خيال (فانتازيا)Sa lahat ng taong nakita at nadapuan ng mga mata nya-- bakit sa babaeng 10 years nya ng hindi nakita ang may kaperahas nitong amoy? Her smiles, Laugh, Chuckles and everthing that she does, all of them are familiar to him.. Noong una inaakala nya la...